Sa huling gabi nito sa Maynila bago ang oras ng flight nito pabalik sa US at mula doon ay sasampa ng barko, ay pinagbigyan niya ito sa gustong mangyari ng lalaki. Ang mag-dinner sila sa labas.
Sinundo siya nito sa trabaho niya noong hapong iyon. At mula roon ay pumunta sila sa mamahalin na restaurant na hindi niya akalaing maa-afford ng lalaki. Nag-pareserve pa ito doon para sa kanilang dalawa.
“Hindi mo naman kailangang gawin ito. Kahit sa fast food lang ok na ako,” saad niya bago sinimulang sumubo sa pagkaing kahahatid pa lamang ng waiter.
“Sabi ko naman sa iyo babawi ako diba,” nangingiti nitong sambit.
“Oo nga, actually nakikita ko naman. Pero hindi mo na kailangang pang gumastos ng ganito kamahal,” pagkatapos lunukin ang nasa bibig at pahiran ng napkin ang labi ay sagot niya.
“Kung kaya ko naman, bakit hindi,” ani pa nito. Kapagkuwan ay may iniabot ito sa ilalim ng lamesa. Isang orange paper bag iyon na may nakapaloob na mamahaling bagay.
“Para sa iyo. Sa amerika ko pa binili yan. Ibibigay ko sana iyan sa iyo sa dinner natin noong nakaraang sunduin kita sa work mo noong galing ako sa airport. Pero hindi ka pumayag.”
Namimilog na ang mga mata niya sa nakikita. Isinantabi niya muna ang platong may lamang pagkain at hinarap ang ibinigay ng lalaki. Pagdukot niya sa bagay na nasa loob at pag-angat dito ay napamaang na siya sa kulay orange na kulay ng box.
“Billy, this is too much. Ang mahal nito,” bulalas na niya kahit hindi pa nabubuksan ang kahong nasa harapan.
“Open it,” utos ng lalaki na malaki rin ang pagkakangiti.
Dahana-dahan niya naman iyong binuksan at tumambad sa kanya ang isang pares ng kwintas at bracelet.
Hindi na sya nakapagsalita sa nakita. First time niyang makatanggap ng ganito kamahal na mga alahas. Patunay lang iyon kung ano ang kayang bilhin ng lalaki para sa kanya.
“Gusto mo bang isuot ko sa iyo?”
Tumango siya ng ilang ulit kalakip ang excitement sa reaksyon ng mukha.
“Ang ganda. Thank you so much Billy!” saad niya nang matapos isuot rin sa sarili ang bangles na bracelet na kapares ng kwintas.
“Cathy, sasampa ulit ako sa barko pero makakaasa ka na ikaw lang ang palaging laman ng puso ko,” saad nito na hinawakan pa ang isang kamay ng babae. “Alam ko matagal pa ulit tayong magkikita pero papatunayan ko sa iyo na seryoso ako sa iyo. Ikaw lang ang babaeng gusto kong iharap sa altar,” dugtong pa nito habang pinakatitigan ang dalaga sa mga mata.
“Are you proposing, Billy?” natatawa niyang saad lang dito.
Ngumiti rin ito sa sinabi. “I wish, but not yet. Hindi ko isinamang ibigay sa iyo ang singsing dahil gusto ko na gawin iyon sa mas espesyal na paraan at espesyal na lugar. Sa ngayon, ito muna ang maibibigay kong assurance sa iyo,” kumilos ito at may hinugot sa bulsa. Sunod nitong ibinigay ang isang maliit na tila bankbook. “Next month, simula ka nang makakatanggap ng monthly allotment galing sa akin.” dugtong pa nito.
“Iyan ang hindi ko na matatanggap Billy. Hindi mo pa ako asawa. Ni hindi pa nga kita sinasagot,” tanggi na niya dito pagkatapos itulak ang kamay nito na hawak ang bagay na ibinibigay sa kanya.
“Pagbigyan mo na ako. Gusto ko lang bigyan ka ng mga pinaghihirapan ko buwan-buwan. It might not be enough pero I’m sure makakatulong ito sa iyo.”
Patuloy ang pagtanggi niya sa gustong mangyari ni Billy.
“Please, Cathy, tanggapin mo na. Kahit hindi mo muna gastusin ok lang, basta sa iyo iyan.” pamimilit nito.
Ilang minuto pa ang lumipas kahit hindi pa ito tapos kumain ay nagpaalam na ito sa kanya. Kailangan na nitong umalis dahil ilang oras na lamang ay lilipad na ang eroplanong sasakyan nito papuntang America.
“I love you, mahal ko,” sambit pa nito habang yakap siya ng mahigpit.
Gusto sana niyang sagutin iyon pero pinigilan niya pa rin ang sarili. Gusto niyang panindigan na kaya niyang tiisin ang lalaki lalo na ang nararadaman niya dito para lang patunayan sa sarili na napagtagumpayan niya ang orihinal na balak na pahirapan ito. Subalit marupok pa rin siya at mahigpit niya rin itong niyakap. Inaamin niya sa sarili na bumalik na ang pagmamahal dito at dumoble pa nga iyon. Kung pupwede lang na pigilan niya ito sa pag-alis para makasama pa ito ng matagal ay ginawa niya na pero hindi pupwede. Isa pa, umiiral rin ang pride niya.
Sa mga sumunod na sandali ay mag-isa itong sumakay ng taxi papunta sa airport. Hindi na rin siya nito pinayagang ihatid niya ang lalaki doon.
***
Dumaan ang mga araw at gabi na wala silang patid sa pagbi-video call. At habang dumadaan ang panahon ay patuloy niyang napapatunayan ang loyalty ng lalaki. Napapadalhan siya nito ng bulaklak sa mga importanteng okasyon niya hindi pa kasama ang mga pasulpot sulpot na mga surprises.
“Hay, kelan kaya namin mararanasan na padalhan ng bulaklak sa office,” saad ng isang ka-officemate noong tanggapin niya ang bulaklak mula sa isang delivery man noong hapong iyon.
“May kapatid ba ‘yang nanliligaw sa iyo? Baka naman pwede mo kaming ipakilala,”
Saad naman ng isa.
“Natatawa lang siya. “Huwag kayong mag-alala at ma-eexperience nyo rin ang padalhan ng mga bulaklak,” sagot niya lang sa mga ito. Kasunod ang pagsimsim sa mga puting rosas na iyon. Sa sobrang consistent ng lalaki sa mga pa-surprise nito ay pati sa araw ng kaarawan nito, na imbis siya ang magpadala ng regalo ay ito pa ang nagpadala ng bulaklak para sa kanya. That day ay nakapagpasya siyang sagutin na ang lalaki para man lang maging mas espesyal na araw ito para dito. Gumawa siya ng video greetings dahil hindi nga pareho ang oras nila.
“Hello Billy! I know tulog ka pa ngayon, but gusto ko lang maunang batiin ka sa espesyal na araw ng buhay mo! Hindi man ako makapagpadala ng regalo sa iyo ngayon but Im sure this messages will bring joy to you. Happy happy birthday, mahal ko! I can’t wait na makita ka muli at sunduin ka sa airport!” nagagalak niyang saad sa lalaki. “Palagi kang mag-iingat at huwag magpapagutom. I love you, mahal ko! … And oh, thank you for the flowers!” saad niya na nilakipan pa iyon ng tatlong halik sa screen ng telepono.
Noong makita iyon ni Billy pagkagising sa umaga ay nagtatalon ito sa tuwa. Finally ay sinagot na ulit ito ng dalaga. At tama nga si Cathy, wala itong paglagyan ng kaligayahan. Ito lang ang hinihintay ng lalaki, ang muling marinig sa bibig nito ang terms of endearment nila noong magkasintahan pa sila dati. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at agad nang tumawag sa babae kahit pa madaling araw pa lang pala sa Pilipinas.
“Yes, mahal ko?” pupungas pungas na sagot niya dito.
“Oh my God, Im sorry mahal ko, hindi ko alam na natutulog ka pa pala.” paumanhin nito.
“Ok lang mahal ko,” sagot niya habang nakapikit pa.
“Thank you mahal ko sa birthday greetings mo ha! I’m so happy. Pero mas happy ako noong marinig ko ulit na tawagin mo akong ‘mahal ko’. Ang sarap pakinggan. Thank you for accepting me into your life again. Hindi na ako makapaghintay na yakapin ka,” sambit nito pagkatapos ay paulit ulit na nagsisisigaw para lang pakawalan ang excitement na nararamdaman.
“Shh! Huwag kang masyadong maingay at tulog na ang mga tao dito,” natatawang saad niya na lang.
“Sorry, nagising ko ba ang ate mo?” naitigil nito ang ginagawa.
“Hindi naman. Hindi ko na kasi siya katabi sa higaan. May sarili na siyang kuwarto,” wika niya.
Natahimik ito sandali sa narinig sa babae.
“Oh! I know what you’re thinking! Nope, hindi ko na gagawin iyon!” natatawa niyang pakli patungkol sa kapilyuhang naiisip na naman ng kasintahan.
Tawa naman ng tawa si Billy sa sinabi ng babae. “Huwag kang mag-alala mahal ko, hindi na natin gagawin iyon over the phone. Kun’di totoo na nating gagawin iyon,” pilyo nitong pagkakasabi.
“Hmm, pwede naman. Pero-,” hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin nang biglang mamatay ang ilaw ng screen ng kanyang phone. Pinindot niya iyon ngunit walang lumalabas doon. Naputol na pala ang tawag nito dahil wala nang battery ang phone niya. Nakalimutan niya pala itong i-charge habang natutulog. Napabuntong hininga na lamang siya, kasabay ng pagpapakawala ng magandang pagngiti. Bukas na lang siya babawi dito. Siya na ang tatawag dito para sabihin ang isa pang surprise para sa lalaki.
Ngunit dumaan ang ilang araw, ay hindi na niya ito nakausap pa. Sunod-sunod ang naging tawag niya dito, mapa-umaga man o gabi sa lugar ng lalaki pero bigo siyang makausap ito. Kinakabahan siya sa kung ano na ang nangyari dito.
Hanggang isang hapon, nagulat na lamang siya nang magpadala ito sa kanya ng flight itinerary ng lalaki. Pinakatitigan niya iyon, at bigla na lamang napatayo nang makitang nakalapag na ang sinasakyang eroplano nito sa Ninoy Aquino International Airport. Dagli siyang nagpaalam sa mga ka-officemates niya pati na rin sa kasalukuyang manager nila na nandoon. Pupuntahan niya ang lalaki upang sunduin ito sa airport. Kaya siguro hindi niya ito makontak ng ilang araw ay dahil pauwi na ito. Kahit kelan ay mahilig talaga mangsorpresa ang lalaki.