-------
***Lhea's POV***
-
"Lhea, sa susunod, ayaw kong pinapakialaman mo ako. Paano kung may nakakilala sa akin na nakakita sa'yo kagabi habang kinukuha mo ako sa bar? Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang iisipin ng mga taong nakakita sa atin?"
Imbes na magpasalamat sa ginawa ko para sa kanya kagabi, ito agad ang narinig ko mula kay Elixir kinabukasan, nasa tamang katinuan na siya matapos mawala ang epekto ng alak. Hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niya sa akin matapos ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa pag-aalaga sa kanya. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang nagsuka kagabi. Wala akong tulog, pinagmamasdan ko lang siya at inaalagaan, tiniyak kong nasa maayos siyang kalagayan. Hindi ko naman isusumbat ang ginawa kong iyon dahil bukal sa loob ko ang pagtulong sa kanya. But I can't deny that his cold and unappreciative response hurts—it feels like all my efforts were meaningless to him.
"I'm sorry. Lasing ka kasi kagabi, at hindi kaya ng konsensya kong iwan ka. Baka mapahamak ka pa," maingat kong sagot, pilit na inuunawang mabuti ang inis niya.
"Ano ngayon? Wala kang karapatan na pakialaman ako. Whatever happens to me is none of your concern—that’s my burden to bear. I didn’t ask for your help, Lhea, and I certainly didn’t want it. I hope you never do something like this again. Wag ka sanang mangialam sa susunod."
I want to defend myself, pero tila naumid ang dila ko. Wala akong masabi. Ang tanging nagawa ko lang ay pigilan ang panginginig ng labi ko habang nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga mata—senyales na anumang sandali ay tuluyan na akong maiiyak.
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa bago siya muling nagsalita.
"Wag mo sanang kalimutan kung ano lang ang papel mo sa buhay ko. Binabayaran kita bilang contract wife—isang pansamantalang asawa. Wala nang iba. Huwag mong iparamdam sa akin na para tayong totoong mag-asawa."
Humakbang na siya palayo, para iwanan na ako, pero bago siya tuluyang lumabas ng silid ay muli siyang lumingon sa akin.
"Ayusin mo ang sarili mo. Susunduin kita mamaya dahil, tulad ng sinabi ko, kailangan kitang iharap kay Lolo. Aasta man tayo mamaya na parang nagmamahalan tayo, pero sana, tandaan mong umaarte lang tayo. Umaasa rin akong wala kang gagawin na pwede kong ikahiya mamaya."
At sa huli, tuluyan na siyang umalis.
Pagkaalis niya, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Hindi ko kayang itanggi—sobrang sakit ng mga narinig ko mula kay Elixir. Pakiramdam ko, paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko ng kanyang malamig na mga salita.
Inaamin ko naman na hindi tama ang ginagawa ko—na ginagamit ko ang katauhan ko bilang si Lhea para mapalapit kay Elixir. Na hinayaan kong ipagpatuloy ang pagpapakatanga ko sa kanya, kahit alam kong sa huli, baka ako rin lang ang masasaktan. But it felt as if my mind had lost the ability to think rationally. Para bang naging alipin ito ng damdamin ko, sunod-sunuran sa matinding hangaring mapalapit kay Elixir at sa pag-asang, balang araw, matutunan din niya akong mahalin.
Ilang araw pa lang ang lumipas. Hindi pa panahon para sumuko. Hindi ako dapat sumuko hangga’t hindi natapos ang kontrata namin at tuluyan na akong binura ni Elixir sa buhay niya. As long as I still have a chance to make him see my worth, I won’t back down. As long as there’s still an opportunity to make him fall for me, I will never give up.
Mabilis kong pinunasan ang mga luhang patuloy na dumaloy sa aking pisngi. Inayos ko ang sarili ko at pinakalma ang aking damdamin.
"Okay lang 'yan, Lhea. Ang tagumpay, hindi 'yan nakukuha agad-agad. Kailangan lang ng sipag at tiyaga. Makakamtan mo rin ang pag-ibig ni Elixir," bulong ko sa sarili ko, pilit na pinapalakas ang loob ko.
Sunod-sunod akong huminga nang malalim, sinusubukang ibalik ang composure ko. Alam kong hindi magiging madali ang lahat, pero mas pipiliin kong ipaglaban siya kaysa basta na lang sumuko.
Humiga ako sa kama, balak sanang matulog kahit sandali dahil halos wala akong pahinga kagabi sa pag-aalaga kay Elixir. Ngunit sa halip na makatulog, heto ako ngayon, nakatulala sa kawalan, malalim ang iniisip. Hindi ko alam—o marahil ay ayokong aminin sa sarili ko—kung hanggang kailan ako manghihingi ng kahit katiting na pagmamahal mula kay Elixir. Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako magpapakatanga para sa kanya?
Ipinikit ko ang aking mga mata, umaasang kahit papaano ay makakatulog ako. Sana, kung managinip man ako, kahit sa panaginip ko lang, mahal ako ni Elixir.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Napatingin ako sa orasan—ala-una na pala ng hapon. Halos apat na oras din akong nakatulog. Agad kong kinuha ang cellphone ko upang tingnan kung sino ang nagtext.
Si Elixir.
Sinabi niyang susunduin niya ako mamayang alas-tres upang pumunta kami sa bahay ng lolo niya.
Agad akong bumangon mula sa kama. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis akong nagtungo sa banyo upang mag-ayos ng sarili.
Nasa loob na kami ng kotse ni Elixir, binabaybay ang daan patungo sa bahay ng kanyang lolo. Ayon sa pagkakaalam ko, ang matanda ay nakatira sa isang exclusive na subdivision. Maliban sa mga katulong na kasama niya sa mansyon, wala na siyang ibang kapamilyang nakatira roon. Isa lang kasi ang anak nito—ang ama ni Elixir.
Si Elixir ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ang sumunod sa kanya ay si Diana, ang kaisa-isang babaeng kapatid niya, na kilala sa pagiging matapobre—katulad ng kanilang ina na si Ruffa. Samantalang ang bunso nilang kapatid na si Ashton ay isang tipikal na happy-go-lucky na lalaking walang inatupag kundi magwaldas ng pera. Isa siyang modelo at sinubukan na rin niyang pumasok sa pag-arte, kahit pa wala naman siyang tunay na talento sa larangang iyon. Hitsura lang ang pinaka-asset niya.
Ang kanilang ama na si Kristoffer ay mahina na at may iniindang sakit sa puso, kaya naman ipinasa na nito kay Elixir ang mabigat na responsibilidad ng pamamahala sa kompanya ng pamilya.
Si Elixir ang kasalukuyang CEO ng Dela Costa Advertising, isa sa pinakamalalaking advertising companies sa bansa. Kahit na nakabase ito sa Cebu, nananatili itong isa sa pinaka-successful at pinakakilalang advertising firms sa buong Pilipinas. Ang angkan ng Dela Costa ay hindi lang mayaman—bilyonaryo din sila. Isa sila sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa. Sikat, maimpluwensiya, at hinahangaan.
Pero kahit pa ganito ang estado ng mga Dela Costa, alam kong walang-wala ang mga ito kumpara sa angkan na pinagmulan ko. Kaya ang tanga ko talaga. Dahil sa kabila ng lahat, heto ako ngayon—nagmumukhang hangal sa harap ng lalaking hindi man lang ako kayang tingnan bilang isang tunay na asawa.
Tahimik lang si Elixir habang nagmamaneho, kaya naman nanatili rin akong tahimik sa tabi niya. Pinili kong huwag nang magsalita, dahil pakiramdam ko, anumang sabihin ko ay wala ring magiging halaga.
Ngunit ilang sandali pa, binasag ni Elixir ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Wala kang sasabihin kahit ano, Lhea," madiin niyang sabi, hindi man lang ako tiningnan. "Anuman ang sabihin ko, dapat sumang-ayon ka lang. At huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko sa'yo. Ayaw kong mahuli ni Lolo ang kasinungalingan ko. Marrying someone I don’t love is already a great sacrifice, so I can't afford to fail or have the truth come out."
Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko na nagawang magsalita pa. Pakiramdam ko, kahit anong sabihin ko, hindi rin naman niya pakikinggan.
Sinubukan kong pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko, pero hindi ko mapigilan ang bigat na bumabara sa lalamunan ko. Para bang isang matalim na kutsilyo ang paulit-ulit na tumatagos sa puso ko tuwing ipinamumukha niya sa akin na wala akong halaga para sa kanya.
Kailangan ba talaga niyang ulit-ulitin sa akin na hindi niya ako mahal? Kailangan ba talaga niyang ipamukha sa akin ang katotohanang iyon nang walang pakundangan? I already know. He doesn’t have to keep shoving it in my face like a cruel reminder.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking luha, kaya agad kong ibinaling ang aking paningin sa labas ng bintana upang hindi niya makita ang aking pag-iyak. Pinilit kong pigilan ang anumang tunog ng paghikbi—ayokong marinig niya. Ayokong malaman niya kung gaano kasakit ang bawat salitang binitiwan niya sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay ko, habang pilit kong iniintindi ang tanawin sa labas ng bintana.
Maganda ang paligid—ang bughaw na langit, ang malalawak na kalsada, at ang mga naglalakihang puno na nagbibigay lilim sa daan—ngunit sa totoo lang, wala akong kakayahang i-appreciate ang lahat ng ito. No matter how breathtaking the scenery is, it cannot take away the pain that relentlessly shatters my heart.
Ilang sandali pa, narating na rin namin ang destinasyon namin. Bumaba kami ng sasakyan, agad na hinawakan ni Elixir ang kamay ko. Bahagya akong napatigil, naguluhan sa bigla niyang ginawa, pero napagtanto ko din agad na kailangan pala niyang gawin ito dahil nagmamahal pala kami sa harapan ng lolo niya. Ramdam ko ang init ng palad niya, at kahit alam kong peke ang lahat ng ito, hindi ko napigilan ang kakaibang kilabot na dumaloy sa buong katawan ko.
Pagkapasok namin sa loob, sinalubong kami ng ilang katulong na magalang na bumati sa amin. Napansin kong magalang at maayos ang kilos nila, tila ba sanay sa presensya ng mayayaman at makapangyarihang tao. Matipid akong ngumiti sa kanila bilang sagot, ngunit sa loob-loob ko, kinakabahan talaga ako. Ano bang nangyayari sa akin? Siguro dahil ngayon ko pa lang makikita muli ang lolo ni Elixir. At imbes na magpakilala ako bilang si Cathleya, ang babaeng pinili niya para sa kanyang apo. Magpapakilala ako bilang si Lhea, ang babaeng hadlang para mapakasalan ng apo niya ang babaeng napili niya.
Sa sala, naroon na ang matandang hinihintay kami—ang lolo ni Elixir. Agad siyang tumayo mula sa kanyang inuupuan nang makita kami. Matanda na ito, at sa tantiya ko, kasing-edad lang siya ng lolo kong si Samuel, na matalik niyang kaibigan.
"Good afternoon, Grandpa," bati ni Elixir sa kanya. Agad din akong yumuko nang bahagya bilang simbolo ng paggalang.
"This is my wife, Lhea," mahinahong pagpapakilala ni Elixir, kasabay ng marahang paghapit niya sa baywang ko upang ilapit ako sa kanya.
Bahagya akong napatigil sa ginawa niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya laban sa akin, at sa isang iglap, tila may dumaloy na kuryente sa buong sistema ko. Hindi ko alam kung ito ba’y epekto ng kaba, o ng damdamin ko sa kanya.
Akma na sana akong magsasalita upang bumati sa matanda, ngunit natigilan ako nang mapansin ko ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Mula ulo hanggang paa, tila ba sinisipat niya ako nang mabuti. Napansin ko rin ang bahagyang kunot sa kanyang noo, para bang may pilit siyang inaalala.
"You look so familiar," aniya, habang nananatiling nakatitig sa akin.
Bigla akong kinabahan. Napalunok ako, at agad kong naramdaman ang bilis ng t*bok ng puso ko.
Ayon sa narinig ko, madalas bumisita si Don Alfonso sa lolo kong si Samuel, at malimit din siyang pumupunta sa mansyon ng mga Montreal. Doon, maraming portrait ng buong angkan namin ang nakadisplay.
Paano kung nakita na niya ang portrait ko? Paano kung bigla niyang maalala ang mukha ko?
Kung matuklasan niyang ako si Cathleya, siguradong sasabihin niya ito kay Elixir. At kapag nalaman ni Elixir ang totoo, alam kong hindi siya magdadalawang-isip na palayasin ako at putulin ang lahat ng ito. Alam kong ayaw niya akong makita—ayaw niyang maalala at makita si Cathleya.
Kaya hindi pa puwedeng malaman niya. Hindi pa ngayon.
Kailangan ko munang makuha ang loob niya. Kailangan kong mapaibig si Elixir bago niya matuklasan ang tunay kong pagkatao.