22

1677 Words

REINA POV “Kain na tayo,” sabi ni Mama habang inaayos ang sinaing at niluto ni Kuya sa lamesa. Tahimik lang ako. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Pero kahit paano, parang gumaan dahil nandu’n si Mama… at nandu’n siya. Si Clyde. Tumabi siya sa akin sa hapag. Hindi ako makatingin. Ang weird. Sanay naman akong tumabi sa mga lalaking mas may itsura kaysa sa kaniya—dati. Pero bakit ngayon, parang conscious ako sa bawat galaw ko? “Tikman mo ‘to, boss. Sinaing na tulingan, Batangas style,” alok ni Kuya kay Clyde. Boss. Ang kulet. Parang sinasadya ni Kuya na i-flex na may ‘Boss’ akong kasama sa bahay. Eh kung alam lang niya kung gaano ka-komplikado ‘tong boss na ‘to. Hindi lang boss—paminsan, pasaway, minsan nakakainis, minsan nakakabait. “Masarap po, Kuya. Parang may niyog?” sagot n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD