Until The World To An End
Episode 8
Tatlong buwan. Tatlong buwan na mula ng mag punta si Mike sa Maynila. Talong buwan na din mula nag simula akong mag trabaho bilang dishwasher sa Isang canteen. At tatlong buwan narin mula ng di pag paparamdam ni Mike.
Kinakabahan ako, muling bumalik sa aking ala-ala ang pang yayari noon, Nung nag decide din si Mike na mag punta sa manila nung panahong buntis pa ako. Dapat ba akong mabahala? maari kayang maulit ulit?.
Last na nakapag usap kami ni Mike Sabi Niya na ako daw Muna bahala sa anak ko. Dahil may trabaho Naman daw ako at kaya ko Naman.
Sa loob ng tatlong buwan kinakaya ko, pero di parin sapat, di sapat para sa pang araw Araw. Pang upa ko sa nag aalaga, at gatas ng anak ko pang araw Araw. Hindi tlaga kaya. Hindi ko nga alam San pa ako kukuha ng lakas ng loob. Ni di ko kayang Sabihin sa pamilya ko na mukhang pinabayaan na kami ni Mike.
Heto ako ngayon sa Isang sulok sa aking Kwarto, pumapatak na Naman Ang luha. Yakap yakap Ang sarili at pinapatahan ko Ang aking Sarili.
"tahan na! tahan na Maureen. Kaya mo Yan, malakas ka. Andiyan Ang anak mo hinihintay ka." Sabi ko sa aking Sarili.
Mukha ata akong nababaliw, pero wala ehh! wala Akong magawa kundi kumbinsihin Ang sarili ko, patatagin Ang sarili ko. Totoo nga ba? totoo nga ba Ang Sabi sakin ni Mike. Na walang nag mamahal sakin, na walang sino man Ang may gusto sakin. Wala nga ba? mag Isa nga lang ba ako.
"mama! mama! mama!" bigkas ng aking anak. Hindi ko namalayan na naka lapit na pala sakin Ang anak ko.
Pinag masdan ko Ang anak ko na unti- unting tumatayo, at naka hawak sa aking katawan. Ng Maka Tayu eto ngumiti Siya, at kinikindat kindat Ang mga mata.
Pinahid ko Ang mga luha ko. At niyakap Ang anak ko.
Oo, Tama nga. May anak pa Pala ako. May anak ako na mag mamahal sakin. May anak ako na pag kukuhanan ko ng lakas. Tama! sya nga Pala, Ang anak ko.
Kinaumagahan, pag dilat ko ng aking mata, nagulat ako ng Makita ko si Mike sa gilid ng kama, naka upo din at tila may hinahanap. May kinakalkal eto mula sa lagayan ko ng mga accessories..
"Mike." Bangit ko sa pangalan Niya.
"Teka! kailan Ka pa dumating?" takang tanong ko dito.
"Kanina lang, pero Isang linggo na ako na uwi dito galing Manila. Dun Muna ako samin nung nakaraang linggo." Sabi Niya.
Isang linggo na sya dito pero di man lang nag Sabi. Isang linggo na sya dito pero di man lang nag paramdam.
"Isang linggo kana Pala dito pero wala akong alam. Mike! bat di ka nag Sabi na umuwi kana Pala." Saad ko.
"Hindi na importante Yun." sabi ni Mike.
"Importante yun! Kasi Asawa mo ko. Karapatan ko Naman malaman Kong Anong nangyayari Sayo diba." Saad ko.
Pero tila parang wala syang narinig. Patuloy parin eto sa pag kakalkal. Kaya tinanong ko na eto kong ano ba ginagawa Niya o Kong ano Ang hinahanap Niya.
"may Pera kaba Dyan? Akin na. May kailangan lang akong bayaran." Saad ni Mike.
"Ano?!" tanging Sabi ko. Aanhin Niya Ang Pera. Sinong babayaran Niya.
"Bakit? sino babayaran mo." tanong ko dito.
"natalo ako sa sugal, usapan namin na ngayon ko babayaran Yun Kaso di ako naka hanap. Baka may Pera ka Dyan Bigay mo nalang sakin." Tanging Sabi Niya.
Naka tanga lang ako sa sinabi Niya. Seryoso nag punta lang sya dito para kunin Ang Pera ko.
"wala Akong Pera." Sabi ko kahit meron Naman. Nag iipon kasi ako para sa pag iisang taon ng anak ko. Gusto ko Kasi bigyan ng Magandang kaarawan Ang aking anak kaya pinag iipunan ko na eto.
Pero si Mike, Hindi tumigil sa pag hahanap, Hindi tumigil sa pag kalkal sa mga gamit. Nag hanap eto sa may bag ko, samay lagayan ng damit. Hanggang sa nakita niya Yung alkansya na katabi ng mga laruan ng anak ko.
Tumingin eto sakin Bago Niya kunin eto, at dali dali ko Naman etong pinigilan.
"Mike! wag Yan. Para sa anak natin Yan!" Sabi ko.
"Wala daw. Ano to? pinag dadamotan mo ko." Sabi niya.
"Hindi Naman sa ganon. Mike iniipon ko Yan para sa kaarawan ni baby." paliwanag ko.
"wag Yan Mike." Sabi ko pa.
Walang nagawa Ang paki usap ko dito. Kinuha parin Niya Ang perang inipon ko. Umalis si Mike agad pagka kuha Niya sa Pera. At ako naiwang umiiyak na Naman.
- - - - - - - - - -
Ilang buwan ang lumipas, umalis ako sa pinag tatrabahuan ko, inalaagan ko nalang si baby. Wala din kasi natitira sakin, diko na din na bibigyan ang pinsan ko nag upa niyang mag alaga. Kaya Dina ako nag trabaho. Isa din Kasi Dahilan, uuwi lang si Mike samin para kunin Ang Pera ko, nag tatrabaho Naman sya pero diko alam bat Niya kailangan kunin pa Ang naiipon Kong Pera. Dalawang buwan nalang din mag iisang taon na Ang anak ko.
"Mike. Dalawang buwan nalang Isang taon na ni baby. Anong balak mo?" tanong ko dito.
Heto kami Ngayon sa may kama, kararating lang din ni Mike galing sakanila. Kaka-uwi Kang din Niya sa trabaho. At Ayun! pagdating palang Niya, inangkin Niya agad ako.
"wag mo munang isipin Yan. Matagal pa naman." Sabi Niya.
"Siya nga Pala, naka pag laba ka naba?" Sabi pa Niya.
"Oo nalabhan ko na din mga damit mo, andiyan na sa damitan mo. Natupi ko na." sagot ko.
"may dala akong damit Dyan, ilaba mo mga Yan." saad Niya.
Tumango tango nalang ako.
At habang nag bibihis ako, Nakita ko na nag eempaki to ng gamit Niya.
"Teka! wag mong sasabihin na aalis ka kagad? kararating mo lang ha!" Sabi ko.
"Anong gagawin ko dito?. Nakakayamot dito. Saka kahit Anong Gawin ko dito diparin ako gusto ng pamilya mo." sagot niya.
Napa Yuko nalang ako sa sinabi Niya, diko alam kung kayat Hindi sya nag e stay dito dahil sa hindibsya gusto ng pamilya ko, o ako Yung Hindi Niya gusto.
Sa pag iisip ko, nabigla ako ng may humagis sakin na Pera.
Si Mike Pala, hinagis Niya Yung Pera na nag kakahalagang limang Daan.
"Bakit to?." tanong ko.
" Pera. ayaw mo?" Sabi Niya.
"Hindi Naman sa Ganon. Dimo Naman kailangan ihagis sakin." Sabi ko.
"Dami mong arte. Sige na alis na ako. Yong damit ko labhan mo. Yan na nga lang silbi mo eh!" Sabi Niya.
Pag kaalis ni Mike. Diko napigilan Ang luha Kong pumatak.
wala na ba? wala na ba akong magagawa? Sabi ko sa aking isipan.
Palagi nalang ganito. Oo, ganito lagi trato sakin ni Mike. Uuwi sya tapos aangkinin ako pagkatapos hahagisan Niya ako ng pera.
Pakiramdam ko tuloy. Daig ko pa Ang pokpok sa Ginagawa sakin ni Mike. Asawa niya ako pero kung itrato Niya ako para akong ibang babae. Para akong bayarang babae.
- - - - - - - - - -
Araw na ng kapanakan ng anak ko. Oo Isang taon na si Baby, Isang taon na Ang anak Kong si Lance Denyelle.
Pero heto ako umiiyak Naman. Wala kasing handa si baby. Si Mike wala sya dito.
"Isang taon ng anak mo Wala man lang siyang handa ano ba Yan. Anong ginagawa ng Mike na Yan haa!!" Sabi ni mama.
Andito ako sa Sala karga karga ko Ang anak ko, at andito din Ang pamilya ko.
"Ang yabang yabang Kasi, Kahit pancit lang Wala ano ba Yan!" Sabi Naman ni ate Loraine.
"sumama ka sakin Maureen, isama mo din anak mo, tumuloy Tayo sa simbahan para magpasalamat sa may kapal dahil isang taon ngayon Ang anak mo, Tapos deretso Tayo sa palengke, mamimili Tayo ng handa ng anak mo. wag ka mag alala ako mag babayad." saad ni Ate Lesley. Oo andito din si ante Lesley. Hindi ko din inaasahan na pupunta siate Lesley dito.
"talaga ate?" sambit ko.
"Oo Naman," masayang Sabi ni ate Leslie.
Masasabi ko na ma swerte ako dahil Amy atek Leslie akong ate,. Yun nga lang di kami madalas mag ka usap dahil malayo Ang Bahay niya samin. Babyahe kapa ng tatlong oras para Maka punta sa Bahay nilanh mag Asawa.
Nag tungo nga kami ni ate Leslie sa simbahan pagkatapos nun namalengke kami. Bumili kami tig dadalawang kilong pancit at spaghetti. Saka binilhan din ni ate Leslie si baby ng cake pero maliit lang, pero kahit Ganon Paman Masaya ako. Kahit simple lang at konte Ang handa Masaya ako dahil nairaos Ang kaarawan Ang anak ko.
Pagkatapos ng handaan umuwi din Sila ate nun, dahil nga diba Tatlong oras Ang byahe mula sa bayan nila.
At sa buong araw ng kaarawan ni baby Denyelle, walang Mike Ang nagpakita.
Hanggang kailan ba? Hanggang kailan ba ako tatratuhinnng maayos ni Mike. Sana kahit Hindi para sakin Sana para sa anak man lang Niya. Mag Bago pakikitungo Niya sakin.