------ ***Lhea’s POV*** - Hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan ang naririnig ko sa kanya. Hinayaan ko siyang magpatuloy sa pagsasalita. “Nakita ko ‘yung prenatal check-up book mo…” panimula niya, mababa ang boses pero mabigat ang bawat salitang binibigkas. “Ilang reseta ng vitamins na naiwan sa drawer natin, Lhea. Isang linggo matapos kang mawala. Hinanap kita. Sinabi ko pa sa mga magulang mo na buntis ka, pero… hindi sila nakipagtulungan. Alam kong alam nila kung nasaan ka, pero hindi nila ako tinulungan para makita ka.” Ramdam ko ang poot, ang sakit, at ang matinding hinanakit sa tono ng boses niya. Halos ramdam ko rin ang paghigpit ng dibdib niya habang sinasambit ang bawat katagan. “Halos ikamatay ko nung malaman kong… kinasal ka na raw,” patuloy niya. “Hindi ko matangga

