“THANK you for taking me out,” sabi ni Laureen kay Katrina habang nasa isang boutique sila. Niyaya siya nitong mag-shopping isang araw. Kaagad na pumayag siya upang maaliw naman niya ang kanyang sarili. Ilang araw na siyang nagmumukmok. Kahit ang anak niya ay napapansin ang pagiging matamlay niya. Iniwan niya ang anak niya sa mansiyon ng amo ni Katrina. May yaya roon si Enzo kaya may mag-aalaga sa anak niya. Hindi sana niya nais na ipagkatiwala ito sa iba, ngunit ang mismong anak niya ang may gusto na magpaiwan doon. Kasundong-kasundo talaga ni Sean si Enzo. May tiwala rin siya kay Katrina. Inakbayan siya ni Katrina. “I may not fully understand your situation, but I’m here. My shoulder is free for you to cry on.” Iniyakap niya ang isang braso niya sa baywang nito. It felt great to have

