Ten

2085 Words
"Kali!" naglalakad na kami nito pauwi. Kapwa busog na busog. "Bilisan mo maglakad." "Busog na busog kasi ako, saglit lang naman." May bumusina kaya naman hinila ako ni Doris para gumilid. Kaso 'yong bumusina ay huminto sa gilid din nmain. Hindi ko na kailangan tignan kung sino. Kasi pamilyar ang motor n'ya sa akin. Bakit ba pakalat-kalat itong lalaking ito? Wala na naman ang mga bodyguard n'ya. "Kilala mo?" bulong ni Doris sa akin. Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong nito dahil hinubad na ni Agassi ang helmet n'ya."s**t, kilala ko 'yan. S'ya 'yong isa sa tinitilian sa school n'yo 'di ba?" hinihila pa nito ang braso ko na parang doon nito binubuhos ang kilig. Daig pa nakakita ng artista eh. Nang mag-angat nang tingin si Agassi ay bahagya kong napigil ang paghinga. Mayroon kasing something sa mata nito, hindi muta ah, 'yong something na kapag natitigan ka ay parang nalulunod ka. "A-gassi..." gusto kong kutusan na naman ang sarili ko. Tiyak na rinig na rinig ni Doris kung paano ako nautal sa pagbangit ng pangalan ng lalaki. May huminto pang isang motor pero hindi namin pansin. Dahil na kay Agassi lang ang tingin naming dalawa ni Doris. "Tara!" yaya ng lalaki. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa biglang pagyaya nito. "Saan?" "Tambay lang, libre na namin kayo." "Oy, libre raw." Nagpanting ang tenga ni Doris sa salitang libre. Samantalang busog na busog pa naman kami nito. Mukhang nawala rin sa isip nito na kanina pa nito pinoproblema ang possibility na makurot ito sa singit ng Nanay nito dahil hindi nagpaalam. "Hindi na, pauwi na kami ng kaibigan ko." Tangi ko rito. "Why not? Sama na kayo. Minsan lang, eh." Mas lalo pa yatang kinilig si Doris nang magtanggal ng helmet ang lalaking kasunod kanina ni Agassi. Si Payro pala iyon. Natandaan ko agad ito kahit minsan lang itinuro ni Louise. May piercing ito sa labi. Tapos ang kinis ng balat. Sana all may pang-skincare. "Tara na, Kali. Ang gwagwapo," kinikilig na ani nito. Parang maiihi pa sa kilig, eh. "Hindi na talaga. Salamat na lang." "Sayang naman, alam ko pa naman na kung sino ang nagkulong sa 'yo sa CR." Mariin akong napapikit nang bumitiw si Doris sa pagkakahawak sa braso ko at masama akong tinitigan. "Kaya ba hindi ka nakauwi agad?" mataray na tanong nito sa akin. "Sama na kayo, doon n'yo na lang pag-usapan." Hindi pa man ako nakakasagot ay lumapit na si Doris kay Payro. Kinuha ang helmet ng lalaki saka sumakay na. Tinap naman ni Agassi ang upuan at iniabot ang helmet n'ya sa akin. Muli akong napapikit saka kumilos at kinuha iyon. Pagkatapos ay sumakay na rin. "Sino ang nag-lock sa akin?' tanong ko kay Agassi. Salubong ang kilay at muling nabuhay ang galit sa taong gumawa no'n. "Later." Sagot nito saka pinausad na ang motor. Hindi na kailangan nang pilitan. Kusa na akong napayakap sa bewang nito dahil sa tulin nang takbo ng sasakyan. Nakarating kami sa isang lumang bahay sa Santermo St. kung saan may dalawa pang motor na naka-park sa loob no'n. Binuksan nang binatilyo ang gate saka ito tumakbo palayo. Nang mai-park nang maayos ay saka ako bumaba. "Doris, saglit lang ha. Mag-uusap pa kami ni Agassi." Pukaw ko sa kaibigan na parang timang na nakikipagbulatsingan kay Payro. Hinila ko si Agassi. "Tanggalin mo kaya muna ang helmet." Pukaw nito sa akin na s'ya namang ginawa ko. Bahagya lang kami nitong lumayo. "Sinong may gawa?" seryosong tanong ko rito. "Sa totoo lang hindi ko pa talaga alam. Sinabi ko lang 'yon para sumama ka." Mabilis pala ang reflexes nito. Dahil sisipain ko sana ito nang mapigil nito ang paa ko. "Ako ba pinagloloko mo?" "Sabi ko sa 'yo sa lunes ko pa malalaman." Sinamaan ko pa ito nang tingin."Tara muna sa loob." Hinawakan nito ang kamay ko at hinila. Nakapasok na sina Doris at Payro. Sa labas lang pala luma dahil pagpasok sa loob ay mas maganda pa iyon sa bahay namin. Naka-tiles pa nga ang floor samantalang 'yong sa amin ay linoleum lang ang meron. Inabutan namin ang mga tao roon na nakapwesto sa couch, may mga alak sa table at mukhang hindi pa nagsisimula ang inuman. May tatlong box ng pizza, may take outs from Jollibee at may milkshake rin. Si Liam at Dianel lang ang tanda ko, 'yong isang lalaki ay hindi. "That's my friend, Liam, Kurt, and Payro... she's Dianel." Kurt pala ang pangalan ng isa. "Guys, she's Kalila and her friend..." "Doris." Mabilis na ani ko sa mga ito. "Yeah, Doris." Si Doris na nakaupo na sa couch. "Pwesto na, simulan na natin ang inuman." "Tsk, sabing walang inuman eh." Masungit na ani ni Dianel. Inirapan nito si Liam, ito pala 'yong Liam na nanliligaw rito. Sila na ba? "Bakit parang kasalanan ko? Si Kurt ang may dala n'yan. Pizza nga lang ang binitbit ko eh." "Doris, tara na!" seryosong ani ko. "What?" napatingin ang mga ito. Si Dianel ang nagsabi no'n na parang nagulat."Can you please stay here?" tanong nito na pinagdikit pa ang palad. "Hindi kami nag-iinom." Tangi ko."Doris, tayo na d'yan. Tara na!" Kumilos si Kurt at kinuha ang bote ng mga alak. Saka nito iyon inilagay sa ref. Bumalik ito na bitbit na ang soft drinks. "Tara, itagay natin itong lintik na 'to." Napabungisngis si Liam sa sinabi nito. "Oh, wala ng alak. Hindi na sila iinom. Dito muna tayo." Ngiting-ngiti na ani ni Doris. Hinawakan ni Agassi ang braso ko at iginiya paupo sa single couch. Umupo naman ito sa sahig, sumandal sa kinauupuan ko. "Kayo ba ni Agassi?" tanong ni Dianel. Nagsalubong ang kilay ko sa tanong nito. Mukha bang kami? Mabilis akong umiling. "Hindi!" tangi ko rito. "Hindi raw, oh! Pwede ba akong manligaw?" nakangising ani ni Kurt. Nagtaas naman ng kamay si Agassi, his middle finger. Nagtawanan ang mga ito. "Tara na, magpakalasing tayo sa pizza, milkshake at soft drinks." Banat ni Kurt. Busog ako. Pero nang abutan ako ni Agassi ng pizza ay tinanggap ko pa rin. Ang bait ata ng loko. Sa isang lingo ko sa Luwalhati High ay iba't ibang kwento na rin ang narinig ko. Madalas ay hindi ko sinasadyang marinig. Sa ibang student ay hari ang tingin sa grupo ng mga lalaking ito. Pero sa iba, demonyo raw. Hindi ko pa naman totally na witness 'yong pagiging demonyo nito. Grabe siguro ito maging bully para bansagan sila ng ganoon. "Kung sagutin mo na kaya ako, para sa susunod na buwan monthsary na natin. Ako na sasagot ng next tambay natin dito." Si Liam na nakaharap kay Dianel. Napasimangot naman ang babae na pinalo ang kamay ng lalaki. "No way, noong lunes ka pa nga lang nanligaw eh. Epal!" napangiti ako sa sinabi nito. Loko rin, gusto sagot agad. Maganda siguro kung basted-in muna ni Dianel ang lalaki. Mukha kasing maloko eh. Nang magsimulang maggitara si Payro akala mo naman jowa si Doris na kinikilig. Bahagya akong natawa nang ma-realize kung ano ang ayos ng kaibigan ko. Nakapambahay lang ito na damit, tapos 'yong buhok halatang binalundon lang sabay tali. Makukurot talaga ito sa singit mamaya. "Why?" mahinang tanong ni Agassi sa akin. "Wala!" sabay subo ng natitirang pizza. Busog daw pero pangalawa na agad ang pizza ko dahil nag-abot ulit si Agassi. "Sana pala sinabi n'yo, eh 'di sana may partner din ako ngayon." "Ugok!" ani ni Payro na binato ito ng tissue. "Ang ganda naman dito. Sa inyo ba ito?" "Kay Agassi ang lugar na ito, pinaayos din ng magulang n'ya para comfortable raw ang tambayan namin." Paliwanag ni Payro kay Doris. Dahil curious din naman ako ay nakinig ako sa usapan nila. "Tara!" napatingin ang lahat sa aming dalawa dahil sa biglang tayo nito. "Saan kayo punta?" tanong ni Doris. "D'yan lang sa labas. Dito ka muna." Agad namang pumayag si Doris. Sumama na lang ako rito kahit hindi ko naman alam kung saan ba kami pupunta. Hindi kami close, third time pa lang naming magkasama. Bakit parang iba ang takbo ng mga kaganapan ngayon? Lumabas kami nito sa gate at nagtungo sa harap ng tindahan. Pansin agad ang pasilip-silip na tingin ng tindera. "Cigarette." Tipid na ani ni Agassi. Bahagya akong napaatras. Takang tinignan ako nito."'Wag na pala, candy na lang." Seryosong ani nito sa tindera. Buti naman may barya itong pambayad. Naupo muna kami sa upuang bakal sa harap ng tindahan nito. Inabutan n'ya ako ng candy pero tumangi ako. "Bakit mo ba kami sinama ng kaibigan ko rito?" tanong ko na kunwari'y abala ang kamay sa butas ng pantalon sa parteng tuhod. Samantalang wala namang interesting na mahihita roon. "Nothing." Napaangat ang kilay na tinignan ko ito. "Anong nothing ka d'yan? Bigla na lang kayong huminto tapos nagyaya---" "Kailangan ba palaging may dahilan?" "Hindi naman. Hindi kami pwedeng magtagal ni Doris dito. Pagagalitan s'ya ng Nanay n'ya." "How about you?" ang makapal nitong kilay na waring inahit sa bandang gilid para magkaroon ng design ay bahagyang nag-angat. Habang derekta ang titig sa akin. Na-concious tuloy ako. "Wala naman si Mama." "Walang magagalit sa 'yo sa bahay n'yo?" "Wala..." sumandal ako sa upuang bakal at bahagyang ipinatong ang paa sa upuan. Ang tuhod ay niyakap."Parang wala..." walang kabuhay-buhay ang tinig na ani ko rito. "Then stay here muna. Ihatid lang natin si Doris." Wow, matandain din sa pangalan. "Hindi naman pwede 'yon. Baka kapag nalaman ng Nanay ni Doris at makaabot kay Mama ay pagalitan ako. Ihatid n'yo na lang kami. Salamat nga pala sa merienda." "It's nothing..." Inabot kami ng kalahating oras na ganoon lang ang pwesto. Kapwa tikom ang bibig at pinagmamasdan lang ang mga dumaraan. Nang lumabas ang tropa nito, kasama si Doris at Dianel ay tumayo na rin kami. "Uwi na tayo?" tanong ko kay Doris. "Uwi na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay." Tugon ni Doris. "Uuwi rin ako, alangan namang mag-isa lang umuwi. Eh 'di lagot ako kay Nanay Jocelyn." Tukoy ko sa nanay nito. "Ihatid na namin kayo. Doris, sa akin ka naman ngayon umangkas." Prisinta ni Kurt. Ang Gaga kong kaibigan feel na feel ang pag-agawan. "Dito na lang daw ako." Kinikilig na ani ni Doris sabay lapit kay Kurt. Nagkibitbalikat lang naman si Payro. Umangkas naman si Dianel kay Liam. Sumakay na rin sa motor n'ya si Payro, saka si Agassi. Ito pa ang nagpatong sa ulo ko ng helmet. Kapwa may helmet si Dianel at Liam, tapos si Doris naman ay suot na rin ang helmet ni Kurt. Si Kurt at Agassi lang ang walang suot. Naku, kapag nahuli ang mga batang ito tiyak mapapatawag ng Daddy at Mommy ang mga ito. Saglit lang ang byahe. Daig ka ang nakikipagkarera sa tulin ng takbo. Nakita kong sinapok pa ni Dianel ang manliligaw nito sa labis na takot. Habang ako, mahigpit na lang na napayakap kay Agassi. Nang marating namin ang kanto ng Dambong St. ay saglit na huminto. "Huwag n'yo na kaming ihatid. Lalakarin na lang namin. Mas malalagot kami kapag sumama pa kayo." This time, nakarinig ako ng salita kay Doris na pwede kong sang-ayunan. "Oo nga, salamat sa merienda at paghatid dito sa amin. Hindi na kami magpapahatid. Malalagot na talaga kami." "Okay. Ingat!" kumaway pa si Dianel."Nice meeting you, girls." Dagdag pa nito. Nang umalis na ang magkakaibigan ay saka kami naglakad ni Doris papasok. Hindi pa man nakakalayo ay nagsimula na itong magkwento. Feeling daw nito ay pinag-aagawan ito ni Kurt ay Payro. "Talaga?" "Oo nga. Gano'n talaga kapag maganda." Tamang-tama naman na nasa tapat kami ng parlor na madalas puntahan ni Mama. May salamin doon na harang kaya iniharap ko si Doris doon. "Ganda 'yan?" tanong ko pa rito. "s**t! Ganito na ang mukha ko mula pa kanina?" gulat na gulat na ani nito. Sinipat ang buhok, mukha at katawan."Nagmamaganda ako kanina, tapos ganito 'yong nakikita nila? Oh my gosh!" manghang ani nito tapos napapadyak pa. Hindi ko napigil ang matawa. "Kilig-kilig ka pa ha. Ganda mo eh." Tatawa-tawang humakbang na ako, mabilis naman itong sumunod. "Hinihingi ni Payro 'yong number ko. Sa sobrang amaze ko sa gwapo n'yang mukha 'yong emergency hotline number ang ibinigay ko. Pinagtawanan nila akong tatlo roon." Hindi ko naman madama na nahihiya ito sa part na 'yon. Parang proud pa sa katangahan, eh. Narating namin ang bahay na parehong tumatawa. "Naku! Umuwi na ang mga mahaharot na bata." Nagsiuwi pa ba ang mga ito? Kasi kung ano 'yong pwesto kanina ng mga ito ay ganoon pa rin. Iba nga naman talaga kapag may samahan ng mga Marites sa aming barangay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD