Until the world to an end (sacrifice)

1476 Words
Until The World To An End Episode 7 Mahigit dalawang linggo nga na Hindi umuuwi si Mike samin, ni Hindi din nag paparamdam, di man lang tumawag Kong ano na. Hirap na hirap na ako. Ultimo makakain ko wala ako makain. Oo nasa puder ako ng magulang ko pero nag kanya kanya kami ng pagkain, Ang pagkain nila ay pagkain lang nila. Binigay ako ni mama ng sariling lutuan, sariling lagayan ng bigas at maliit na kaldero para sa kanin na iluluto. Di pa alam ni Mike Ang sitwasyon sa Bahay na may ganito kanyan kanya. After one week Kasi Saka nag decide si mama na bumukod sa hapag kainan. Wala na din ako nagawa Kong di sumunod sa nais nila. Heto ako ngayon tinitiis ang gutom, Yung dalawang Daan na bigay ni Mike sakin binili ko ng diaper at gatas ng anak ko. Kaya walang Wala ako Ngayon. Di ako lumalabas ng kwarto para di ako tanongin Kong Kumain naba ako, Kasi alam ko Naman na pag labas ko mas magugutom ako pag nakikita Silang kumakain, tapos di Naman nila ako yayayain. Hinang hina na ako. Dalawang araw na ako di kumakain, Yung maga nakaraang araw nakakain pa ako Kasi nakakahiram pa ako sa tindahan, pero Ngayon Dina ako makahiram dahil dipa ako nakakabayad. nasa mahigpit limang Daan na din Yun kaya diko na dinagdagan iyon. Tinitigan ko ang ma among Mukha ng aking anak, at hinaplos ang pisnge Neto. At dahan dahan ko hinalikan sa noo. Pag angat ko ng aking Mukha ay biglang pumatak Ang luha ko. Saka Ayun na! diko na napigilan Ang umiyak. Umiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala Akong kakampi. Ganon din naman Pala, para Akong single mom sa sitwasyon ko. Kaya nag decide ako na mag hanap ng trabaho. Kausapin ko nalang si mama na Kong pwede alagaan Muna nila anak ko. Tatlong buwan na Naman eto Saka Hindi Naman Mahirap alagaan. Kinabukasan, kinausap ko si mama na aalis ako at Iwan Muna Ang anak ko sakanila at Kong pwede alagaan Muna nila eto, sinabi ko na bibili lang ako ng gatas at diaper ng anak ko. Pero Ang totoo mag hahanap Ako ng trabaho ko. Nang hirap Muna ako sa kaibigan ko ng Pera Sabi ko na babalik ko pag dating ni Mike. Dumaan Muna ako sa pinsan ko na nasa Isang canteen, dishwasher sya dun, nag babakasakali na may bakanye Sila, naalala ko Kasi dati na nag hahanap daw Sila ng Kasama. "Maureen!" tawag sakin ni Marilyn, Ang pinsan ko. "Ate Marilyn. Dina ako mag papaligoy ligoy pa. Nag hahanap paba yong amo neyo ng Kasama? baka pwede ako mag xtra." Sabi ko kagad. "Swerte mo! nag hahanap Sila nag Kasama namin taga hugas nga lang. Okey ba Sayo Yun?" Sabi sakin ni ate Marilyn. "Oo. okey na okey sakin." masayang sambit ko. "lika! papakilala kita sa amo natin." Saad Niya. Hinila nya ako at pumasok kami sa loob ng canteen..l "ate. Ate Cath. si Maureen Po, pinsan ko, gusto Po Niya sana pumasok dito, dipo ba nag hahanap kayo ng kasama ng taga hugas, sya Po pwede sya." Saan agad ni ate Marilyn. "oh! sya! sige. Bukas na bukas mag simula kana. Total pinag kakatiwalaan ko Naman si Marilyn kaya pagkakatiwalan kita. Bukas mag simula kana, kailangan 5 am dito kana. 3 pm uwian na. Tapos every Sunday sarado Ang canteen, kaya d-off neyo Yun. maliwanag?" Sabi ng magiging amo ko. "yes Po ma'am. maliwanag na maliwanag." Sabi ko na may saya sa labi ko. "sya nga Pala. Ate. Ate itawag mo sakin Hindi ma'am okey." Sabi pa Niya. "opo ate!" Sabi ko. Umuwi na ako samin na may ngiti. Masaya ako dahil mag kakaroon na ako ng trabaho. Agad ko eto pina alam Kay mama. At sinabi din kung pwede alagaan muna Nila anak ko. Hindi umimik si mama. Kaya Sabi ko na mag extra lang ako tatlong araw, total huwebes Ang pag start ko sa canteen kaya sinabi ko na tatlong araw lang kaya pumayag din si mama. Bahala na sa sunod na araw. Sa ngayon ang importante may ma pag iiwanan ako sa anak ko. Lumipas Ang tatlong araw na pag tatrabaho ko, wala paring Mike Ang dumating. Naging okey din Naman Ang araw ko, 200 nga lang shod ko sa Isang araw pero pwede na, may natitirang 150 every day dahil Yung 50 ay napupunta sa pamasahe ko. Okey narin Kasi sa tuwing umuuwi ako may ulam akong na iuuwi. Hanggang sa dumating ang araw ng linggo at syempre kinaumagahan nun ay lunes, kailangan ko na mag hanap ng mapag iiwanan ko sa anak ko, kaya Naman kinausap ko si mama Kong pwede alagaan ulit nila Ang anak ko. Pero, syempre. Hindi kumibo si mama. Tinatanong lang ako kong Saan na si Mike. Kung bakit ko kailangan mag trabaho. At Hindi ako kumibo sa sinabi ni mama. Alam ko na di aalagan ni mama anak ko. Kaya nag isip na ako Kong kanino ko iiwan Ang anak ko. At ayun! naalala ko Ang Isa Kong pinsan na katabi lang namin ng bahay, nasa Bahay lang sya at walang ginagawa, Kaya pakikiusapan ko nalang sya na Kong pwede alagaan nya anak ko. Pag labas ko ng kwarto ko, lalabas sana ako sa bahay at pupunta sa Bahay ng pinsan ko para kausapin sya. Ngunit, sa Hindi sinasadya narinig ko Ang pag uusapa nila mama at ate Loraine. "Ano yon ma! kayo mag aalaga sa anak ni Maureen? gusto neyo yon? aanak anak tapos di pla kaya panindigan. Sainyo pa talaga iiwan. Kayo talaga mag aalaga. Bakit ma? may iniiwan ba si Maureen na Pera sainyo?. Nako ma! Kong ako sainyo, mag titinda nalang ako Dyan sa harap ng lutong ulam, kikta pa kayo." Sabi ni ate Loraine. "kaya nga eh! Binigyan ako ni Leslie pang puhunan ko. Tapos mag aalaga lang ako ng anak ni Maureen, Hindi ko alagaan anak Niya mag titinda nalang ako ng lutong ulam Dyan sa harap kikita pa ako." sagot Naman ni Mama. "Tama Yan ma! tutulungan ko nalang kayo magtinda dyan sa harap wag Kayo mag alala." saad ni ate Loraine. "Sige Loraine salamat. Maasahan talaga kita. Di tulad ng Kapatid mo Panay Sakit sa ulo dulot Niya, tapos Ngayon pag alagaan ako ng anak Niya. Ang swerte Naman Niya." Sagot ni mama. Sa mga narinig ko. Wala Ako magawa kundi Ang umiyak nalang ulit. Pumasok ako sa kwarto ko, Mamaya ko nalang kausapin yong pinsa ko na pag iiwanan sa anak ko. Mayat Maya may kumatok sa kwarto ko. "Maureen! Maureen!" tawag ni mama. Oo si mama Ang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko Ang pinto at nag tanong Kong bakit? kong ano Ang sasabihin nila Kong Ano Ang kailangan nila. "binigyan ako ni ate Leslie mo ng puhunan ko, mag sisimula na ako bukas mag tinda kaya wag kana pumasok sa papasokan mo. Di kaya mag hanap ka ng uupahan mo na mag alaga sa anak mo kung gusto mo mag trabaho, ako Kasi di mo ako maasahan, mag titinda na ako, sayang kikitain ko." Sabi ni mama. "sige po mama." Yun lang Ang tanging nasabi ko. Umalis na din si mama, at pinakiramdaman ko Ang Bahay kong may tao ba o wala, ng maramdaman ko na walang tao, dali dali Kong binuhat Ang anak ko at lumabas, nag tungo sa Bahay ng pinsan ko. "Pam!." Saad ko ng Maka punta sa bahay ng pinsan ko. Tinawag ko si Pam Ang pinsan ko. "ate bakit?" tanong ni Pam. Panganay ako ng dalawang taon sakanya kaya ate Ang tawag Niya sakin. "Pam, baka pwede ko Iwanan sayo si baby bukas. Mag tatrabaho Kasi ako. 5 am gang 3 pm Naman ehh. Bigyan nalang kita pang meryenda mo pagdating ko." Sabi ko. "Sige po ate. Walang problema. Di naman mahirap alagaan si baby. Okey lang Po na Iwanan neyo sakin si Baby." naka ngiting Sabi ni Pam. Kaya naman nakahinga ako ng malalim. Dahil may mapag iiwanan na ako. Lumipas Ang Isang linggong pag pasok ko sa trabaho, umuwi si Mike. Pero diko inaasahan na uuwi lang sya para kumuha ng damit Kasi aalis eto. Sasama daw sya sa pinsan Niya sa manila dun daw mag tatrabaho si Mike. "biglaan Naman Mike. Pano ako? pano anak natin?" Sabi ko. "kaya mo na Yan, may trabaho ka naman. Kaya mo nga mangupahan mag alaga sa anak mo eh!" Saad Niya. "Pero Mike." Sabi ko nalang. Diko Kasi alam Kong ano sasabihin ko. "Wag ka mag alala, padadalhan ko anak ko ng pang gatas Niya." Sabi ni Mike at binitbit na Niya Ang bag Neto. Wala na ako nagawa. Hindi ko na sya pinigilan. Naniwala nalang ako baka sa pag layo Niya magiging okey Ang pamumuhay namin. Pinaniwala ko Ang Sarili ko na mag babago si Mike, na Ang pag alis Niya ay para sa Amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD