Patungo na sana sila ni Nicca sa kani-kanilang mga upuan nang biglang tumunog ang cellphone ng kaibigan. Napahinto si Nicca, sabay mabilis na sinagot ang tawag. "Hello, babe? O, bakit ka tumawag? Nasa opisina na ako..." Tumango-tango si Nicca habang nakikinig. Tahimik lang si Reina na nasa likuran nito, nakikiramdam. "Talaga? Ngayon na yung laban mo?" bulong ni Nicca, medyo excited ang boses. "May pustahan? Magkano ang pot money?" Napakunot-noo si Reina. Laban? Pustahan? Napatitig siya sa likod ng ulo ni Nicca, nakikiramdam pa rin habang sinusubukang intindihin ang usapan. "Oo naman pupunta ako mamaya. Eh, 'di ba sinabi ko sayo na game akong pumusta? Baka manalo pa 'ko sa'yo, ha! May bonus pa ako nito." Natatawa si Nicca habang binababa ang tawag, saka napalingon kay Reina. **"Uy g

