------ ***Stacey's POV*** - Pagkababa pa lang mula sa kotse sa harap ng isang bar dito sa Cebu, ay agad na bumungad kay Stacey ang malakas na tugtugin, ang halakhakan ng mga tao, at ang amoy sa paligid na may halong amoy ng alak. Hindi sya makatulog kaya pinagbigyan niya ang imbitasyon ng ilang kaibigan. Kainis naman kasi! Pabalik- balik sa isip niya ang nakakainis na lalaki. Hindi na niya makalimutan ang hitsura nito na perpekto sa hinahanap niyang lalaki. Sa loob, nakita niya agad ang tatlo niyang kaibigan—sina Jessa, Julienne, at Iya. Pare-pareho rin silang galing sa mga prominenteng pamilya, mga socialite pero mga babait naman. "Girl, akala ko hindi ka na pupunta dito," bungad ni Julienne, sabay abot ng cocktail kay Stacey. "Hindi pa ako inaantok," sagot niya, at saka sumimsi

