Dumating ang Miyerkules, araw ng dating ni Billy sa Pilipinas. Pagkababa pa lamang nito ng eroplano ay bilis bilis ang pagkilos ng lalaki dahil alas kuwatro na at kailangan pa ni nitong hanapin kung saan ang building ng opisinang pinagtatrabahuan ni Cathy. Hindi pa naman nito kabisado ang Makati, sigurado itong mahihirapan ito sa paghahanap lalo na at dala dala pa ang may kalakihang maleta na naglalaman ng mga gamit at pasalubong sa babae.
Sa panahon ngayon, malaki talaga ang paasasalamat nito sa navigation apps, dahil kung hindi nagkaligaw ligaw na ito, not knowing na ang pinagtatrabahuan ng dalaga ay isa sa sikat na building sa lungsod na iyon. Wala itong kaalam alam na sa opisina na pala nagtatrabaho ang babae kaya pala pusturang pustura ito sa picture nito sa isang social media account nito.
Hila ang maleta na pumasok ito sa loob ng lobby ng establisyemento na ilang minuto na lamang ay magsisimula nang magsilabasan ang lahat ng empleyado sa loob ng mataas na building na iyon.
At hindi nga ito nagkamali nang ilang minuto pa ang lumipas noong dumating ang pinakahihintay na babae. Parang bumagal ang pag-inog ng mundo nito nang makita nito si Catherine, na napakaganda sa suot nitong pang-opisinang uniporme.
Iniready nito ang pagkatamis tamis na ngiti pati na ang two dozen bouquet of red roses na binili pa sa airport bago pa sumakay ng taxi kanina.
Nagkantyawan naman ang lahat ng kaopisina ng babae na kasalukuyang nandoon noong ibigay ni Billi ang bulaklak sa dalaga. Namula ang mukha niya sa naramdamang hiya. Hindi niya akalain na may pa-bulaklak pa ito.
Tahimik silang naglakad palabas ng building at naghanap ng lugar na pwede silang makapag-usap ng maayos. Hindi na alintana ni Billy ang hirap sa paghila sa dala-dalang maleta basta makasama lang ang babae sa mga oras na iyon. Hanggang sa mapadpad sila sa Ayala Triangle Garden. Doon sila nag-usap ng masinsinan.
Sa kabila ng madilim na ang paligid noong mga oras na iyon ay tila ba nagliliwanag ang ganda ni Cathy sa paningin ni Billy. Hindi nito akalain na gaganda at si-sexy ng ganito ang dalaga. Actually na-turned off lang naman ito sa babae dahil sa pagsisinungaling nito noon. Kung sana nagsabi ito ng totoo ay hindi na ito nag-expect pa. Pero sa ngayon ay wala na itong mairereklamo pa. Ang hiling lang nito ay tuluyan itong mapatawad ng babae at muling bumalik sa buhay nito.
“Cathy, gusto ko sanang makilala ang pamilya mo. Pwede ba?” saad nito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan ng dalaga.
“Ahm, pwede naman. Pero may lakad ako eh, may company outing kami ng ilang araw,” saad niya na hindi man lang nakitaan ng anomang reaksyon sa sinabi ng lalaki. Matatandaang ito ang gusto niyang mangyari noon, ang makilala nito ang mga magulang at ang ate niya.
Napamaang lang si Billy nang maalala ang ip-in-ost ng babae sa status nito noon sa isang social media account nito. Ang pagpunta nito sa Boracay. HIndi niya napansin na bukas na pala iyon.
“Um, galit ka pa ba sa akin?” tanong na lang nito.
“Ano sa tingin mo?” pagtataray niya naman. HIndi naman ibig sabihin na por que sinundo siya nito ay nabura na lahat ng galit niya sa lalaki.
“I am deeply sorry sa nagawa ko sa iyo. Ano ba ang kailangan kong gawin para lang mapatawad mo?” pagsusumamo nito.
“I don’t know. Basta ang alam ko, bumalik ang sakit ng ginawa mo sa akin noong makita ulit kita,” walang pakundangan niyang sabi.
Hindi ito nakapagsalita.
Napabuntong hininga lang siya. “Anyway, gabi na. Baka hanapin na ako ni ate,” pumatayo siya para makauwi na.
“Teka, ayaw mo man lang ba na mag-dinner tayo?” pigil nito sa babae.
“Hindi pa ako gutom,” saad niya. “So, didiretso ka na ba niyan papuntang Olongapo?”
“Mag-stay na lang ako sa hotel dito sa Makati ngayong gabi. Bukas na ako uuwi,” sagot lang ni Billy.
Tumango lang siya.
“Um, kelan tayo magkikita ulit?” tanong nito.
“I will tell you kung kelan ako available,” saad niya lang.
Nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. May kirot siyang naramdaman sa dibdib. Gusto sana niyang yakapin ito bago umalis pero pinigilan niya ang sarili. She will stick sa kanyang plan. Ang paghirapan nito na maibalik siya sa buhay ng lalaki.
Noong gabing iyon ay sumakay na siya ng bus pauwi. Si Billy naman ay nagpahatid sa isang taxi papunta sa pinakamalapit na hotel. Doon na lang ito mag-stay at pag-iisipan pa nito kung uuwi kinabukasan sa pamilya. Ang plano kasi nito ay mag stay sa Manila para makipag-bonding sa babae. Nagkataon namang may lakad pala ito kinabukasan at sa linggo pa ang balik. Ano ba ang gagawin nito doon habang wala ang babae? Ang totoo’y umuwi lang talaga ito sa Pilipinas para lamang dito. Ang original itinerary kasi nito na magtravel mag-isa sa buong America ay kinancel agad nang makita ulit ang babae.
“Billy? Anong ginagawa mo dito?” nagulat siya nang makitang nandoon rin sa Boracay ang lalaki, naka-check in sa parehas na hotel na kasalukuyang pinag-stay-han ng buong kasamahan sa trabaho.
“Ayoko munang umuwi sa amin kaya sinundan na lang kita dito,” nangingiti nitong saad na noo’y naka- suot ng beach shorts at naka sumbrero. Makikita ang ma-muscle nang abs nito. Ibang iba na rin sa katawang meron ito dati.
“So ipinagpatuloy mo na ang pagiging stalker mo sa akin ngayon ha?”ikinibot niya ang gilid ng mga labi.
“Hindi naman,” nangingiti nitong sambit. “I just want to see you every single day habang nandito pa ako sa Pilipinas.”
“Pinapaalalahanan lang kita, hindi tayo pwedeng magkita at mag-usap ng matagal. Work pa rin ang pinunta namin dito, well may konting leisure,” pagpapaalala niya.
“Naiindihan ko naman. Makita lang kita at makausap kahit sandali sa isang araw ay sapat na sa akin.”
Naitaas niya ang kilay sa sinabi nito. Kahit kelan talaga mabulaklak pa rin ang dila nito. Pero inaamin niya, napakasarap pakinggan ng mga iyon.
Sa buong tatlong araw na pag-stay nila doon ay hindi niya ito palaging nakakausap, pero palagi naman siya nitong nakikita. Minsan pumapasok sa isipan niya na what if nandoon rin ang lalaki dahil may iba pang babae itong kinita doon pero sa tingin niya ay wala naman. Palagi lang itong mag-isa sa tuwing nakikita niya. Mukhang pinaninindigan talaga ng lalaki na nagbago na ito. Na hindi na ito tumitingin pa sa iba.
Ngunit sa sumunod na mga araw pagkabalik niya ng Maynila ay wala na siyang nabalitaan dito, bagay na ipinag-alala niya. Nag-message na lamang ito na nasa Olongapo na ito upang mag-spend ng ilang araw sa piling ng pamilya bago pa bumalik ulit sa barko. Apparently, tinawagan pala ito ng captain nito na kailangan na nitong bumalik dahil naaksidente ang taong pansamantalang gumagawa ng trabaho ng lalaki. May lungkot siyang naramdaman sa mga oras na iyon. Ang akala niya ay magtatagal pa ito sa Pilipinas dahil iyon naman ang alam niyang haba ng bakasyon ng isang seaman na gaya nito. Iyon pala ay halos isang linggo lamang.