----- ***Stacey's POV*** - Mula nang nangyari sa pagitan namin ni Lindsay, nagbago na rin si Alexander. Mas lalo syang naging malamig at tila walang pakialam. Noon, kahit malamig siya at madalas ay seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, may nararamdaman pa rin akong kahit kaunting lambing sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang may mga pagkakataong, kahit hindi siya magsalita, naroon pa rin ang pag-aalaga, ang pag-unawa—kahit tahimik. Pero simula nang hindi ko pinagbigyan ang gusto niyang iurong ko ang kaso laban kay Lindsay, nagbago ang lahat. Lahat. Wala na akong maramdamang kahit anong init mula sa kaniya. Kahit pa sa tuwing nag- iisa ang mga katawan namin ay puro kalamigan na lang. Para sa kanya, ang bawat sandali ng pag-iisang katawan namin ay isa na lamang obligasyon—isang bag

