------- ***Lhea’s POV*** - Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan si Daddy na nakaupo sa harap ng mesa ko. Ramdam ko ang bigat ng balitang dala niya, at habang tumatagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Parang naubusan ako ng salita. Wala akong mahanap na tamang paraan para ipahayag ang magulong damdamin sa loob ko. Ayaw kong makalaya si Megan mula sa Saavedra Island, hindi pa ngayon. Hindi hangga’t hindi pa siya tunay na nagbabago. Hindi hangga’t hindi ko nakikitang nagsisisi siya sa lahat ng kasalanang ginawa niya. Hindi siya basta-basta puwedeng hayaan na lang makalabas—hindi kapag alam kong delikado pa siyang pagkatiwalaan. Pero sa kabilang banda, hindi ko

