Alexander and Stacey 26

1524 Words

------ ***Stacey’s POV*** - Mas lalong tumalim ang titig sa akin ni Alexander matapos kong bitawan ang huling sinabi ko. Ramdam na ramdam ko ang tindi ng galit na nanggagaling sa mga mata niya—para bang gusto na niya akong saksakin gamit lang ang tingin. Napaka-intense ng presensiya niya sa sandaling iyon, halos mawalan ako ng hangin. “Tinatakot mo ba ako, Stacey?” mariin niyang tanong, punung-puno ng galit ang tinig. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko na kinaya ang init ng dugo ko. Sumabog na rin ako. “Ako?” Itinuro ko ang sarili ko, madiin, halos hampasin ang dibdib ko. “Ako ang nananakot sa’yo? Anong tawag mo sa ginagawa mo sa akin ngayon, Alexander? Hindi ba’t ikaw din ang nananakot? Ikaw ang unang nanakot sa akin at hindi ako!” sigaw ko, nanginginig sa galit at sakit. Hindi siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD