---------- ***Third Person’s POV*** - Pigil ang galit ni Elixir habang mahigpit ang hawak niya sa manibela. Halos pumutok na ang litid sa kanyang panga. Sa tabi niya, si Megan ay bahagyang nakasandal, humihikbi habang mariing hawak ang sentido. Masakit daw ang ulo nito, kaya nagmamadali siyang bumalik mula sa party. Pero ang dahilan ng sakit ng ulo nito—’yon ang mas lalong nagpataas ng dugo niya. Kahihiyan na naman. Gumawa na naman ito ng isang pagkakamali. Akala niya, naintindihan na siya nito nang sabihin niyang huwag nang gumawa ng hakbang na magdadagdag pa ng kahihiyan. Pero mukhang hindi sila nagkaintindihan. At ang kinalaban pa nito? Si Kristoff Montreal pa—na alam niyang hindi basta-basta. At dahil naiinis ito kay Megan, pinahiya ito ni Kristoff sa harap ng maraming tao. He

