-------- ***Lhea's POV*** - Napataas ang kilay ko nang makita ko ang isang post sa social media. "This has nothing to do with Elixir Dela Costa, CEO of EDC Innovations. So don’t be fooled when this woman claims to be Elixir's wife—she has no connection to the CEO whatsoever." Malamig kong binasa ang caption, pero sa loob-loob ko, hindi ko maiwasang mapailing. Sa totoo lang, napataas talaga ang kilay ko. Si Megan ang tinutukoy na babae sa post. Ibig sabihin, hindi si Megan ang sinasabi ng assistant ni Elixir na asawa nito. Kung sino man ang tunay na asawa ni Elixir, mukhang napakahalaga nito sa kanya. Dahil nagawa niyang tuluyang burahin si Megan sa buhay niya para lang sa babaeng iyon. Isang bagay na hindi niya kailanman nagawang gawin noon—para sa akin. Kaya siguro, tama lang na h

