Reina’s POV
Napatingin ako sa oras. Uwian na rin, sa wakas.
Isa-isang nagsisinop ng gamit ang mga empleyado. Napabuntong-hininga ako at bahagyang nag-inat, pilit na pinapawi ang pagod sa maghapon. Pero sa pag-inat ko, napansin kong may isang pares ng mata na tumikhom sa akin.
Siya na naman?
Napakunot ang noo ko. Kanina pa ako inaalaska ng lalaking ‘to! Ang mas nakakainis, hindi ko man lang alam kung ano ang trabaho niya rito! Hindi ko rin alam kung saang departamento siya nakatalaga. Parang palagi lang siyang tambay dito!
Pero napansin kong iba na rin ang suot niya. Kanina, nakapormal pa siya, pero ngayon? Itim na hapit na t-shirt ang suot niya, at Diyos ko—mas lalo tuloy lumitaw ang ganda ng katawan niya.
Huwag mong titigan, Reina!
Napairap ako at lumingon sa ibang direksyon, pero narinig ko na namang may sinabi ang manyak.
"Grabe ka naman, Miss Conservative. Kahit stretching mo mukhang pang-tease," asar pa niyang sabi, may kasamang nakakalokong ngiti.
"Gago ka ba?" inis kong sagot. "Gusto mo ng suntok?"
Natawa siya. Ang kapal ng mukha talaga!
"Wow, ang wild mo rin pala minsan," tukso niya, saka tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Pero sayang, ang boring pa rin ng outfit mo."
Iritado akong nagpakawala ng hangin sa ilong. "Kapal ng mukha mo, ah. Ikaw nga, wala namang ginagawa rito! Ano ba’ng trabaho mo?** Stalker?**"
Napangisi siya at akmang sasagot, pero biglang nagsulputan ang dalawang lalaking mukhang... siga.
"Oi, Clyde!" Tawag ng isa sa kanila. "May bago ka na namang puppet, ah?"
Napalingon ako sa kanila. Clyde pala ang pangalan ng manyak na ‘to?
Nilingon ni Clyde ang dalawang lalaki, pero imbes na mapikon, ngumiti lang siya sa kanila. "Ano ba, guys? Sabi ko sa inyo, wala pa akong ginagawa."
Napataas ang kilay ko. Ano ‘to? Anong ibig sabihin nila?
Napairap ako. Dito pa talaga sila nag-ingay sa table ko?
Ang lalaki-laki ng opisina, pero bakit parang dito mismo sa tabi ko nagkampo ang mga ‘to? Naiinis akong dinampot ang gamit ko. Nakakawalang gana!
Habang papalabas ako ng opisina, dinig ko ang usapan ng tatlong manyak.
"May party daw mamaya," sabi ng isa.
"Oo, sa resort malapit sa bahay nina Lisa," sabad naman ng isa pa.
Napangiwi ako. Bakit parang ngayon ko lang ‘to nalaman?
Eh doon ako nakatira!
Alam kong Maynila ‘to at hindi na ‘ko nasa probinsiya, kaya hindi na dapat ako magulat kung may mga biglaang pool party na ganyan. Pero sana man lang, may nagsabi, ‘di ba?
Eh, ano naman ngayon kung may party? Hindi naman ako mahilig sa ganyan. Wala akong pake.
Napansin kong panay ang sulyap ng tatlong lalaki sa akin, halatang gusto akong ayain. As if sasama ako!
"Ayos ‘yun, pre," narinig kong sabi ng isa. "Lahat ng hot babes nando’n."
"Malay mo, may magbago ng isip, ‘no?" sagot naman ni Clyde.
Tss. Napailing ako. Kahit anong parinig nila, wala akong balak sumama sa kalokohan nila.
Kaya naman mas pinili kong dumiretso palabas ng opisina, sabay dabog sa mesa ko bago tuluyang umalis. Bahala kayo sa buhay niyo!
Mabilis akong naglakad. Kailangan kong makasakay agad ng jeep.
Ayoko nang tumambay pa sa daan, lalo na’t madilim na. Pero habang nagmamadali akong umalis, bigla akong nakarinig ng malalakas na hiyawan mula sa likuran ko.
Napalingon ako.
Tatlong motor ang mabilis na dumaan—halatang mayabang ang dating ng mga sakay. Sa isang motor, may angkas na babae. Si Lisa.
Tss. Kahit kailan, wala talagang pakialam ‘yon sa imahe niya.
Bahala sila! Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, bigla akong napaatras nang maramdaman ko ang isang matigas na kamay na pumisil sa puwet ko!
"Ano ‘yun?!"
Napahinto ako, gulat at inis na inis. Agad akong lumingon, pero huli na—nagtatawanan na lang ang grupo habang palayo na ang motor nila.
Put—! Sino sa kanila ang gumawa nun?!
Si Lisa ba? O ang manyak niyang boyfriend?
Hindi ko alam kung sino, pero gigil na gigil ako!
Mga hayop!
Napakuyom ako ng kamao. Mabuti na lang at nasa daan ako, kundi baka may nabasag na mukha ngayon.
Pagkasakay ko ng jeep, agad kong napansin ang siksikan ng mga pasahero. Bwisit!
Mainit na nga sa loob, amoy pawis pa ang iba. Napangiwi ako nang maramdaman ang lagkit ng hangin—kulang na lang ay sumuka ako sa amoy ng putok na sumalubong sa ilong ko.
Habang umaandar ang jeep, pakiramdam ko’y lalo lang akong naiirita. Ang sikip!
Lalo na sa katabi kong hindi marunong umayos ng upo. Parang sinasadya niyang idikit ang braso niya sa akin. Gusto ko siyang sitahin, pero bago ko pa magawa, biglang nagsalita ang mokong.
"Boss, paabot ng bayad," sabi niya sa baritonong boses.
Teka…
Parang pamilyar ‘yung boses na ‘yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang katabi ko.
Si manyakis?!
Si Clyde?!
Ano bang kamalasan ‘to?
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinusundan mo ba ako?" inis kong tanong.
Lumingon siya sa akin at sinuklian ako ng tamad na ngiti. Ang kapal ng mukha!
"No," sagot niya, sabay kibit-balikat. "You are not my type."
Gusto ko siyang dagukan.
"Eh bakit nandito ka?" mariin kong tanong.
Napailing siya, parang naiinis na sa akin. "Naiwan ko lisensya ko sa opisina. Wala akong choice kundi sumakay ng jeep."
Aba, may pride pa ‘tong gago!
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Napakasuplado, pero siya ang sumiksik sa tabi ko!
Gusto kong umismid, pero mas pinili ko na lang na lumingon sa bintana. Bahala siya sa buhay niya.
Sa dami ng pwedeng mangyari sa araw na ‘to, bakit kailangan ko pang makasabay ang lalaking ‘to? Bwisit talaga!
Ang init na nga sa loob ng jeep, tapos sumabay pa ang inis ko kay Clyde. Bwisit talaga! Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng pasahero, siya pa ang nakatabi ko.
Mas pinili kong huwag siyang pansinin. Wala akong oras makipagtalo sa isang manyakis na kagaya niya. Pero narinig ko ang mahina niyang bulong na lalong nagpa-pundi ng ulo ko.
"Damn, may putok ata ‘to."
Nanlaki ang mga mata ko.
Sinabi niya ‘yon? Sa akin?
Putok?! Ako?!
Mabilis akong napalingon sa kanya, ang init ng dugo ko sa sobrang inis. "Ano raw?" singhal ko, hindi makapaniwala sa narinig ko.
Nagkibit-balikat lang si Clyde, walang pakialam sa gulat at galit ko. "Sabi ko lang, may naamoy ako."
Napakawalanghiya!
Kung hindi lang masikip sa loob ng jeep, baka nasampal ko na siya sa kapal ng mukha niya! Ako pa talaga ang may putok?!
"Hindi ako ‘yon, gago!" madiing sabi ko, pabulong pero matalim ang tingin.
Napangisi lang siya, tila ba natutuwa sa reaction ko. "Relax ka lang. Baka naman kinakabahan ka kaya ka pinagpapawisan."
Ano ‘to? Binabastos na nga ako, tapos ako pa dapat mag-relax?
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakaputing t-shirt siya na hapit sa katawan, at sa malapitan, lalo kong napansin ang tattoo niya sa dibdib. Punyeta, kahit gwapo siya, wala siyang modo!
Umayos ako ng upo, pilit na lumalayo kahit isang pulgada lang. Bwisit! Ilang minutong biyahe pa ‘to? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, naglakad na lang sana ako!
Para akong natuka ng ahas sa sinabi ni Clyde.
“Ang sarap ng katawan mo. Malambot.”
Putang ina.
Halos mag-apoy ang mukha ko sa inis at kahihiyan. Sinabi niya ‘yon nang walang pakundangan, walang takot, at walang hiya. At ang mas nakakainis? Sinabi niya ‘yon habang bumababa na siya ng jeep, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya babanatan ng sagot!
Napalingon ako sa ibang pasahero, baka may nakarinig. May ilang mga babae na pasimpleng nagtatawanan at may isang mama na umiling na lang, tila ba nasaksihan na rin ang pagiging manyakis ni Clyde.
Iritado kong hinabol siya ng tingin. Nakangisi ang gago habang naglalakad papasok sa resort, parang walang nangyari. Napalunok ako, hinigpitan ang hawak sa bag ko.
Bwisit!
Gusto ko siyang habulin at suntukin sa mukha pero wala namang mangyayari kung papatulan ko siya. Isa pa, hindi ko dapat hinahayaan na maapektuhan ako ng isang katulad niya.
Kaya naman, imbes na lumabas ang totoong inis ko, bumuntong-hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili.
Hindi mo siya kilala, Reina. At wala kang balak makilala siya.
Pero kahit anong pilit kong alisin sa isip ko ang sinabi niya… ramdam ko pa rin ang init sa pisngi ko.
Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko agad si Tiya Sonya sa sala, abala sa pag-aayos ng mga bagong biling halaman. Mukhang nag-ikot na naman siya sa garden shop ngayong hapon.
Agad akong lumapit at nagmano sa kanya. “Magandang gabi po, Tiya.”
Napatingin siya sa akin at ngumiti bago bumalik sa ginagawa niya. “Oh, Reina, bakit hindi kayo sabay ni Lisa umuwi?”
Ayun na. Alam kong itatanong niya ‘yan. Mula nang tumira ako rito, palaging iniisip ni Tiya Sonya na dapat magkasundo kami ni Lisa at laging magkasama, pero sa totoo lang… hindi talaga kami magka-vibes ng pinsan ko.
“Nauna po siya. May… lakad yata,” sagot ko nang hindi nagbibigay ng masyadong detalye.
“Oo nga pala,” dagdag ni Tiya Sonya, tila hindi na nagduda sa sagot ko. “Kumusta naman ang trabaho mo?”
Napabuntong-hininga ako at mabilis na ngumiti para hindi halata ang iritasyon ko kanina. “Ayos naman po.”
Ayokong sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina—lalo na sa pagiging wild ng anak niya sa opisina. Hindi ko rin naman ugaling magsumbong.
Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga halaman. “Mabuti naman kung gano’n. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang ha?”
Tumango ako at ngumiti, pero sa loob-loob ko, gusto ko na lang dumiretso sa kwarto ko at humiga. Isang buong araw na inis ang naranasan ko, at hindi ko na talaga kaya ang isa pang interrogation.