------- ***Third Person’s POV*** - Kaharap ni Elixir ang kanyang Lolo Alfonso, nakaupo ito sa hospital bed habang nakakunot ang noo at mahigpit na hawak-hawak ang isang pahayagan. Ngayon ang araw ng discharge ng matanda, pero batid ni Elixir na hindi iyon ang dahilan ng pagkatawag nito sa kanya. “Anong klaseng kahihiyan 'to, Elixir?” mariing sambit ni Lolo Alfonso, itinaas ang dyaryo na may malaking larawan ni Megan—nakayuko habang tinatakpan ang mukha, kasama ang headline: “Scandalous Scene at the party for businesses.” “Front page, Elixir. Front page! At ang pangalan ng kompanya, damay! Dela Costa Advertising, nakaladkad sa kababawan ng babaeng ‘yan!” galit na galit ang boses ng matanda habang nanginginig ang kamay. Hindi sumagot si Elixir. Tahimik lang siyang nakatayo sa paanan ng

