Chapter 3

1793 Words
Sa mga nagdaang araw ay nakakatanggap pa rin siya ng tawag at mga messages mula kay Billy pero ni minsan ay hindi na niya ito sinagot pa. Hanggang sa isang araw ay accidentally niyang napindot ang answer button ng call nito. “Mahal ko, mabuti na lang sinagot mo ang tawag ko,” bungad agad ng binata. Hindi siya nakapagsalita. Tahimik pa niyang pinagalitan ang sarili dahil hindi man lang niya sinigurado kung sino ang tumatawag bago iyon sinagot. Wala sa isip niya na phone number pala iyon ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. “Mahal ko, bukas na ang baba ko ng barko. Sa makalawa na ang uwi ko pabalik sa Pilipinas. Gusto ko sanang makita ka. Kung ano man ang nagawa ko, patawarin mo na sana ako, please,” pagmamakaawa nito. Sinabi na nito ang lahat ng gustong sabihin in case na pagbabaan ito ng telepono ng babae. Muli ay hindi siya nakaimik sa nalaman mula rito. Subalit hindi man niya aminin, may kung anong excitement ang naramdaman niya noong muling marinig ang boses nito. Lalo na nang malamang babalik na ito sa Pilipinas. Naaalala niya ulit tuloy ang mga planong pinag-usapan nila dati. Na siya ang magsusundo sa lalaki sa airport, at galing doon ay didiretso sila sa hotel at pagkatapos nga ay magpapakasal agad. “Mahal ko, please, kausapin mo na ako. Ang tagal ko nang gustong marinig ang boses mo. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Oo, inaamin ko, may iba pa akong kinakausap noong nakaraan. Pero wala na yun. HIniwalayan ko na siya dahil na-realize ko ikaw talaga ang gusto ko. Ikaw talaga ang mahal ko...” magsasalita pa sana ito nang matigilan noong umentra sa pagsasalita ang babae. “Anong oras ang arrival mo?” tanong niya dito kapagkuwan. Ewan ba at lumambot ulit ang puso niya at tila nawala bigla ang galit na nararamdaman sa lalaki mula sa mga ipinagtapat nito ngayon. “3:15 ng hapon,” agad na sagot ni Billy. “O sige. Magkita na lang tayo doon,” aniya na kunwari pa ay hindi excited. Pero ang totoo’ y kulang na lang ay magsisigaw siya sa tuwa noong mga oras na iyon. At last ay makikita na niya ang lalaki, mahahawakan, mayayakap. “Talaga mahal ko? Susunduin mo ako?” hindi makapaniwala nitong sambit. “Oo nga, ang kulit,” natatawa niyang sagot. “So, tuloy pa rin ang balak natin?” tanong nito. “Gusto mo ba?” “Oo naman, ako pa!” wika nito na halata ang saya sa boses. “Thank you so much mahal ko! Hindi ako makapaniwala na bumalik ka na sa akin,” ramdam niya ang kasiyahan nito habang nagsisigaw ito sa kabilang linya. “Mahal na mahal kita mahal ko,” saad pa nito na sinundan pa iyon ng paghalik sa screen ng telepono na pakiramdam niya naman ay siya na ang hinahalikan nito. Nag-uumapaw ang galak na naramdaman niya noon. Kinagabihan, noong muli silang mag-usap ay hindi na nagpaligoy ligoy ang binata sa gusto ulit nitong mangyari sa pagitan nila. Sa sobrang pagka-miss nito sa dalaga ay ni-request ulit nito ang isang bagay na ginawa nila noong nakaraan. Pinagbigyan niya naman ulit ito. Sa pangalawang pagkakataon ay pinagana nila ang kanilang imahinasyon. At kahit pa katabi ang kanyang ate sa higaan noong mga oras na iyon ay ipinagpatuloy niya pa rin ang ginagawa, hindi lang siya nagpahalata. Sa kalagitnaan ng gabi ay mahinang pag-ungol ang narinig sa speaker ng kanilang mga telepono. *** Dumating ang araw na pinakahihintay nila. “Nasaan ka na mahal ko? Palabas ka na ba?” tanong niya habang nagkandahaba haba ang leeg habang hinahanap ang lalaki sa gitna ng kumpol ng mga taong kabababa pa lamang ng eroplano. Nandoon siya sa labas ng airport kung saan matatagpuan ang mga taong naghihintay sa mga susunduing kamag-anak pabalik ng bansa “Oo. Pababa na sa waiting area. Kinuha ko pa kasi ang luggage ko,” saad naman ng lalaki habang hila hila ang may kalakihang maleta. “O sige. Nandito lang ako, naghihintay sa iyo. Nakasuot ako ng pantalon at pulang blouse,” sambit niya pa. Nagpaganda siya noong araw na iyon. Nagpa-parlor pa nga. Pina-straight niya ang medyo waivy na buhok. And then nanghiram na lang siya ng outfit sa kanyang ate. Magkapareho kasi sila ng hulma ng katawan. Ganun na siguro sila dahil kahit ang ina nila ay payat rin. Naglagay siya ng kolorete sa mukha pero konti lang. Hindi naman kasi siya marunong mag-make up. “Hindi na ako makapaghintay na makita ka mahal ko. Baka mayakap kita at mapupug ng halik,” Saad pa nito na halata ang excitement sa tono ng boses. Nangiti lang siya ng pagkatamis-tamis. Siya man ay hindi na makapaghintay pa. Ngunit ang mga sinabing iyon ni Billy ay hindi natupad noong sandaling magkaharap sila ng lalaki. Mapakla ang naging reaksyon ng mukha nito nang makita siya sa malapitan. Inilahad pa niya ang palad sa harapan nito upang makipagkamay ngunit hindi nito iyon pinaunlakan. Binawi niya na lang iyon at ngumiti. Sa tingin niya ay nahihiya lang ang lalak. Nakita niya itong naglakad papalayo kung kaya sinundan niya ito papunta sa parking lot kung saan walang tao. “Bakit nagsinungaling ka sa akin?” naiiritang saad nito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong naman niya. Kinuha nito ang telepono at may hinanap doon. Pagkatapos ay may ipinakita sa kanya. “Hindi naman ikaw ito eh! Ang layo ng pagkakaiba ninyo! Nangpi-playtime ka ba?” padabog nitong ibinalik ang telepono sa bulsa ng jeans. Bigla siyang natameme sa narinig mula rito. Aminado naman siya na nagsinungaling siya tungkol sa katawan niya, pero pagdating sa mukha, konti na lang naman ang ipinagkaiba no’n. Wala na siyang tigyawat ngayon compare dati na kailangan pa niyang pakinisin ito sa picture. “Mahal ko, ako naman talaga iyan eh,” saad niya pa. “Malabo ba ang paningin mo! Paano mo nasabing ikaw ‘to, eh ang sexy-sexy ng babaeng nasa picture mo, tapos….” hindi na nito naipagpatuloy ang pagsasalita, bagkus ay tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa. Napatungo na lamang siya sa ginagawang pang-iinsulto nito pero ewan ba niya at hindi niya magawang magalit sa lalaki. Sa mga sumunod na sandali ay halata niya ang malaking pagkadismaya ni Billy sa pagkakakita sa kanya. Naghanap ito ng mauupuan upang pumaupo. Kinuha ang telepono at nagbabad na lamang sa paggamit noon. Hindi na siya kinausap nito. Samantalang siya ay nakatunghay lang sa lalaki. Tulad niya ay nag-effort din si Billy sa pagkikita nilang iyon. Bagong gupit ito, at bagama’t hindi masculine ang katawan sa suot na medyo fitted na white shirt ay bumagay naman lalo na at gwapo rin ito. Sa mga oras na iyon ay gusto niya itong yakapin at halikan pero hindi niya magawa. Tila kasi binigo niya ito sa malaking expectation nito sa kanya. Nasisi niya tuloy ang sarili sa mga ginawang pagsisinungaling. “Oh! Mag taxi ka na lang pauwi,” anas ni Billy nang pumatayo. Iniabot nito sa kanya ang isang libong pisong papel. Tila ba isang pakunswelo iyon sa dalaga sa pagpunta doon upang sunduin ang lalaki pero dahil hindi nga siya nagustuhan ni Billy ay pinapauwi na lang siya nito ngayon na ang ang ibig sabihin ay hindi na rin tuloy ang mga binabalak nilang gawin. Natigalgal lang siya. “Aalis na ako. Uuwi na lang ako sa amin sa Olonggapo. Hinihintay na ako ng Nanay ko doon,” dugtong pa nito na hindi na makatingin sa babae. Hindi niya kinuha ang ibinibigay nito bagkos ay mangiyak ngiyak lang na pinakatitigan ang binata. Tila nadagdagan naman ang pagkainis ng lalaki nang tanggihan niya ang perang iyon kung kaya agad na siya nitong tinalikuran at hila ang luggage na binagtas ang daan papunta sa highway. Samantalang tahimik lang niya itong pinapanood hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Mabigat ang loob niya nang mapagpasyahan na ring umalis at tunguhin ang sakayan ng FX sa kabilang parte ng parking area na pinagtatayuan. Hindi niya akalain na sa susunod na mga minuto ay masasaksihan ng mga mata ang isang tagpong tuluyan nang nagpabagsak ng luha mula sa kanyang mga mata. Paano’y nakita niya si Billy na may kinitang isang babae sa isang kanto. Malaki ang pagkakangising bineso nito iyon at niyakap. Marahil kaya ito kanina pa nasa telepono ay may kinontak na itong ibang babae para sumundo dito sa airport. Halos madurog ang puso niya sa nakitang tagpong iyon. Bakit ba hindi sumagi sa isipan niya na ganito ang mangyayari kapag nangsinungaling siya sa lalaki patungkol sa panlabas niyang anyo. Pero kung tutuusin sa may katagalan na nilang relasyon ng lalaki, nangibabaw na sana dito ang pagmamahal sa kanya kahit pa hindi siya kasing sexy ng babaeng nasa litratong ipinapadala niya dito. Maliit na bagay na lang sana iyon, pero hindi ganoon ang mindset ng lalaki. Importante pa rin dito ang pisikal na anyo niya kesa sa mga planong sabay nilang binuo. Napahagulhol na siya ng pag-iyak nang makitang sabay na sumakay ng taxi ang dalawa. Siguro, ito na ang makakasama ni Billy sa hotel na una na nitong i-b-in-ook para sa kanilang dalawa. Siguro, ito na rin ang pinangakuan nitong pakakasalan pagkatapos. Naipikit niya ang mga mata. Handa pa naman siya sa ilang araw na pag-stay sa hotel kasama ang lalaki. Dala niya ang ilang damit sa may kalakihang bag na bitbit-bitbit pati na ang mga dokumentong kailangan sa pinag-kasunduan nilang pagpapakasal. Sa puntong iyon ay nasapo niya ang mukha at nagpatuloy sa paghagulhol. Ngunit maya-maya rin ay itinigil ang pag-iyak. Pinahid ng mga kamay ang mga luha na nasa pisngi. Wari kasi ay bigla siyang natauhan sa mga pangyayari. Sa mga sumunod na sandali ay sinermunan ang sarili. Ano ba ang nasa isip niya at napagdesisyunan niyang magpakasal agad sa isang lalaking hindi pa niya talaga nakakasama. Ni hindi pa nga nito nakikilala ang mga magulang o maging ang kapatid niya. Wari tuloy ay may relief siyang naramdaman na hindi siya nagustuhan ng lalaki at hindi natuloy ang lahat ng balak nila ngayong araw. Pero kahit ganon ay masakit pa rin sa dibdib ang nangyari. Na kahit pilit niyang inaalo ang sarili pero ang totoo , kulang na lang ay magsumigaw siya dahil alam niyang tuluyang nang nawala ang lalaking minahal niya ng todo kahit ka-chat lamang ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nagtuloy tuloy sa sakayan ng van pauwi. Sa isipan niya, kung karma man ito sa kanya sa ginawa niyang pagsisinungaling sa lalaki ay tatanggapin niya na lamang iyon, kasalanan naman niya talaga. Pero ipinapangako niya na huling beses na ito na iiyakan niya ang isang lalaki. Darating ang araw na ang lalaki naman ang iiyak sa kanya at magmamakaawa na mag-stay siya sa buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD