33

1174 Words

CLYDE POV Nakahilig ako sa pader habang nakaupo sa bangkito sa may labas ng bahay nina Reina. Hawak-hawak ko ‘yung bote ng softdrinks na binili ko kanina sa tindahan. Pinagmamasdan ko siya habang tahimik na sumubo ng hiwa ng mangga, halatang iniiwasan akong tingnan diretso. Tila abala siya, pero sa bawat tikim niya ng mangga, alam kong may gumugulo rin sa isip niya. At alam ko kung ano ‘yon. Hindi ko na napigilan. “Reina,” tawag ko. Medyo marahan. Mahinahon. Tipong hindi bastos gaya ng dati kong tono. “So… tayo na?” Nakita kong bahagyang natigil ang pagsubo niya. Napahinto ang kamay niyang may hawak na tinidor at saglit siyang napakurap, parang hindi alam kung ngumiti ba o tumaas ang kilay. “Ewan ko,” simpleng sagot niya, pero sa tono ng boses niya, halatang pilit niyang pinapakalma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD