------ ***Stacey’s POV*** - Nanatili akong nakatayo, tila nanigas ang buong katawan ko sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung dahil sa gulat, kaba, o takot na naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Bumalik sa pandinig ko ang tinig ni Alex—malinaw, puno ng pagtataka at inosente, ngunit tagos sa puso. Isang salita lang, pero sapat na para para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Daddy.” Dahan-dahan akong lumingon, pilit na pinapakalma ang sarili. Pinilit kong ngumiti, kahit na ang dibdib ko ay halos sumabog sa kaba. Humigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng mesa, pilit inaayos ang ekspresyon ng mukha ko. Nakita ko ang magkaibang reaksyon sa mukha ng kambal. Si Alex ay nakakunot ang noo, halatang may iniisip at gustong maintindihan. Si Mischa naman ay tahimik, nakatingala sa akin, tila nag

