------ ***Stacey’s POV*** - “I love you, Stacey. I always have. I always will.” Parang sirang plaka na pabalik-balik sa isip ko ang sinabi ni Alexander. Paulit-ulit. Nakakabingi. Nakakainis. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng dapat kong isipin, ito pa ang pinili ng utak ko na pagdiskitahan. Hindi ko na ito dapat binigyan ng kahit anong atensyon. Wala naman nang halaga. Wala na dapat. Kinalma ko ang sarili ko. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kwenta kung isipin ko pa ito. “Matulog ka, Stacey. Hindi ka dapat guluhin ng mga salitang ito. Alam mong wala ‘to. Alam mong kung totoong minahal ka niya noon pa, hindi siya magpapadala sa pride niya. Pero sinaktan ka niya, Stacey. Sinadyang saktan dahil lang sa ego niya. Kaya tama na. Wag kang tanga, matulog ka n

