Chapter5

1280 Words
“Ikaw na naman!? Ano bang gusto mo ha?” pagsusuplada na ni Cathy sa lalaki nang sagutin nito ang telepono. Kasalukuyan siyang nasa sala noon, nagpapahinga habang nanonood ng tv. “Ikaw,” walang pagdadalawang isip na sagot naman ng binata. “Aba, mga linyahan mo ha,” natatawang saad ng dalaga. “Ayos ‘yan! Pero hindi ka yata na-inform na laos na ‘yan! Matagal na!” pipindutin na naman niya sana ang end call button nang pigilan ng lalaki. “Teka, teka! Ikaw naman! Ang suplada mo talaga!” “Ei, ganun talaga ako eh, suplada. Kaya tantanan mo na ako, okay?” “Teka, may sinabi ba ako na ayoko sa mga suplada? Mas gusto ko ngang kausap ang mga supladang babae kesa sa mga mababait,” seryosong saad nito. Napatawa naman siya sa sinabi ng lalaki. Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap dito at hindi na namalayan na napalagay na ang loob sa lalaki. Hanggang sa tumatawag na ito ng madalas sa kanya. Nakakapagkuwentuhan sila tungkol sa buhay buhay, nagkakatawanan, na hindi na nila napapansin na napapatagal na ang kanilang pag-uusap. Iba ang feeling niya sa ka-chat-mate niyang iyon dahil seryoso ang mga pananaw nito sa mga paksang pinag-uusapan. At sa mga dumaang araw ay Nagugustuhan na niya ang lalaki. Paano’y halos lahat ay inaalam nito tungkol sa kanya. “Ikaw Billyboy ha, stralker pala kita. Unfair. Nakita mo na ang mukha ko, samantalang ikaw, hindi pa kita nakikita,” saad niya dito sa text messages noong malaman na alam na pala nito ang kaisa-isang social media account niya. “Eh, wala naman na kasi akong mga ganyan, Catherine,” reply naman nito gamit pa ang totoong pangalan ng babae na siyang ginamit nito sa account sa social media. “Gusto mo tawagan kita sa number mo at buksan ko na lang ang camera ko, para makita mo rin ako,” pag-aaya nito sa babae. Billyboy ang ibinigay nitong pangalan sa dalaga dahil iyon na ang madalas nitong gamitin sa trabaho. “Sure!” sagot niya. Kahit wala siyang make up noong mga oras na iyon habang nasa loob ng bahay ay malakas na ang loob niyang ipakita ang mukha sa bagong kakilala. Makinis na ang mukha niya ngayon, na nagkaroon na ng laman dahil tumaba taba na nga siya ng konti. Gumanda na rin ang kurba ng katawan niya compare dati na parang isang posteng binihisan. Ipinaayos niya ang medyo may kakapalang kilay, at iniba ang hati ng hanggang siko na pinakulayang buhok. Sa sandaling makita nila ang isa’t isa ay kapwa sila natahimik. Si Billy na kahit malaki na ang ipinagbago ng mukha ni Cathy ay nakilala pa rin nito ang babae. Samantalang siya, paano niya ba makakalimutan ang mukhang iyon ng lalaking naging dahilan kung bakit never na siyang nakipag-chat sa iba. “Ikaw si Cathy Reyes, ‘yong dati kong ka-chat?” paninigurado ng lalaki sa kausap. “So, ikaw si Billy? Ang dati kong ka-chat na seamanloloko?” itinaas niya pa ang kilay na saad niya dito. Sandali silang nagkatitigan at hindi malaman kung ano ang sasabihin sa isa’t isa. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay pinatay na niya ang video call na iyon. Halos umusok ang ilong niya sa galit. Bakit sa isang linggo’t mahigit na nilang komunikasyon nito ay hindi man lang niya nalaman na ang Billy na kakilala niya noon at ang Billyboy na lalaking iyon ngayon ay iisa lang? Naibaling niya ulit ang paningin sa telepono nang makita na tumatawag ulit ang lalaki. “Cathy, sagutin mo ang tawag ko please. Magpapaliwanag lang ako,” saad nito thru text messages. “Hindi mo naman kailangan pang magpaliwanag, Billy! It was as clear as the day na hindi mo ako nagustuhan noong panahong iyon!” sagot niya naman patungkol sa nangyaring pang-iiwan sa kanya nito dati. “Oo, inaamin ko naman, na-turn off ako sa iyo. Pero noon yun,” paliwanag naman ng binata. “Yeah right, noon yun. Ngayon hindi na, kasi malaki na ang improvement ko, ganoon ba?” naniningkit ang mga mata niya sa tila insultong natatanggap dito. “Hindi naman sa ganoon. Actually, sinubukan kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa iyo noon, pero pinanghinaan ako ng loob. Hanggang sa nagpalit ako ng phone number, nawala na sa isip kong i-save ang number mo,” patuloy ang pagpapaliwanag nito. “Eh, bakit mo nga naman isi-save ang number ko eh after what happened ni ha, ni ho, wala nga akong narinig sa iyo. Ni hindi ka nga man lang nag-effort na makipaghiwalay verbally. Oh, yeah, bakit ka nga pala magbibigay pa ng time na makipaghiwalay eh busy ka na sa babaeng sumundo sa iyo sa airport. We’ll I guess hindi rin naging successful ang relationship n’yo kasi nandito ka ngayon, naghahanap na naman ng ka-chat and it’s so bizarre na ako na naman ang nakuha mo,” pagtataray niyang pakli. Natahimik lang si Billy sa narinig. Nakita pala ng babae ang tagpo noong sunduin ito ng pinsan nito na nakatira malapit lang din doon sa airport. Ito ang konontak nito noon para lang mabilis na makaalis sa lugar na iyon. “She’s my cousin,” paglilinaw nito sa babae. “Nag-decide ako na mag-stay muna sa kanila that night bago ako dumiretso sa amin sa Olongapo kinabukasan.” Nai-roll niya ang mga mata sa sinabi ng kausap. “Billy, I’m sorry kung hirap na akong paniwalaan ka. Pero dahil sa ginawa mo sa akin noon nagkaroon na ako ng trust issue,” pakli niya. Biglang nag-ring ulit ang phone niya. Tumatawag ulit ito. Pinakinggan lang naman niya ang pagtunog ng telepono hanggang sa tila marindi na kung kaya sinagot na niya iyon. “Just give me one more chance pls! Give me one and last chance to prove na nagbago na ako.” pagsusumamo nito nang sagutin niya ang phone. Hindi naman siya nakapagsalita. “Totoo ang sinabi ko noong una tayong nagkausap sa phone after ng ilang taon. That I don’t really need a chatmate anymore. Asawa na talaga ang hanap ko ngayon. At dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay pinagtagpo ulit tayo, malakas na ang kutob ko na tayo talaga ang itinadhana para sa isa’t isa,” wika pa nito. Nai-roll lang naman niya ang mga mata na tila ba ayaw paniwalaan ang lalaki. “Bababa na ako ng barko sa isang araw. Didiretso ako sa Maynila. Gusto kong makita ka ulit, Cathy. Please. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon na itama ang lahat ng maling nagawa ko sa iyo dati,” pagmamakaawa na nito. Doon ay napag-isip isip siya. Kung tutuusin ay may punto rin naman ito. Sa pangalawang beses na pagkukrus ng landas nila ngayon ay baka may ibig sabihin na iyon. “Sige. Kikitain kita pero hindi sa airport,” saad pa niya dito. Ayaw na niyang tumapak sa airport na iyon dahil sa masamang karanasan sa lalaki . Tila ba nagkaroon siya ng phobia na sa tuwing makikita ang mismong airport na iyon ay naaalala niya ang pag-iwan nito sa kanya. “Kahit saan, basta magkaayos lang tayo,” mahinahong saad naman ng binata. “Sunduin mo ako sa pinagtatrabahuan ko. Ipapadala ko sa iyo ang address. 5 PM ang labas namin at sa ibabang lobby ng building, doon mo ako hintayin,” seryosong sambit niya. “Anything for you, mahal ko,” natutuwang sagot pa nito. Ngunit hindi na niya napakinggan pa ang sagot nito dahil pinatay na niya ang telepono. Napagdesisyunan niyang bigyan ito ng isa pang pagkakataon, pero hindi niya gagawing madali para sa lalaki na kunin ulit nito ang loob niya. Pahihirapan niya muna ito, hanggang sa bumalik ang tiwala niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD