23

1836 Words

REINA POV Maagang gumising si Mama at ako naman ay agad na tumulong sa paghahanda ng almusal. Sinangag, pritong itlog, at tuyo. Simple lang pero alam kong paborito ni Mama ‘to. Napansin ko rin ang lamesa—kulang kami ng isa. “Nasa kuwarto pa si Kuya,” sabi ko habang nag-aayos ng kutsara’t tinidor. “Baka hangover.” “Ano pa nga ba,” napailing si Mama. “Parang hindi sanay. Ay, pasensya ka na talaga, Clyde ha. Ginulo ka pa ng anak ko kagabi.” “Okay lang po, Tita,” sagot ni Clyde habang umupo sa harapan ko. Hindi siya tumingin sa akin. Doon ko siya napagmasdan—namumugto ang mga mata, at parang mas maputla ang mukha. Pero ang pinakanapansin ko… ang pagkakunot ng noo niya. Hindi ito ang karaniwang Clyde na kalmado at may sarkastikong ngiti. Tahimik lang siya. Iba. Mas lalo pa akong naintriga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD