"Bakit lahat na ang tinanggal mo, samantalang isa lang ang mali ko? Ikaw ha, hindi masyadong halata na type mo ako!"
Napaaray na lang siya nang hiwain siya nito sa dibdib. Mabilis na dumaloy na paibaba ang dugo mula roon, paibaba sa kanyang tiyan. Nang maamoy ng nilalang ang samyo ng pulang likido ay nagmistulang nauulol na aso ito at dinilaan siya.
"Masarap pala ang dugo ng lalaki, lalo na at pari pa!"
"Masyado ka naman atat, can't we take this slowly? Hindi ko pa nga alam ang pangalan mo, level up na tayo?"
"Hindi na ako makapagpigil, Father! Sorry at madudungisan ko na ang imahe mo," sabik na pahayag pa ng demonyo, dahilan upang manlaki ang mga mata ni Pablo at magsisisi na napasobra yata ang pakikipagharutan niya.
"Hmmm, mukhang malambot ang labi mo, patikim!"
"S-Sandali, sa lips kaagad?" aligagang pagkontra na niya sa masamang binabalak nito.
Hindi na siya nakapalag pa nang hawakan na siya sa batok at sapilitang hinagkan.
"Hmph, pfft!" Halos mawalan tuloy si Pablo ng hininga nang dahil sa kapangahasan ng demonyo. Nalasaan pa niya ang alingasaw na nagmumula rito na maikukumpara sa nabubulok na laman.
Nais man na masuka sa ginagawang pambabastos sa kanya ay tiniis na muna niya upang samantalahin na makakuha ng impormasyon. Wala ito sa orihinal na plano pero sinunggaban na rin niya ang pagkakataon upang maisahan ang kalaban. Ipinikit na lang niya ang mga mata upang ituon ang atensyon na makapasok sa diwa ni Corazon.
"Nasaan ka?" pagtawag na niya gamit ang isipan.
"Magpakita ka, papasukin mo ako sa kamalayan mo..."
Unti-unti ay lumitaw ang isang magandang babae na nakasuot ng uniporme ng guro. Nakaupo ito sa harapan ng teacher's desk at may binabasa na lesson plan. May hangin na pumasok sa loob ng classroom kaya mahinhin na hinaplos pa nito ang buhok na nakapusod upang ayusin. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan-dahang umangat ang mukha nito hanggang sa magtagpo ang mga mata nila.
"Pablo," may pagkagulat na nasambit ng guro.
"Ako nga, Corazon..."