C56. Paglipas ng anim na taon!

1911 Words

--------- ***Third Person's POV*** - Nasa may bar ng bahay si Elixir, hawak-hawak ang isang baso ng alak—ang tanging pampatulog na naging kakampi niya sa loob ng anim na taon. Sa tuwing wala ang alak, binabangungot lang siya. Anim na taon na ang lumipas mula nang naging matalik niyang kaibigan ang kalungkutan. Sa bawat araw na dumaan, wala ni isang gabi na hindi niya naalala si Lhea. Hindi siya nakalilimot, at tila ba lalo lang itong naging bahagi ng bawat patak ng alak na dumadaloy sa kanyang lalamunan. Bigla na lamang nawala si Lhea, at mula noon, hindi na niya ito muling natagpuan. Sa mga unang buwan, madalas pa niyang pinupuntahan ang pamilya nito sa probinsya, tangan ang pag-asang baka naroon lang si Lhea at magbabago ang isip. Ngunit sa tuwing pupunta siya roon, iisa lang ang sag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD