13

2059 Words
Pagbalik ko sa classroom ay halatang busy sa tsismisan ang mga kaklase ko. "What's going on here?" mahina ang tinig na tanong ko kay Louise. "May new target sina Agassi." Tugon ni Maya. Nakakasagot ito sa mga ganoong bagay. Pero pagdating sa klase wala. "Target?" nakisilip na rin ako sa cellphone na pinanonood ng mga ito. Nakaluhod ang lalaki sa harap ng grupo nila Agassi. Umiiyak at nagmamakaawa. Hindi marinig ang sinasabi nito. Waring sinadyang walang sound bago ikalat. "Anong kasalanan naman ng lalaki?" "Baka nag-angas." Mabilis na ani ni Louise. "Dahil lang doon?" "Ewan, hindi naman nanganganti sina Agassi kung hindi sila inaangasan eh." "Class!" halatang excited na pumasok ang kaklase naming si Zarah. May bitbit pa itong milk tea at nakasunod ang kampon n'ya."Wala na raw tayong klase may meeting ang mga teachers." "2 subjects?" tuwang ani ng kaklase naming si Jiro. "Yes." Daig pa si flash na nagpulasan ang mga ito. Sina Maya at Louise ay nakapagplano agad nang gagawin. Siguro pupunta na lang muna ako kay Miss Laura para magawa ang trabahong iuutos nito. Nang lumabas kami ng classroom ay sumalisi na ako sa dalawa. Lakad takbo ang ginawa ko hangang sa makarating sa office ni Miss Laura Esfid. Pagdating ko roon ay inabutan ko itong mukhang paalis. "Miss, pwede ko na pong gawin ang ipag-uutos n'yo." Magalang na ani ko sa babae. Bahagya itong ngumiti. "Pasok ka, Kali." Inilapag ko sa couch ang bag ko at hinarap ito. "Ano po ang gagawin ko, Miss Laura?" "Madali lang naman, marunong ka namang mag-print, 'di ba?" tanong nito sa akin. "Marunong po ako." "Mabuti naman, i-print mo ang lahat ng laman ng flashdrive na ito, tapos ihiwalay mo according sa grade level. Tapos i-stapler mo." Tinanggap ko iyon. "Sige po." "Kapag lunch at wala pa ako ay iwan mo na lang ang hindi mo natapos. 'Yong matatapos mo ay ilagay mo roon." Itinuro nito ang box na may grade level na nakalagay. "Okay po." Nang makaalis ito ay agad ko nang sinimulan ang trabaho. Print, saka pinaghiwa-hiwalay ko muna saka sinimulang i-stapler. Ganoon ang ginawa ko sa loob ng dalawang oras. Mabilis ko nga lang natapos dahil walang istorbo. Nakasalampak ako sa sahig. Ang sapatos ay nasa gilid. Itinali ko na rin ang buhok ko upang hindi maging sagabal. Bahagya akong nag-inat habang nakasalampak pa rin ng may biglang tumikhim. "A-gassi?" gulat na ani ko. Bigla akong nahiya sa inabutan nitong pwesto ko. Pa-cool na pumasok ito sa office ni Miss Laura Esfid at pabagsak n naupo sa couch. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin. "May kailangan ka ba? Wala si Miss Laura rito." "Hindi ako bulag." Bored ang tinig na tugon nito. "Wala naman akong sinabi." Sagot ko na rin saka tumayo at nagsuot ng sapatos. Iginilid ko na rin ang mga box. "Anong ginagawa mo rito?" ito naman ang nagtanong. "Part-timer ako rito sa office ni Miss Laura." Wala naman sigurong reason para itago ko iyon dito. Mukha namang hindi ito tumitingin ng status sa buhay. "Kailangan mo ba talagang gawin 'yan? Do you need money, I'll give you na lang." Sinulyapan ko ito na hindi makapaniwala sa sinasabi nito ngayon. "Bakit mo naman gagawin 'yon?" "I'm so disgusted sa mga mahihirap na---" nadampot ko ang nilukot kong bond paper sabay bato rito. Hindi nito inasahan iyon kaya sapol ito sa mukha. "Heay!" "Mas disgusting ang ugali mo. Umalis ka na nga rito." Badtrip na ani ko saka hinila ang laylayan ng damit nito."Umalis ka na rito. Hindi papasa sa akin 'yang mga ugali n'yong feeling entitled." "I'm just kidding." Bawi nito pero dahil badtrip na ako, walang kidding-kidding sa akin. "Alis!" napakamot sa ulo ang lalaki saka tumayo at lumabas na. Naiwan akong mag-isa. Nang sipatin ko ang oras ay 11:20 pa lang. Pero nagpasya na akong kumain para naman makapaglibot-libot ako sa classroom. Nang maalala ko ang nangyari sa CR ay pinagsisihan kong pinaalis ko kaagad ito. Dapat nagtanong muna ako kung alam na ba nito kung sino ang may gawa. Nang matapos kumain ay agad na akong lumabas. Ini-lock ko muna ang office ni Miss Laura saka nagsimulang maglakad-lakad. Hindi ko alam kung bakit tinahak ng mga paa ko ang patungo sa likod ng eskwelahan. Nang dumating ako roon ay walang ibang tao. Wala ring kahit anong nakalagay sa bato. Kaya naman umalis na lang ako. Hindi ko magawang magtanong kung nasaan si Agassi dahil tiyak na iba ang magiging kahulugan no'n sa mga tao. Naglakad lang ako nang naglakad. Nang mapagod ay saglit na naupo sa bench. Inilabas ko ang phone ko, susubukan kong hanapin sa Fezlook App ang lalaki at baka sakaling online ito. Maraming poser. Iyon ang agad ang nakumpirma ko nang lumabas ang mga account under his name. Ang una kong tinignan ay ang account na may maraming followers. Hindi ko alam kung bato ba 'yong profile blurred kasi. Ang una kong status na nakita ay ang pinto ng office ni Miss Laura. Nang i-check ko ang comment ay may 500+ comment na roon. Mga magkakaibigan na plano nang pumunta sa office ni Miss Laura para raw masilayan ang kanilang inspirasyon. Ang iba naman ay nagchi-chismisan sa comment section. Sinubukan kong i-message ito. "Saan ka?" Ilang segundong naghintay sa reply nito. "Rooftop." Agad akong napatingin sa katapat na building. Dali-daling tumayo at tumakbo patungo sa elevator. Pagsakay ko roon ay hinihingal pa ako dahil sa ginawang pagtakbo. Kaso pagdating sa rooftop ay wala naman ito. "Ako ba pinagloloko mo?" pagkatapos kong itipa iyon ay mabilis kong isinend sa kanya. Ang sunod na reply nito ay larawan. Larawan nang building na kinaroroonan ko. Ibig sabihin ang tinutukoy nitong rooftop ay ang kaharap ng gusaling ito. Tsk. Bakit ba ako nag-assume na itong gusali na ito ang tinutukoy n'ya? Stupid me. Muli akong naglakad patungo sa elevator. Lakad takbo ako pagkatapos makababa ng gusali. Hingal na hingal pa. Nang ma-recieve ko ang message nito na paalis na ito ay hindi ko na iyon pinansin. Pagdating ko roon ay halos mapaluhod na ako sa labis na hingal. Nakangisi ang gago na nakasandal sa pader. Mag-isa lang ito roon. "Anong kailangan mo?" tanong nito sa akin. Sumenyas ako na sandali lang para makabawi muna sa hingal at pagod. Nang kalmado na ay saka ako nagsalita. "May balita ka ba sa nag-lock ng pinto?" "Kalimutan mo na 'yon, hindi sinasadya ng isang guard. Hindi ka napansin na nasa loob." Biglang seryoso ang tinig na ani nito. "Ako ba ginagago mo? Babae ang gumawa no'n, narinig ko pa ang takong at tawa n'ya." "Chineck ko na ang CCTV. Kung gusto mo ay kausapin pa natin 'yong guard." "Gusto ko s'yang makausap." "Okay, tara." Yaya nito sa akin kaya naman tinungo namin ang elevator saka bumaba ng gusali. Pinagtitinginan kami ng ilang student na nakasalubong. Pero seryosong-seryoso lang akong nakabuntot kay Agassi. Tinungo namin ang guard house kung saan inabutan namin ang mga guard na naglu-lunch. "Si Ma'am ba 'yong na lock sa CR? Ma'am, ako po 'yong nagsara. Pasensya na ho at hindi ko ho kayo napansin sa loob." Sinserong ani ng matanda. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maniwala. "Okay na ba?" bored na ani ni Agassi sa akin. Mukhang wala na talaga akong makukuhang sagot kaya naman tumango ako sabay talikod na. Tinatawag ako nito pero hindi ko s'ya pinansin. Plano kong bumalik na lang muna sa classroom, after all may klase pa naman ng hapon. Hindi pa man ako nakararating sa gusali ay nakita ko na si Maya na karay-karay ng grupo ng mga babaeng estudyante patungo sa likod ng gusali. Ano ba naman ito? Araw-araw na lang ba ganito sa eskwelahan na ito? Hinabol ko ang mga ito. Pagdating sa likod ng classroom ay inabutan kong binubuhos na ng milk tea si Maya. "Ano bang ginagawa n'yo?" inis na hiyaw ko sa mga ito. Napatingin ang lahat sa akin. Si Maya ay mabilis na umiling at waring nais akong pahintuin. Pero hindi, hindi ko na kayang magbulagbulagan sa ginagawa ng mga utak ipis na mga estudyanteng ito. Lumapit ako at sinubukang alalayan si Maya ngunit mukhang iniwan na ng lakas ang babae at mas piniling maupo na lang. "Oh, may naglakas-loob." Nagtawanan ang mga ito. "Mali na 'yang ginagawa ninyo." Pikon na pikon na ani ko sa babae. "Anong mali? May basbas kami nila Agassi sa ginagawa namin kaya walang mali roon." Mukhang boss at hari talaga ang tingin ng mga batang uhugin na ito sa lalaking iyon. Nabubuhay ang inis ko. Tino-tolerate nito ang mga katulad ng bully na ito. "Wala akong pakialam. Itigil n'yo na ang ginagawa ninyo." "Sino ka para pakinggan ko? I'm Samantha Orien. Ako ang queen sa school na ito." Humagod ang tingin ko mula ulo hangang paa ng babae. "Hindi ka gaanong kagandahan, pero sana man lang bumawi ka sa ugali." "How dare you?" hinablot nito ang natitirang milk tea na hawak ng kasama nito. Hindi ko inasahan iyon. Isinaboy nito iyon sa akin dahilan para magtawanan ang mga kasama nito. Narinig ko ang paghikbi ni Maya pero hindi ako natinag. Deretso ang tayo na tinitigan ko ang babae. "Kulang ka siguro sa aruga at pagmamahal kaya ganyan ang attitude mo, 'no?" "Bakit? Lalaban ka?" maangas na ani nito."Kaya mo ba ang buto mo? New student ka rito, 'di ba? Mukhang hindi mo alam kung sino ang binabangga mo." "Hindi ko kailangan malaman. Sa sama ng mga ugali n'yo, dapat ma-kick out kayo sa school na ito." Matapang na sigaw ko rin. Nagtawanan ang mga ito. "Mukha bang kaya mong gawin 'yan? Nakakaawa ka naman, hindi mo nga talaga kilala kung sino ako. Anak ako ng isa sa shareholders sa eskwelahan na ito." Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Maya sa skirt ko. Pero hindi ako nagpatinag. "Ano namang pakialam ko? Anak ka lang naman. Iyabang mo na kung ikaw na ang may-ari." Gigil na ani ko rito. Ngunit malakas na sampal ang pinadapo nito sa pisngi ko. Nagtawanan ang mga alipores nito. This is too much. Nang akmang gaganti rin ako nang sampal dito ay kusang huminto ang kamay ko na gawin iyon. Nakaakma lang habang si Samantha ay mariing napapikit. "Hindi ko gagawin 'yong ginawa mo sa akin." Ibinaba ko na ang palad ko."Hindi ako magiging cheat para lang patunayan na kaya kitang labanan. Gawain lang 'yong ng mga tulad mong ang kaya lang ipagyabang ay kung ano ang mayroon sa pamilya o magulang." Inalalayan kong makatayo si Maya. Hindi agad nakaimik si Samantha at ang mga alipores n'ya. Nakaalis kami roon na hindi tumitinag ang mga ito. Panay ang buntonghininga ko, habang si Maya ay naiiyak. Narating namin ang banyo na walang kibuan. Mabuti na lang at walang tao roon. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" mahinang tanong ni Maya sa akin. "Oo, alam ko." "No! Hindi mo alam, Kali. Ipinahamak mo ang sarili mo. Hindi ka nila titigilan n'yan. Gusto mong payapang maka-graduate sa school na ito? Malabo na 'yang mangyari. Ayaw mong malaman ng lahat ang tungkol sa secrets mo, sa family background mo...magagawa nilang tuklasin 'yan. Gano'n sila ka-powerful dito sa school na ito." "I don't care." Pero sa loob-loob ko ay na bahala rin ako. Hindi na nga umimik pa. Kahit nang kunin namin ang P.E uniform namin. "Nagri-ring ang phone mo." Itinuro nito ang cellphone ko na naka-silent mode pala. Dali-daling sinagot ko iyon nang makitang si Ate Claire. "Ate Claire?" ani ko na bahagyang lumayo kay Maya. Pumasok naman na ito ng cubicle. "Ganda, nagpunta ang mama mo rito sa munisipyo." "Po? Bakit daw?" takang ani ko rito. "Gustong makausap si Mayor." "Nandyan pa po ba s'ya?" ani ko rito. "Kausapin mo nga, narito pa s'ya." "Kali, anak? Ayaw akong papasukin nitong secretary. Gusto ko lang namang makausap ang ama mo." "Ma, mag-usap tayo pag-uwi ko. Umuwi ka na muna po." "Bakit ko gagawin 'yon? Sasabihin ko lang naman na kailangan may service ka sa pagpasok at pag-uwi mo. Katulad noong ibang student na may kotse. Para naman sosyal ka." "Ma!" "Anak, deserve mo 'yon. Huwag mo akong tutulan sa bagay na 'yon." "Umuwi ka na po. Mag-usap tayo sa bahay, Ate Claire, nakikinig ka ba?" "Oo, ganda." "Pauwiin n'yo na po s'ya. Pero please, 'wag po sana s'yang masaktan." Pakiusap ko rito. Hindi lang talaga sa school nakakapagod. Pati na rin sa ginagawa ng Nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD