12

2019 Words
"Good morning," bungad ni Louise sa akin pagbungad ko pa lang ng pinto. Agad na kumapit sa braso ko at sabay kaming nagtungo sa upuan namin. "Good morning too." Ngumiti ako rito saka inilagay nang maayos ang bag. "Bakit hindi ka na bumalik sa meeting noong Friday?" tanong nito sa akin. "Ah, may nangyari kasi." Nag-iwas ako nang tingin dito. "Anong nangyari? Sinundo ka ba?" umiling ako. Ayaw kong magsalita lalo't hindi ako tiyak kung sino ang gumawa no'n sa akin. "Girls!" patiling ani ni Maya na pumasok ng classroom. "Hi!" bati ko rito. Excited na naupo ito sa pwesto n'ya, saka ngiting-ngiti pa rin na bumaling sa amin ni Louise ang tingin n'ya, papalit-palit. "Why?" takang tanong ko rito. "Wait...tignan n'yo, may masarap akong chocolate." Akmang hahawakan nito ang bag n'ya nang inawat ko s'ya. "Anong nangyari d'yan?" tanong ko sa braso nito na may pasa. Maputi ito, kaya kita agad. Hindi rin pwedeng itangi na hindi iyon pasa dahil marunong naman akong tumingin. "W-wala, naibungo sa hagdan kanina paakyat dito." "Liar! Tamad kang maghagdan." Nakaingos na ani ni Louise kay Maya. Agad na binawi nito ang kamay na hawak ko. "Be honest, please." "Hinarang kasi ako kanina ng mga bully nating schoolmate." "Sinaktan ka na naman." Nakasimangot na ani ko. "Itinulak ako. Kaya tumama sa railings itong braso ko. Pero hindi naman siguro sinasadya." "Hindi sinasadya? Come on, Maya." Nakasimangot na hinuli kong muli ang braso nito. Mukhang malakas na naihampas iyon. "Lalagyan ko na lang ng foundation para hindi mahalata." "Ire-report na natin 'yan." "No, hindi ko kakayaning ma-involve sa kahit na anong issues. Magagalit si Daddy sa akin." Nakita ko ang takot sa mga mata nito na ikina-frustrate ko. "Tama s'ya, Kali. Baka lalo lang kaming ma-bully kapag nagsumbong kami." "Pero hindi sila tumitigil." Inis na ani ko. "Kali, last year naman na namin dito. Hindi pwedeng mahadlangan ang pag-graduate. Lalo na kami ni Louise. Teacher ang Mommy n'ya rito at baka magkaproblema pa." Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila. Salubong lang ang kilay ko. "Wow..." bigla na lang hinawakan ni Louise ang braso ko. Kung saan suot ko ang bigay ni Mayor na bracelet. "Mayaman ka talaga. Tignan mo oh, limited edition lang ng Angel's Pieces ito. Si Miss Keia Angela Zimmer ang nagdesenyo. Mahal ito, Kalila." "Mahal?" "Oo, grabe ang swerte mo talaga. Sino ba ang magulang mo? Pwedeng magpaampon?" kita sa mukha ni Maya ang ingit. Binawi ko ang kamay ko kahit pa gusto pa nilang titigan. "B-igay lang ito." "Bilyonaryo ba ang nagbibigay sa 'yo? Grabe naman, pakisabi bigyan din n'ya ako." Huminga ako nang malalim. Hindi sila magawang tignan. "Kali, secret heiress ka ba? Tulad ng ibang student dito sa Luwalhati High School?" "No." Mariing ani ko rito. Ano namang mamanahin ko sa bahay namin? 'Yong kalderong mas matanda pa raw sa akin sabi ni Mama? 'Yong ref naming mas malamig pa 'yong relasyon ni Aileen sa ultimate crush n'ya. Wala naman, kung 'di 'yong bahay at lote lang. Heiress 'yan? Gusto kong mailing at matawa pero pinigil ko. "Daya mo naman. Kaibigan mo na kaya kami." "Mahirap lang kami. Tapos itong mga mayroon lang ako ay bigay lang at hindi ko alam ang mga presyo." "Bilhin ko na lang? 20k!" napasinghap kami sa biglang singit ni Anna. Isa sa classmate namin na nasa harap nakapwesto. "Ano ka hilo? Mahal 'yan, Kali. Huwag kang papayag." Tumango lang ako rito. Saka inilabas ang phone ko. "Wow!" mas lalong naging exaggerated ang reaction ng mga ito nang makita ang phone ko. Mahal din ba ito? "Kali, ang ganda ng phone mo. Latest 'yan, maganda ang camera n'yan." Hindi na talaga nila naitago ang excitement nila. Pinalibutan na kami ng mga kaklase namin. Si Zarah nga ay hinila pa si Maya para maalis sa upuan n'ya at s'ya ang pumalit. "Sino ka ba talaga?" mataray na tanong nito sa akin. "Kalila Farrah Monoban." Seryosong sagot ko rito. Inilabas nito ang phone n'ya. Nakita kong nagse-search s'ya. Dahil hindi naman ako famous ay walang result na lumabas pwera sa Fezlook at Fayslife account ko na kagagawa ko kahapon. "Hindi ka famous. Anong pangalan ng Mommy mo? How about your Dad?" tanong nito. "Stop. Walang interesting sa buhay ko. Bumalik na nga kayo sa mga upuan n'yo." "Malalaman din namin. Nakalimutan mo yatang pamangkin si Lea ng principal." "Zarah, will you please stop? Hindi mo ginagamit ang utak mo. Sayang ang ganda, girl. Kahit pamangkin pa wala pa ring karapatan pakialamanan ang mga students record." "Let's see." "I'll report this." Natigilan ang mga ito saka matalim na tumingin sa akin, sabay tayo at iniwan na kami. "Mga pakialamera sa buhay." Himutok ni Maya. Tsk, isa pa itong babaeng ito. Samantalang ito 'yong kung ano-ano 'yong sinabi kanina. Kung hindi s'ya narinig ng mga classmate namin ay hindi naman sila macu-curious. Nang dumating ang guro ay nagsimula agad ang klase. Inutusan kami nitong bumuo ng group. Sa totoo lang ayaw ko sanang makagrupo si Maya at Louise. Dahil nakikita kong iaasa na naman nila ang lahat sa akin, kaso ayaw rin naman akong ka-group ng iba. "Anong gagawin natin?" ani ni Maya. "Why? Hindi ka ba nakinig sa explanation ni Miss?" ani ko rito. "Hindi." Sabay peace sign nito. Kahit magpa-cute pa s'ya. Lalo lang akong nainis. Gagawa kami ng chant, sa buong duration nang binigay na oras ay ako lang ang nag-iisip. Kaya kong magsulat sa notebook pero si Louise na ang pinagawa ko. May maiambag man lang, 'di ba? "Ako ang nag-isip, si Louise ang nagsulat, Maya, ikaw naman ang mag-present." Tapos na ang lahat sa paghahanda. Kami na ang susunod. Si Maya na pasimpleng nagce-cellphone ay biglang nanlaki ang mata at mabilis na umiling. "Akin na 'yong papel. Ako na ang maglagay ng mga pangalan natin." Mabilis na inagaw ni Maya ang hawak na papel ni Louise at sinulatan ng pangalan. Nauna pa nga nitong inilagay ang pangalan n'ya saka pangalan ni Louise at ang panghuli ay pangalan ko. "Girl, pwede bang ikaw na lang ang gumawa? Baka kasi pumalpak lang si Maya eh." Atubiling ani ni Louise. Maayos naman nitong sinabi sa akin 'yon. Habang si Maya ay abala na sa phone nito. Dinampot ko ang ballpen at kinuha ang papel. "Buburahin ko ang pangalan mo rito, Maya." "Ha? Bakit?" mabilis nitong itinago ang phone at humarap sa akin. Nasa mukha nito ang pagkabahala. Ganito ba kapag may pera? Madaling pumasok sa paaralang tulad ng LHS na mataas ang standard kahit bopols? Ganito rin siguro kapag hindi nakaranas nang responsibility kaya balewala ang mga bagay-bagay. "Girl, I think kailangan ikaw talaga ang mag-perform." Mahina ang tinig na ani ni Louise. Ginagap pa nito ang kamay ni Maya na waring nakikiusap. "Next group." Dinig naming ani ni Sir Kelvin. Sinulyapan ko si Maya na parang biglang namutla. Mukhang walang balak na kumilos kaya ako na ang tumayo. Tinawag pa ako ni Maya pero hindi ko na ito pinansin. Gaya nang plano, with matching hand gesture pa ang chant ko. Pinagtawanan nga ako ng ilang boys pero dahil recorded ang activity na 'yon ay hindi ko pinansin. "Ngayon, i-rate mo ang dalawang ka-group mo. 100, 75 and 50." Katulad ng mga classmates namin ay kailangan kami ang magbigay ng grade sa ka-team namin. "Louise, 75..." agad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Louise. Nagpasalamat pa nga ito. Nang makita kong abala na naman si Maya sa phone n'ya ay sinulyapan ko ang guro."Maya, zero." Napasinghap ang mga kaklase namin sa sinabi ko. "Okay." Napangiti pa ang guro. Ako lang ang gumawa no'n. Tiyak naman nauunawaan nito kung bakit ko iyon ginawa. Yukong-yuko na si Maya. Hindi na nito hawak ang phone nito at ngayon ay kinukutkot na ang kuko. "Hindi ako mabait, Maya. Kung ano ang ginawa mo ay iyon lang ang deserve mong grade." "I u-nderstand. Sorry, Kalila." Nang mag-angat ito nang tingin ay waring naluluha pa ito. "Bakit ba kasi hindi ka man lang tumulong?" ani ni Louise kay Maya. "Inaabangan ko kasing magsimula 'yong item na gusto kong bilhin. Gift ko sana sa sarili ko, 'di ba malapit na ang birthday ko." Malungkot na sagot nito kay Louise. Nang marinig ko ang dahilan n'yang iyon agad humiyaw ang isipan ko. Mabuti na lang hindi lumabas sa bibig ko. "Deserve." "SASAMA KA SA amin ngayon?" ngiting-ngiti na ani ni Maya, patungo na kami sa cafeteria. Gano'n lang kabilis mawala sa isip nito na zero ito sa isang activity. "Hindi, bibili lang ako at hahanap ng ibang pwesto." "Why naman? Girl, hindi mo pa rin ba tanggap na magkakaibigan na tayo ngayon?" naglalambing na ani nito. "Hindi." "Ay, bad!" nailing na lang ako. Kaysa hintayin pang bumilis ang lakad nila ay mabilis na akong pumasok sa cafeteria at binili ang kailangan ko. Kaso papalabas pa lang ako ay may umeksena na sa table kung saan may babaeng mag-isang nakaupo sa naka-reserve na upuan ng grupo nila Agassi. May babaeng singkit ang mata ang s'yang lumapit at binuhusan ng juice ang kawawang estudyante. "New student ka pero hindi mo alam ang dapat mong lugaran. Get out! Para lang kina Master Agassi ang pwestong ito," ani nito. Nanginginig naman ang kamay na kumilos ang kawawang estudyante. Gusto kong lumapit at alalayan ito na makalayo roon pero alam kong kapag ginawa ko iyon ay may possibility na malipat sa akin ang atensyon ng mga feeling astig na mga student na ito. "Tinitingin-tingin mo d'yan?" puna ng babaeng bully sa akin. Nagkibitbalikat lang ako saka nagpasyang lumabas na bitbit ang meriendang binili. Sa likod muna ako ng school kakain at mabilis lang din na babalik sa room. Pero pagdating ko roon ay may merienda na namang nakahanda sa bato. This time ay may flowers na iyon na mukhang kinuha lang naman sa garden ng school. "Umiwas ka sa mga bully." Iyon ang note na nakalagay roon. Walang name pero pakiramdam ko ay nasa paligid lang s'ya. Iginala ko ang aking tingin. Ngunit wala akong nakitang ibang tao. Kinuha ko ang pagkain at inilagay ko sa bag ko. Ang baong binili sa cafeteria ang s'yang kinain ko. Habang kumakain ay nag-ring ang phone ko. Number lang pero mabilis kong sinagot agad. "Hello?" "Hija, si Miss Laura ito." "Ay, yes po?" "Dito ka sa office ko kumain ng lunch. May ipagagawa ako sa 'yo." "Okay po, Miss. Thank you." "Basta huwag mong kalimutan." Naputol din agad ang tawag. Plano ko pa sanang magpalipas ng oras sa favorite spot ko ng may mga student na dumating. Mukhang planong gumawa ng activity nila kaya nagpaubaya na lang ako. Hindi pa man nakakalayo nang tuluyan ay nakita ko nang itinulak nila ang isang student at sinimulang sipa-sipain. "Itigil n'yo 'yan." Takot na hiyaw ko. Hindi lang simpleng sipa ang ginagawa nila. Halos malugmok na ang estudyante sa damuhan. Mabilis na itinutok ko ang cellphone ko sa kanila at sinimulang i-video ang ginagawa nila. "Itigil n'yo sabi 'yan." Hiyaw ko. Saka lang waring natauhan ang mga ito at nagtakbuhan na. Lumapit ako sa lalaking pinagtulungan nila. Napasinghap ako nang makilala ang lalaking iyon. "T-hank you. Tanda mo pa ba ako? Ako si Patrick." 'Yong binully nila Agassi. Inalalayan ko itong makatayo. Saka ko inabot ang phone ko. "Saan ko pwedeng i-send ang video? Pwede mong ireklamo ang mga iyon. May evidence ka na sa ginawa nila." Pinahid nito ang dugong mula sa sugat nito sa labi. "Ayos lang naman ako. Hindi naman ako napuruhan." Tinignan ko ang lalaki na hindi makapaniwala sa sinabi nito. Baka nga na patay na ito ng mga bully kong hindi pa tumigil ang mga ito eh. Hindi ayos ang ginawa sa kanya, pero heto s'ya at umaakto na okay nga s'ya. "Anong ginawa mo?" gulat na ani ko nang makita kong binura nito iyon. "Gugulo lang kung paaabutin pa ito sa principal. Ayos lang ako, punta ka na sa classroom mo. Maiksi lang ang break time, baka ma-late ka sa next subject mo." Hindi ako natuwa sa ginawa nitong pagbura ng video. Nang kunin ko ang cellphone ko rito ay blanko na ang expression ng mukha ko. "Duwag." Disappointed na ani ko saka tinalikuran na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD