Chapter8

1460 Words
Sa arrival area, iginala niya ang paningin sa mga taong palabas na roon. Nagkandahaba ang leeg niya habang nasa tenga ang telepono at tinatawagan ang telepono ng lalaki. Siguradong nakababa na iyon ng eroplano dahil ilang minuto na ang nakakalipas magmula nang matanggap ang text messages nito. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nakakailang ring na ang teleponong tinatawagan niya nang sagutin na iyon ng lalaki. “Mahal ko,” bungad nito sa kanya na pwera pa sa boses na naririnig niya sa telepono ay may boses pa siyang narinig sa kanyang likuran. Lumingon siya sa gawing iyon nang biglang bumulaga sa kanya ang may malaking pagkakangiti sa labi na si Billy. HIndi na niya ito sinagot pa nang salubungin na ito ng yakap. Binuhat naman siya nito at mahigpit na ikininulong sa mga bisig. “Mahal ko,” sambit niya noong lumambitin na sa leeg ng lalaki. “Pinag-alala mo ako,” saad niya pa. “I’m sorry mahal ko, gusto kong i-surprise ka. Kaya lang gusto ko ring ma-experience na sunduin mo ulit sa airport kaya t-in-ext na kita,” natatawa nitong saad. Muli silang nagyakap ng mahigpit, matagal, na para bang ayaw nang maghiwalay ng kanilang mga katawan. “Nasaan na ang luggage mo? Yan lang ang dala mo?” tanong niya. Isang bag lang ang sukbit nito sa balikat. “Nasa loob na ng sasakyan. Kumuha na ako ng masasakyan natin habang hinihintay ka,” saad pa nito. “Aw, I’m sorry, medyo natagalan ako.” “No worries mahal ko. Kasalanan ko naman kasi, late ko nang ipinaalam sa iyo. Tara,” hinawakan siya nito sa kamay at inakay na papunta sa parking lot ng airport. Pagkatapat nila sa isang itim na van ay sinamahan niya ito upang ilagay ang bag nito sa likuran ng trunk ng sasakyan. Binuksan iyon ng lalaki at nagulat na lamang siya nang makita ang nakadekorasyong bahaging iyon ng van. May bulaklak, balloons, at cake doon na hindi na niya binasa ang nakasulat. Naagaw na kasi ng pansin niya ang malaking pagkakasulat sa banner na naka-hang at nakakabit sa magkabilaang gilid ng sasakyan. ‘Will you marry me, Cathy?’ Namilog ang mga mata niyang tiningnan si Billy na noon ay nakaluhod na sa tapat niya. May hawak itong box na maliit na kasalukuyan nang nakabukas. Pumapaloob roon ang gold na singsing na may malaking dyamanteng bato. Naisapo niya ang mga kamay sa bibig sa pagkagulat na naramdaman. “Will you marry me, mahal ko?” sambit ng lalaki kapagkuwan. Natigalgal siya sandali ngunit nang maiproseso na ng isipan ang eksaktong nangyayari noong mga oras na iyon ay pinatayo niya na lang ang lalaki, at muling niyakap ito. “Yes, mahal ko,” nangingilid ang luha sa mga matang bulong niya dito. Kinuha ng lalaki ang kamay niya upang isuot sa kanyang palasinsingan ang hawak-hawak na singsing. Bigla namang nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid nila. Hindi niya na napansin na pinagkaguluhan na pala sila doon. Ngunit ang akala niya’y ibang tao ang nakapalibot sa kanila ay hindi pala, karamihan sa mga iyon ay mismong pamilya ni Billy. Apparently, tinawagan nito ang mga kamag-anak para pumunta roon upang samahan itong mag-propose sa kanya. Nang sa gayon ay makilala na siya ng mga ito. Walang paglagyan ang saya niya noong mga oras na iyon. Nakilala niya ang mga magulang ni Billy pati na ang mga kapatid, lahat ay masayang masaya na ma-meet siya. Nandoon rin ang pinsang babae ni Billy na siyang nakita niyang nagsundo dito noon. Talagang hindi pala nagsisinungaling ang lalaki tungkol doon. Nagkaroon sila ng konting salo-salo pagkatapos ng proposal na iyon. Nagdinner sila sa isang mamahaling restaurant at pagkatapos ay nagkanya kanyang uwi na ang pamilya at kamag-anak ni Billy. Dala na ng pamilya nito ang mga gamit ng lalaki dahil napag-usapan ng mga ito na didiretso ang dalawa sa Olonggap pagkatapos niya itong ipakilala sa mga magulang noong gabi ring iyon. Na nangyari naman. Gulat ang mga ito nang ipakilala niya si Billy bilang kanyang fiance. Wala namang naging problema sa mga ito dahil ayon sa mga magulang at kapatid, basta masaya siya ay masaya na rin ang buong pamilya. “It’s late. Kaya mo pa bang mag-travel papuntang Olongapo? What if mag-stay muna tayo sa hotel,” may double meaning ang tanong na iyon sa kanya ng lalaki matapos nitong silipin ang pangbisig na orasan. Naitaas niya naman ang kilay sa tila ba pagpapahiwatig ng lalaki tungkol sa plano nila noon na hindi natuloy. “Hmm… Pwede naman,” nangingiting saad niya lang. Namilog ang mga mata ni Billy. Akala kasi nito ay hihindi ang babae. Hindi naman nito pipilitin si Cathy kung umayaw ito. “Do you still have your documents? I have mine here, ” saad pa nito sabay tapik sa maliit na bag na sukbit kanina sa balikat. Natatawa siya. Tuloy pa rin pala ang naudlot na planong iyon pagkatapos ng ilang taon. Ang totoo kasi ay nasa bag pa rin niya ang mga dokumentong kailangan niya sa pagpapakasal dito. HIndi niya iyon inalis doon. Itinabi niya lang iyon kasama ng mga damit. “Hmm.. Sa tingin ko may mas better na puntahan kesa sa hotel mahal ko,” saad niya pagkatapos i-gather lahat ng dadalhin. “What do you mean?” naguguluhang tanong naman ni Billy. “This time, ako naman ang may sorpresa sa iyo,” wika niya na inaya na itong umalis. Pagkatapos nilang magpaalam sa kanyang mga magulang ay dumiretso sila sa Makati. Sa isang sikat na condo building ay doon sila napadpad. Hatak ang kamay ni Billy na sumakay sila sa elevator at pumaakyat sa 16th floor. Pagkatapat sa isang kuwarto ay kinuha niya ang susi upang pagbuksan iyon. Ilang saglit pa ay tumambad sa harapan ni Billy ang isang studio type fully furnished na condo unit. Maganda ang pagkakaayos ng kuwarto, at mukhang bago pa ang lahat ng mga furniture at appliances. “Mahal ko, hindi ka na sana nag-rent pa,” saway nito sa dalaga. Isa sa ayaw nito ay gumagastos ng mahal ang babae para dito. “Hindi ito rent mahal ko. Sa iyo ito. I bought this out of the allotment money that you sent me every month. Ako na lang ang bumili ng mga gamit,” paliwanag niya. “Ha? Talaga?” hindi makapaniwalang saad nito habang inililibot ang mga mata sa paligid. Tumango lang siya habang nakangiti. Binili niya ito para may matuluyan ang lalaki sa tuwing umuuwi ng Pilipinas, kapag ayaw pa nitong dumiretso sa Olongapo. Lumakad si Billy upang pagmasdan ang kabuuan ng kuwarto at nagtuloy tuloy upang tingnan ang views sa labas na kita mula sa sliding door ng balcony. Namangha ito sa ganda ng tanawin na likha ng city lights sa labas. “This is not mine. This is yours. Remember pera mo iyon,” kinabig siya nito sa bewang nang harapin ulit siya ng lalaki. “Okay, para walang away, this is ours,” paglilinaw niya rin. Nagkatawanan sila. Walang ano-ano ay bigla siyang binuhat ng lalaki at dinala sa malambot na kamang nandoon. “And because this is ours, pwede na siguro nating binyagan,” pilyo nitong sambit na tumabi sa kanya. Wala nang pasakalye na kumilos na ang isang kamay nito at pasimpleng isa-isang inalis ang mga butones ng suot niyang blouse habang dinadampian ng halik ang kanyang mga labi. Samantalang hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Nanginginig ang mga kalamnan niya kung kaya hinawakan ang damit at biglang pumatayo. Nang ma-realize kung ano ang ginawa ay tinawanan ang sarili. Kahit naman kasi fully dedicated na siya sa kung anong nakatakdang mangyari sa pagitan nila ng lalaki ay may tensyon pa rin siyang nararamdaman dahil first time niya iyon. “Um, can we turn the lights off, please?” nangingiting saad niya lang sa lalaki. “Of course mahal ko,” sagot naman nito. Ito na ang pumatayo at nagpatay ng ilaw. Sa mga sumunod na sandali, sa katahimikan at kadiliman ng gabi, na ang tanging liwanag ng buwan lamang ang siyang nagsisilbi nilang tanglaw, ay naisakatuparan nila ang matagal nang binabalak gawin. This time hindi na nila gamit ang telepono habang ginagawa iyon. Sa lumipas pang mga minuto ay nabalot ng halinghing ang loob ng condo unit na iyon nang mag-isa ang kanilang katawan. Kinabukasan, isinakatuparan rin nila ang planong pagpapakasal. Saksi ang pinsan ni Billy sa importanteng okasyong iyon noong magpalitan sila ng pangakong iibigin ang isa’t isa magpakailanman. Nasundan iyon ng engrandeng kasal sa simbahan pagkatapos ipanganak ni Cathy ang unang supling na naging bunga ng pag-ibig na nagsimula lamang sa simpleng batian sa social media. At sa mga taong nagdaan, napatunayan niya na hindi manloloko ang minsang nang naging chatmate na seaman. WAKAS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD