------- ***Stacey’s POV*** - “Good morning.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nasa kusina na naman siya—si Alexander. Wala nang iba pa. Limang araw ko na siyang naabutang naroon, palaging nagluluto ng almusal na para bang siya na ang may-ari ng bahay. Ngumiti siya sa akin—'yung tipong kaswal lang, parang wala lang sa kanya. Pero kita sa mga mata niya na sinusubukan niya ulit. Araw-araw. "Araw-araw ka na lang nandito," mahinang sambit ko habang dumiretso ako sa upuan. Alam kong narinig niya ako. Pero sa halip na sagutin ang sinabi ko, tumalikod lang siya at inasikaso ang mga niluto niya—fried rice, scrambled egg na may gatas, at beef tapa. Lahat paborito ko. Mabango. Pero ewan ko kung bakit naiinis ako. Tahimik akong naupo. Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang sim

