C86: Pag- unawa!

1995 Words

------ ***Lhea's POV*** - "Lhea." Narinig kong marahang sambit ni Elixir ang pangalan ko. Pinipigilan ko ang pagbuga ng galit na matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya, ngunit malamig ang aking mga mata. Hindi ko siya matingnan nang matagal, dahil alam kong kapag tumagal pa ang pagkakatitig ko sa kanya, baka tuluyan na akong sumabog. Aminado ako—oo, siya talaga ang sinisisi ko sa lahat ng nangyayari ngayon. Ang tanging gusto ko lamang naman ay matupad ang simpleng kahilingan ni Chelsea. Napakasimple lang ng hiling ng anak ko—makilala ang ama niya, makasama kahit minsan, maramdaman man lang niya na may ama siyang nagmamahal. Hindi ko kailanman inisip na darating kami sa puntong halos hindi na sila mapaghiwalay. "Umalis ka na, Elixir," malamig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD