-------- ***Stacey’s POV*** - Note: Ilang chapters bago ang continuation sa nangyari sa Prologue. - Ako si Stacey Saavedra. Galing ako sa angkan ng mga Saavedra. Apat kaming magkakapatid na puro babae, at ako ang panganay. Anak ako ni Garreth Saavedra—ang big boss ng Saavedra Empire. Isa itong mafia organization na legal na minamanage dito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa. Kahit isa itong mafia organization, tumutulong din ito sa gobyerno sa paglutas ng ilang krimen na kailangan ang kaalaman ng grupo. Kahit masasabing may illegal na gawain ang organisasyon, hindi naman ito nakakasira sa buhay ng ibang tao. Pinoprotektahan ng organisasyon ang ilan sa malalaking angkan ng bansa—ang mga Montreal, Montenegro, at Del Fuengo—pati na rin ang ilang pamilya na malapit sa organisasyo

