------ ***Lhea's POV*** - Wala na akong sinayang na oras. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko agad akong umalis hindi lang sa kompanya kundi pati na rin sa buhay ni Elixir. Habang nasa byahe, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang aking ama. "Cathleya, napatawag ka. Tungkol na naman ba sa Elixir na yan ang kailangan mo?" malamig agad na bungad niya. Naintindihan ko kung bakit ganito na lang ang tanong ni daddy sa akin. Tinatawagan ko lang kasi siya kung may kailangan ako sa kanya madalas ay tungkol kay Elixir. "Dad..." Umayos ako ng upo, pinilit kong gawing matatag ang boses ko kahit nanginginig na ang kamay ko. "Uuwi na po ako. Handa na akong bumalik." Sandaling katahimikan sa kabilang linya. Seryosong katahimikan na parang iniisip niya kung sa sandaling ito ay t

