--------- ***Lhea's POV*** - Pagkatapos ng mabigat na pag-uusap namin ni mommy, tumayo ako at nagpaalam na pupunta sa restroom. Kailangan kong huminga nang malalim—hindi lang para makabawi mula sa emosyonal na tensyon kundi para na rin kalmahin ang sarili ko. Alam ko kasing malapit na akong gumawa ng isang desisyong babago sa buong takbo ng aking buhay, at hindi ko kayang magpadalos-dalos. Kailangan ko ng oras at katahimikan upang makapag-isip nang maayos. Habang naglalakad ako sa hallway ng restaurant, palapit na ako sa restroom nang bigla akong may nakasalubong na lalaki. Nagkatitigan kami. Sandali akong natigilan—may kakaibang pakiramdam na bumalot sa aking katawan. Pamilyar ang mukha niya….. At sa isang iglap, bumalik sa akin ang isang alaala. Ito ang lalaking pumunta sa opisina n

