1

1775 Words
Reina’s POV Break time na, pero parang ako lang ang may gustong kumain nang maaga. Wala si Maya, at siguradong busy na naman si Lisa sa kung anong kalokohan niya. Kaya wala akong choice kundi mag-isa na lang pumunta sa canteen. Habang naglalakad ako sa hallway, bigla akong natigilan nang may nakasalubong akong lalaki. Matangkad, may matipunong katawan, at sa unang tingin pa lang—guwapo. Sobrang guwapo. ‘Yung tipong parang hinulma ng Diyos na may espesyal na pabor. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at may mapang-akit na ngiti sa labi. Pero may isa pang bagay na napansin ko sa kanya… Parang… siya ‘yung boyfriend ni Lisa? Napakurap ako. Oo, hindi ako sigurado dahil hindi ko naman lubusang kilala ang lalaki, pero ang mukha niya, parang pamilyar. Lalo na ‘yung angas sa tindig niya—relax pero dominante, parang sanay sa pananakop ng babae. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang polo, medyo may gusot sa bandang dibdib, na parang… Huwag mong isipin, Reina! Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin, pero huli na. Nahuli niya na akong nakatingin. Ngumisi siya. Isang manyak na ngiti. "Hi, miss." Napakunot-noo ako. Ay, gago ‘to. Dumeretso ako ng lakad, hindi na nag-abalang sumagot. Pero narinig kong tumawa siya, ‘yung klase ng tawa na parang alam niyang iniisip ko siya. "Tsk, suplada," narinig kong bulong niya bago siya dumaan sa tabi ko. Napailing ako. Hinding-hindi kita type. Hindi ka pasok sa standards ko! Pero habang naglalakad ako papunta sa canteen, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya mula sa gilid ng mata ko. At doon ko narealize—s**t. Paano kung siya nga ang bagong boss namin? Habang nakapila ako para umorder ng pagkain, pilit kong nililimot ang nakasalubong kong lalaki kanina. Nakakairita talaga. Pero hindi ko na pinansin at tinutok ang isip ko sa menu. Ano kayang masarap kainin ngayon? "Ate, isang chicken meal po with extra rice," sabi ko sa cashier. Pero bago pa ako makapagbayad, may naramdaman akong kakaiba. May tao sa likod ko—sobrang lapit. As in, halos dumikit na ang katawan niya sa akin. Nanigas ang katawan ko at dahan-dahang lumingon. Putangina. Siya na naman. ‘Yung lalaking nakasalubong ko kanina, ‘yung boyfriend ni Lisa, ‘yung may manyak na ngiti—nandito na naman siya! Mas lumala ang inis ko nang makita ko siyang may nakakalokong ngiti habang nakatingin sa akin. Napansin ko rin ngayon na may tattoo siya sa may dibdib—isang disenyo na hindi ko masyadong makita dahil bahagyang nakabukas ang unang butones ng polo niya. At may balahibo rin siya sa dibdib. Shit. Mariin ko siyang tinitigan. "Anong problema mo?" Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, lalo na sa suot kong blouse at slacks na sobrang disente. Alam kong balot na balot ako, pero ‘yung titig niya, parang hinuhubaran ako. Tumaas ang isang kilay niya, at may mapanuksong ngiti sa labi. "Ang init ngayon, ‘no?" Napangiwi ako. "Bakit? Anong kinalaman niyan sa’kin?" Lumapit pa siya ng bahagya, dahilan para lalo akong umatras. "Wala lang. Init na init ako, eh. Pero ikaw… parang wala kang pakialam. Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Ano ‘to, body temperature check? Napairap ako. "Hindi. At kahit oo, anong pake mo?" Tumawa siya, ‘yung mababa at bahagyang may pang-aasar. "Wala. Nagtataka lang ako. Usually, ang mga babae dito sa opisina, mahilig sa fitted dresses, skirts, or kahit paano, nagpapakita ng konting balat." "Tapos?" Mas lumalim ang ngiti niya. "Ikaw lang yata ang hindi. Para kang…" Huminto siya saglit, tila iniisip ang tamang salita. "... madre." Nanlaki ang mata ko. Ano daw?! Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mariin kong tinapakan ang sapatos niya. "Ay, sorry!" sabi ko nang walang bahid ng pagsisisi. "Nadulas ako." Napangiwi siya, pero sa halip na magalit, lalo lang siyang natuwa. "Ang tapang mo pala." "At ikaw? Ang kapal ng mukha mo pala," sagot ko pabalik. Kinuha ko ang tray ng pagkain ko at mabilis na umalis, iniwan siyang napapangisi pa rin. Manyak na lalaki. Hindi talaga pasok sa standards ko! Pagkatapos kong iwasan ang lalaking ‘yon sa pila, naghanap ako ng bakanteng mesa sa canteen. Hindi ko hahayaan na masira ang break time ko dahil lang sa isang manyak na lalaki. Nang makahanap ako ng pwesto sa may sulok, agad akong naupo at nagsimulang kumain. Pilit kong iniiwasan ang anumang pang-iisip tungkol sa kanya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko makalimutan ang mga tingin niya—parang… sinusukat ako. Hayop na lalaki ‘yon. Napabuntong-hininga ako at sinubukan na lang mag-focus sa pagkain ko. Pero ilang sandali lang, naramdaman kong may dumaan sa harap ko. Sa gilid ng mata ko, may anino na tumapat sa mesa ko. May naupo sa harap ko. Napahinto ako sa pagsubo at dahan-dahang tumingin pataas. Oh, Diyos ko. Hindi nga. Siya na naman?! Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya. Wala siyang pakialam na inis na inis ako sa presensya niya. Komportable siyang umupo na parang sa kanya ang mesa. Nakasandal siya sa upuan, isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang isa ay nakalagay sa likod ng upuan—sobrang relaxed, parang walang ginawa kanina na nakakapagpa-high blood sa akin. Pinanood ko siya habang binuksan niya ang lata ng soda at uminom, bago nagpakawala ng mahinang tawa. "Parang hindi mo ako namimiss, ah." Putangina, ano ‘to, jowa moment?! Napangiwi ako at nagpatuloy sa pagkain. "Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Narinig ko ang tunog ng lata nang muli siyang uminom bago sumagot. "Sinusundan? Wow, assuming ka naman." Ngumiti siya, ‘yung tipong nakakapikon. "Malay mo, trip ko lang dito kumain?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Dami namang bakanteng mesa." Tumaas ang kilay niya, parang naiintriga. "Eh bakit ikaw, mag-isa ka rin?" Nanikip ang lalamunan ko sa inis. "May kaibigan akong kasama, kaso hindi sila gutom." Ngumisi siya. "So malungkot ka?" Napapikit ako at huminga ng malalim. Patience, Reina. Patience. Pero hindi ko na kinaya nang makita kong sinasandal niya ang baba niya sa kamay niya habang tinititigan ako na parang… parang ine-enjoy ang pagkain niya ng libreng palabas! "Manyak ka ba?" bigla kong sabi, hindi na napigilan ang sarili ko. Natahimik ang paligid. Parang narinig ko pa ang ilang kutsara at tinidor na bumagsak sa mesa ng ibang empleyado. Napalibot ang tingin ko at napansin kong may mga kasamahan akong lihim na nakatingin sa amin. Parang eksena sa pelikula. Ano bang meron? Samantala, ang manyak na ‘to sa harap ko, hindi man lang naapektuhan. Sa halip, tiningnan niya ako nang diretso, bago ngumiti ng pa-sarkastiko. "Hmm," aniya, na parang nag-iisip talaga kung sasagutin ang tanong ko. Maya-maya, lumapit siya nang bahagya, na halos mahulog ako sa kinauupuan ko. "Depende. Kung gusto mo, puwede." Nanlaki ang mata ko. "HAYOP KA!" Bago ko pa siya maapakan o maibato ang kutsara ko sa kanya, mabilis siyang tumawa—‘yung malalim, ‘yung parang lalong nakakainis. "Relax ka lang, madre. Baka magalit si Papa Jesus." Napairap ako. "Bwisit ka." Nakangiti pa rin siya, pero may kakaibang kislap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Bwisit pero guwapo?" Napahawak ako sa noo ko. Diyos ko, anong nagawa kong kasalanan at pinadalhan mo ako ng lalaking ganito?! "Baby!" Napakurap ako nang marinig ang malambing ngunit exaggerated na boses ni Lisa. Napalingon ako sa kanya, at kasabay noon, nakita kong lumapit siya sa mesa namin. Pero ang mas ikinagulat ko? Ni hindi man lang natinag ang lalaking manyak sa harapan ko! Hindi man lang tumayo. Hindi man lang lumingon kay Lisa. Parang wala siyang pakialam. At si Lisa? Diyos ko, para siyang gutom na gutom nang lumapit sa lalaki. Bago pa ako makapagsalita, nakita ko na lang siyang sumubsob sa labi ng lalaki—walang kahihiyan! Halos lamunin na niya ang bibig ng manyak na ‘to na parang wala kaming ibang kasama rito! Napalunok ako. Anong klaseng kababuyan ‘to?! Napalingon ako sa ibang empleyado. Napansin kong may ilan ding nakatingin sa eksena, pero wala silang sinasabi. Ganon ba talaga sila dito? Wala nang pakialamanan? Pilit kong iniwas ang tingin ko sa dalawa, pero imbes na ma-distract ako, bigla kong naisip ang isang bagay na hindi ko dapat iniisip. Ano kaya ang lasa ng halik? Napakagat ako sa labi ko. Ano ba, Reina?! Hindi ko kailangang isipin ‘yon! I mean, wala naman akong experience sa ganyan. No boyfriend since birth ako! Isa pa, hindi lang basta boyfriend ang gusto ko—may standards ako. Gusto ko ng lalaking magalang. Gusto ko ng lalaking may respeto sa babae. Gusto ko ng lalaking masipag, hindi ‘yung puro kaangasang walang laman. Gusto ko ng lalaking hindi basta-basta dumidikit kung kanino-kanino. At itong lalaking nasa harap ko? HINDI SIYA PASOK SA STANDARD KO! Napatingin ako sa kanila ulit—si Lisa, mukhang wala nang pakialam sa paligid habang parang sinusupsop na ang mukha ng lalaki. Samantalang siya? Ang manyak na ‘to? Walang reaction. As in wala. Hindi ko alam kung siya ba ang halik na walang gana o sadyang wala lang siyang pake sa ginagawa ni Lisa sa kanya. Pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi ako dapat naaapektuhan sa nakikita ko. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon—lumayo sa lalaking ito bago pa ako makaisip ng kung ano-ano. "Tara na, baby," malanding aya ni Lisa habang nakapulupot ang kamay sa braso ng boyfriend niyang manyak. "Dun tayo sa ibang table. Nakaka-boring dito, eh." Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko. Mas mabuti ngang lumipat sila. Hindi ko kailangang makita pa ang ginagawa nilang kahalayan sa harapan ko. Pero bago pa sila umalis, lumapit si Lisa sa akin at bumulong. "Reina, huwag ka magsusumbong kay mama, ha?" Babala niya, may halong pagmamayabang sa tono. "Alam kong hindi mo gusto ang ginagawa ko, pero wala kang pake, okay?" Napataas ang kilay ko. Talaga lang? Hindi ko siya sinagot, kaya nagpatuloy siya, "Alam kong iba tayo. Ikaw, Maria Clara. Ako? Well... gusto kong gawin ang gusto ko. Huwag mong pakialaman ang buhay ko." Pagkatapos no’n, hinila na niya ang boyfriend niyang manyak papunta sa ibang table, habang ako? Naiwan na lang doon, napapailing. Lisa at ako? Magkaibang-magkaiba talaga kami. Siya, liberated—walang pakialam sa sinasabi ng iba, malaya sa lahat ng bagay. Ako? Conservative. May respeto sa sarili. Hindi basta nagpapadala sa tukso. At higit sa lahat... May standards ako pagdating sa lalaki. Eh, siya? Kitang-kita naman kung anong klase ng lalaki ang pinili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD