REINA’S POV Pagpasok ko sa loob ng bahay, akala ko makakasingit ako papasok sa kwarto na parang wala lang nangyari. Pero hindi pa man ako nakakabitaw sa hawakan ng pinto, agad akong sinalubong ng tanong ng mama. "Saan ba kayo galing, hija?" Napalunok ako. Saglit akong natigilan. Wala akong masabi. Ramdam ko pa rin ang haplos ng ulan sa balat ko at ang bigat ng mga mata ni Clyde na parang sinusundan pa rin ako kahit hindi siya nagsasalita. "Uhm, Ma… sa likod lang po," sagot ko habang pilit iniiwas ang tingin. "Sa likod?" kunot-noo niyang tanong. "Eh nandito si Justino kagabi. Hinahanap ka. Wala ka raw sa alumni. Nagaalala siya." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Si Justino. Bigla kong naalala. Hindi pala ako nakapunta. At hindi ko rin siya nai-text man lang. Hindi ko alam ku

