--------- ***Lhea's POV*** - "Impossible," malamig na tugon ni Dad habang nakaupo sa likod ng kanyang malaking mesa sa loob ng opisina niya. Sa kabila ng kanyang matigas na ekspresyon, hindi ako natinag. Nakatayo ako sa harapan niya, desperadong hinihimok siyang makinig sa akin. "Pero Dad, alam mong may kakayahan ang Dela Costa Advertising! Kung makukuha nila ang proyektong ito, makakabangon sila mula sa pagkakalugmok! Alam kong matagal na tayong may partnership sa SNM Advertising, pero hindi ba dapat nating bigyan ng pagkakataon ang ibang kumpanyang tunay pwedeng magpakita sa akin ng ibang potensyal na baka hindi natin nakita sa SNM Advertising.” Patawad Tito Simon sa mga pinagsasabi ko. sa isip ko lang ito. Alam ko naman ang kakayahan ng SNM Advertising. Hindi ito basta’t basta. N

