Natulala si Reina. Parang bumagal ang paligid nang magtama ang mga mata nila ni Clyde mula sa gitna ng arena. Basang-basa ng pawis ang katawan ng lalaki, galit pa rin ang tikas, ngunit ang mga mata—hindi galit, kundi puno ng pagtataka at pag-aalala. "Anong ginagawa niya rito?" bulong ni Clyde sa sarili habang kumunot ang noo. Hindi siya makapaniwala na makikita niya si Reina sa isang lugar na ganito—sa gitna ng gulo, sa mundong para sa mga desperado. Hindi ito ang mundong dapat kinalulugaran ng isang kagaya niya. Nag-iwas ng tingin si Reina, pero ramdam niyang nakatitig pa rin si Clyde sa kaniya. Kinabahan siya. Hindi lang dahil sa lalaki sa ring, kundi dahil pakiramdam niya’y may iba pang matang nakatutok sa kaniya. Si Greg. Pakiramdam niya ay sinusundan na siya nito. Hindi niya al

