Pagkasambit sa pangalan niya ay biglang gumuho ang buong paligid hanggang sa kadiliman na lang ang natatanaw nilang dalawa. Kung kanina ay isang kaakit-akit na dilag ang natatanaw sa silid-aralan, ngayon ay isang imahe na lang ng babae na pinagmalupitan na ng tadhana ang kaharap niya ngayon.
"Pakiusap, iligtas mo ang mga bata!" pagsusumamo na niya.
"May iba pa na batang nakuha ang demonyo?"
"Oo!" litong-lito na pagsisiwalat na niya sa kaharap na lalaki. Napahawak pa siya sa ulo habang sinisikap na maalala ang bawat detalye na nakita habang ginagamit ng nilalang ang katawan niya upang kumuha ng mga dalagita.
"M-Mga lima...hindi ako masyadong sigurado," pagtatapat niya habang nakapikit. Sumagi sa isipan niya ang ilang impormasyon na nakuha mula sa sumasanib sa kanya. "Nasa basement sila, sa Parker's Street, sa Mabalacat, Pampanga!"
"Anong pangalan nitong demonyo?" nagmamadaling pagtatanong ni Pablo sapagkat alam niya na limitado lang ang oras na maaari niyang makausap ang kaluluwa ni Corazon na nakulong sa pagsanib ng 'di kilalang nilalang. Kinakailangan niya ang impormasyon upang mapalayas ito sa katawan ng ginang. "May natandaan ka ba na nabanggit siya?"
"Wala," maluha-luhang sinagot nito sa kanya. "'Yun nga rin ang pilit ko na hinahanap sa isip ng sumasanib sa akin pero naging mailap siya sa bagay na 'yun!"
Ilang sandali lang ay napangiwi ang ginang at napahiyaw nang maramdamang may sumaksak sa tiyan. Tumagos sa laman ang nabaling mga tadyang kaya napaupo na siya habang tinitiis ang matinding paghihirap. Bumulwak din sa kanyang bibig ang dugo kaya nabahala na ang pari.
"Kaunting tiis," pagdamay ni Pablo sa kanya habang hinahaplos ang likod upang maibsan kahit paano ang sakit na nararamdaman. "Talagang pahihirapan ka ng demonyo kasi ayaw ka niyang maglaban. Pero akong bahala, palalayain kita mula sa kanya!"
Malamlam ang mga matang hinawakan na siya ni Corazon sa braso. Nagpapasalamat man sa pag-aalala nito sa kanya ay tanggap na niya ang kapalaran.
"Hindi na rin ako mabubuhay dahil napakarami ko ng pinsala," lumuluhang pagtatapat na niya sa tunay na kalagayan. Maya't maya ay naging pula na ang likido na lumalabas sa mga mata niya nang dahil sa internal hemorrhage sa utak na idinulot din ng sumasanib sa katawan niya.
"Pakiusap, kasama ng aking sakripisyo, ibalik mo sa impiyerno ang demonyo na ito na nagdulot na ng napakaraming paghihirap at krimen sa sangkatauhan!" buong-tapang na paghahabilin niya sa lalaking batid niya na tutupad nga sa usapan. "Kahit ano pa ang gawin niya sa katawan ko, ituon mo ang atensyon sa pagpuksa sa kanya!"
Marahan niyang hinaplos ang ulo ng butihing babae na hindi pinalad na magkaroon ng maayos na buhay. Nanghihinayang man ay batid niya na tama rin si Corazon. Sa mga natamong pilay at sugat ay imposible na nga na kayanin pa ng mortal na katawan ang mga iyon.
"Huwag mo na akong isipin!" pagtataboy na nito sa kanya. "May misyon ka pa na dapat gawin!"
"Masusunod ang nais mo," pagpayag ni Pablo kahit na mabigat man sa kalooban na iwanan na ang tinutulungang babae.
Sa isang kisap ay bumalik ang diwa niya sa kinalalagyan sa sementeryo. Ramdam na ramdam niya ang realidad na pinagnanasaan siya ng demonyong nakayapos sa kanyang katawan.
"Ramdam mo ba ang pintig ng puso ko? Maging ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat ko?" mapanudyong binulong niya malapit sa tainga ng demonyo na patuloy pa rin ang paghalik at paghaplos sa kanya. Sinadya niyang iparamdam dito ang kanyang hininga na nakapagdulot ng init mula sa inaakit kaya pinunit pa nito ang suot niyang pang-itaas.
Lumantad ang mapanuksong katawan na maihahalintulad sa perpektong pagkakahulma ng mga diyos ng Griyego. Puno ng pagnanasa na hinaplos nito ang bawat hubog hanggang sa hindi na ito nakatiis at pumaibabaw pa sa kandungan ng binata.
"Gusto mo ba ako?" pilyong pagtatanong ni Pablo habang nakatitig sa nagliliyab na mga mata ng kaharap. "Nais mo na ba masubok kung gaano ako kadelikado at kapusok?"
Author's Note
Kung nagugustuhan ang istorya ni Pablo, pa-HEART o COMMENT naman diyan!
Thanks for reading! ❤️