Eleven

2047 Words
Ininit ko lang ang pagkain, ultimo ang natirang sinangag ay ininit ko lang din. Alas-3 na ng hapon. Naririnig ko pa ang galit na galit na tinig ni Nanay Joselyn sa kabila. Parang binato pa si Doris ng platong stainless saka tinalakan. "Kasama ko nga si Kali, Nay!" dinig kong ani ni Doris. "Anong sabi ko sa 'yo? Bantayan mo ang kapatid mo dahil magbi-bingo ako. Tumakas ka pa!" gigil na ani ng ginang. Kaya naman pala galit dahil hindi nakapag-bingo si Nanay Joselyn. Nagsimula akong kumain. Ang pwesto sa mesa ay paharap sa lababo, kita ko rin ang kusina nila Doris. Maya-maya lang ay natanaw ko na ito. Agad itong kumaway nang makita ako. Napangiti naman ako, kahit sermon ang inabot nito ay nakukuha pa rin ngumiti habang naghuhugas ng pinggan. Nagsimula akong kumain. Tiyak na pagkatapos kong kumain ay tutulala na naman ako. Mahirap ding tumambay sa harap ng bahay dahil sa mga tsismosang laging updated sa kalandian ko kuno. Hindi ko alam kung bakit paborito nilang pakialaman ang buhay ko, tapos 'yong mga buhay nila mas pariwara pa sa akin. "Tao po..." may kanin-kanin pa ang kamay ko na mabilis tumakbo patungo sa pinto. Sumilip muna ako sa bintana. "Ate Claire?" gulat na ani ko nang makita ang secretary ni Mayor. Mabilis akong lumabas at pinagbuksan ito ng gate. "Kumakain ka?" sunod-sunod akong tumango. "Pasok ka, 'te." Isinara ko rin ang gate saka kami pumasok sa bahay. Dumeretso ako sa kusina para maghugas ng kamay. "Sige lang, ipagpatuloy mo ang pagkain mo." "Sige, 'te." Sumenyas akong maupo ito sa katapat na upuan. Iginagala nito ang tingin na waring nag-i-inspect sa paligid. "Saan ang Mama mo?" tanong nito. Gumamit na ako ng kutsara at tinidor. "Umalis saglit, 'te Claire." Hindi ko pwedeng sabihing umalis ito at sa lunes pa ang balik. Mahirap na, baka makarating pa kay Mayor. "Kailan babalik?" "Maya-maya rin po." "Kamusta ka?" "Ayos naman po." "May mga kailangan ka na ba sa school? Pinapatanong ni Mayor. Hindi ka raw kasi n'ya matawagan. Saan ba 'yong cellphone mo?" tanong nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Waring nabasa nito ang tumatakbo sa isip ko. "Anong ginawa ng Nanay mo sa cellphone mo?" "Naisangla ko po. Nagkasakit kasi si Mama kailangan ng gamot." "Nasaan na? Tubusin na natin." "Wala na po." Bumuntonghininga ito sa sinabi ko. "Okay sige, sabihin ko kay Mayor." "Naku! Hindi na po. Masyado na hong mahal ang tuition ko sa LHS. Ayaw kong mapagastos pa si Mayor sa akin." "Anak ka n'ya. Natural lang na gastusan ka n'ya. Kakailanganin mo rin sa school. Dapat nga ay may laptop ka na rin." "Hindi ko rin naman po magagamit." "Dahil?" umarko ang kilay nito."Dahil ba wala kayong internet? Sasabihin ko kay Mayor." "Ate." "Kali, anak ka ni Mayor. Para rin naman sa 'yo 'yong mga sinasabi ko sa 'yo. Makakarating lahat ng 'yan sa Papa mo." "Hindi naman na po kasi talaga kailangan. Pwede naman po akong komonekta sa pisonet, eh." "Paano kung wala kang pang pisonet?" nanulis ang nguso ko. "Kung natatakot ka na naman na baka maisangla ng Nanay mo ako na ang bahalang kumausap." "Ate---" "Bawal mo akong kontrahin sa bagay na 'yan. Kinausap ako ni Mayor na asikasuhin ka. Tiyak na kapag sinabi ko pa sa kanya ang iba ko pang nalaman ay hindi ka na no'n pababalikin dito sa bahay n'yo." Umiling ako sa nadamang pagtutol. Sabi ko nga, welcome naman ako sa bahay ni Mayor. Pero hindi ko kayang iwan si Mama. Hindi kasi welcome ang aking ina sa mansion na iyon. Alangan namang ako lang 'di ba? Saka ayaw kong maging komplikado ang buhay ko at lalo naman ng buhay ng tatay ko. "Sumaglit lang naman ako rito. Ipinabibigay ni Mayor oh." Ipinatong nito ang paper bag sa mesa. Takang tinitigan ko ang mabait at pasensyosong babae na ngumiti sa akin. "Chocolates and this..." may kinuha ito sa loob ng paper bag. Isang pahabang kahon. May idea na pumasok sa akin, pero ayaw kong mag-assume. Tinanggap ko iyon no'ng iabot na n'ya sa akin. "Nakita ni Mayor 'yan sa isang online store. Kinulit nga ako at sinabing tiyakin na mabibili ko 'yan." Tinanggal ko ang ribbon saka binuksan iyon. Napasinghap ako nang mapagmasdan ang bracelet."For sure bagay na bagay sa 'yo 'yan." "Mukhang mamahalin, Ate Claire." "Dapat lang, saka masanay ka na." "Kahit kailan ay hindi ako masasanay sa mga magagarbong bagay." "Napaka-hamble mo talaga, Kalila. Deserve mong i-spoil." "Hindi naman po." Nahihiyang ani ko rito. "Isukat mo," udyok nito. Nakaramdam naman ng excitement at mabilis na isinuot iyon."See...bagay na bagay." Kahit naman purita kami ay maganda ang kutis ko, mana kay Mama na maputi at makinis. "Ang ganda po." "Huwag n'yong isasanla 'yan ha." Pabirong sabi nito. Bahagya akong natawa at tumango. "Ubusin mo na 'yang pagkain mo. Ilagay ko ito sa ref." Tukoy nito sa mga chocolate. Nang makaalis ito ay saglit na pinanood ko ito habang binabaybay ang palabas sa Dambong St. "Psst..." sitsit ni Aling Dorety na nakalusot ang ulo sa tindahan nila. "Po?" magalang na ani ko rito. Kahit madalas gumawa ng kwento ang matanda tungkol sa amin ni Mama ay marunong pa rin naman akong rumespeto ng matanda. "Anong ginagawa ng tauhan ni Mayor sa inyo? Secretary n'ya 'yon 'di ba? Baka naman hindi lang kayo umiimik, may pa ayuda ba?" ang manipis at drawing nitong kilay ay bahagyang umangat. "Hindi po, wala pong ayuda. Kaibigan ko po si Ate Claire." "Kaibigan mo? Aba'y pwede mo akong matulungan maglalakad ako ng permit ng tindahan ko. May backer ka pala sa munisipyo. Samahan mo ako sa lunes." Demanding na ani nito. "May pasok po ako. Excuse me po." Isinara ko na ang gate saka humakbang na papasok. "Bastos talaga itong anak ni Daisy. Pareho talagang mga walang modo...Aileen, huwag kang gagaya sa mga 'yan." Mariin akong napapikit. Ang kapal din ng mukha. 'Di lang n'ya alam, mas malala pa 'yong anak n'ya sa akin eh. Sa kusina ako tumambay. Naghugas ng plato. Hindi ko maiwasang ma-amaze sa bracelet na bigay ni Mayor. Gold 'yon na may palawit na limang maliliit na puso. Tapos may maliliit na diamond. 'Di ko sure kung real ba 'yong diamond pero sure naman akong gold 'yong bracelet. "Hoy!" nag-angat ako nang tingin kay Doris. "Bakit?" "Ikwento mo na kung ano ang nangyari. Bakit hindi ka nakauwi agad." "Doris." "Huwag kang mag-alala, umalis sila. Pupunta raw sa lamay sa kabilang street." "May patay roon?" "Oo, makikisugal. Alam mo naman hindi hindi kilala 'yong namatay dumarayo 'yang mga 'yan." Himutok nito. "Nakulong kasi ako sa CR. Hindi agad ako nakalabas." "Nakulong ka? Paanong nangyari 'yon?" tanong nito na hindi pa man naririnig ang buong paliwanag ay waring diskumpyado na. "Hindi ko pa alam, basta hindi ko nabuksan ang pinto. Nasira ata 'yong lock." Ayaw ko na lang ding palalain. Baka hindi makapagpigil si Doris at masabi rin nito kay Mama ang nangyari. "Okay, dapat sabihin mo pa rin sa Mama mo 'yan." "Hindi na kailangan. Akyat na muna ako sa kwarto, may mga assignment pa ako." "Naku! Mukhang nagbabagong buhay." Biro nito. Kilala naman ako nito, pagdating sa pag-aaral. Hindi ko man asikasuhin agad ang mga outputs ay tinitiyak ko naman na magagawa ko pa rin 'yon. After all, ako ang top 1 last year sa LFHS. Nang pumanhik ako sa silid ay inasikaso ko na nga lang talaga ang mga outputs ko. Walang balita kay Mama. Kung ano mang raket ang ginawa nila, sana ayos lang s'ya. Saka stag party? Ano bang klase 'yon? Kay Doris ko lang narinig 'yon. Kinabukasan maagang dumating si Ate Claire, hindi ko rin inasahan pero masaya naman akong makita ito. "Cellphone, sim, flashdrive at charger. 'Yong laptop mo in-order ko pa, ayaw kasi ni Mayor 'yong nakita ko sa mall. Pupunta rito 'yong magkakabit ng internet. 'Yong sa sim, huwag kang mag-alala at hindi ka mauubusan ng load." "A-te? Parang masyadong marami." "Kasi girl, deserve mo naman 'yan. Sa lahat ng batang nakilala ko, ikaw 'yon hindi mahilig sa material na bagay. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw sa 'yo ng magulang at relatives ni Mayor...ay, sorry!" nag-iwas ito nang tingin. "Kasi nga anak ako sa labas, 'te. Ayos lang din 'yon. Huwag na nating gawing komplikado ang lahat. Thank you rito sa mga ito, Ate Claire. Malaking tulong sa pag-aaral ko ito." "Para sa 'yo, Kalila. Kahit naman anak ka ng boss ko ay para na rin kitang kapatid." Ilang saglit pa, itinuro nito sa akin ang mga dapat gawin at kung paano gamitin. Nagpaalam din ito dahil may lakad daw si Mayor. Naiwan na naman akong mag-isa. Binuhat ko ang lahat ng dala nito at pumanhik sa kwarto. Excited na sinimulang gamitin ang cellphone. Of course, sa camera muna. Nag-selfie ako, ilang angulo rin ang kinuhanan. May mga apps din na naka-install na. Agad kong binuksan ang Fezlook App. Kung saan pwedeng gumawa ng account para makapag-status, mag-post kahit pa mag-share ng mga kung ano-ano. May dati na akong account sa Fezlook pero binura ko, kaya naman gumawa ako nang bago. Agad na nag-upload ng profile picture. Nakita ko agad ang request friend ni Doris na agad kong in-accept. "Saan ka?" 'yon ang chat na na-recieve ko rito. Mukhang nagtaka siguro ito dahil nakapag-online ako. "Nandito sa bahay." Mabilis na reply ko rito. "Ha? May cellphone ka na?" tinawagan ko na lang ito. Video call kaming dalawa, nanlalaki ang mata nito nang sagutin 'yon. "Paano?" takang tanong nito. "Binigay ni Papa." Sagot ko rito. Papa, pero hindi nito kilala ang amang tinutukoy ko. "Nagpunta ang Papa mo d'yan?" umiling lang ako. "Hindi, may inutusan lang s'ya." "Kali, sino ba 'yang Papa mo na 'yan? May plano ka bang ipakilala sa akin?" "Hindi ko sure. Busy s'ya eh." "Ano ba kasing trabaho n'ya at hindi umuuwi d'yan sa inyo?" "'Di ba, sabi ni Mama OFW ang Papa ko. Hindi ka pa rin naniniwala." Sorry, kung kasinungalingan ang sinabi ko. Pero ayaw ko namang malaman nito ang sekreto ko. Mas better na lang din 'yon. Ayaw ko nang panibagong sakit ng ulo. "Sana all." Pabirong ani nito. Kasunod no'n ay hindi na ito gumalaw. Narinig ko na lang sa kapitbahay ang sigaw nito. "Naubusan na ako ng load." Hiyaw nito. Bahagya na lang akong natawa. Inubos ko ang buong araw sa pagkalikot ng phone, pagbabasa ng libro at pagtulog. Ganito siguro kapag sanay na sa style ng Nanay. Feeling ko nga ay mas masaya ito kapag nasa labas ng bahay. Kinabukasan ay handa na ang almusal ko at uniform. Malawak ang ngiti nang batiin ako ni Mama. "Ma?" "Ito 'yong baon mo. Kung gusto mong kumain sa Jollibee pwede, kasi may extra kang pera rito." Bahagyang iika-ikang lumapit sa lababo at naghugas ng kamay. "Napaano ka po?" tanong ko rito. "Natapilok ako, nak. Papasok d'yan kanina sa pinto. Ipapahilot ko kay Rowena ito mamaya. Kumain ka na, habang mainit-init pa ang almusal. Para hindi ka rin ma-late." "Sige po." "Galing si Mayor dito?" akma pa lang akong uupo ay tanong na agad nito. "Si Ate Claire po." "S'ya nagdala ng mga nasa ref?" "Opo, hinatid din n'ya 'yong cellphone at magpapakabit din daw ng internet." "Talaga?" napapalakpak pa ito sa tuwa. Napatalon pa nga, agad na umangat ang kilay ko. Mukha namang okay ang paa nito. Pero tumigil din agad ito at napangiwi. "Ma?" "Ah, may cellphone rin ba para sa akin? Makakapag-fezlook app na rin ako, katulad ng mga kumare ko. Pwede na rin akong mag-post ng mga picture ko." "W-ala po, pero pwede ko hong ipahiram ang ibinigay ni Mayor na cellphone." Agad na napasimangot ito. "Bibili na lang ako mamaya." "May pambili po kayo?" takang ani ko rito. Anong klaseng raket iyon para makapagbigay ito ng pera sa akin at makapagplano na bumili ng phone? "Oo naman, ako pa. Saka deserve ko naman ito." Nagkibitbalikat na lang ako rito. "Okay po." Tahimik na lang akong kumain at kumilos para pumasok na. Nagbilin din akong huwag itong aalis dahil may magkakabit ng internet dito sa bahay. Kitang excited ito. Nakuha pa nga nitong magwalis sa sala and as usual ichinika agad nito kina Nanay Joselyn. Napansin ko rin nakikinig sa tapat ng tindahan ang mga kaklase ng Nanay ni Aileen sa tsismisan. Nag-aantabay ng bagong latest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD