Tahimik si Reina habang hawak pa rin ang tasa ng tsaa, pero hindi na niya muling naihigop ito. Pakiramdam niya ay bumigat na naman ang paligid nang marinig ang tanong ni Clyde. "Bakit ka nga pala pinalayas sa bahay ng tiyahin mo?" casual na tanong nito habang nakatingin sa kanya. Napasinghap si Reina. Ramdam niyang muling nanikip ang dibdib niya, na parang pinipilit niyang kalimutan pero pilit namang ibinabalik ng tadhana. Hindi siya agad sumagot. Umiling lang siya nang marahan, pilit pinapakalma ang sarili. “Wala... komplikado lang,” mahina niyang sagot, iwas ang mga mata. Ngunit hindi kontento si Clyde. “May kinalaman ba sa’kin?” Sa tanong na iyon, napatingin si Reina. Bahagyang tumapang ang tingin niya. “Alam mo naman siguro kung gaano ka kagulo, ‘di ba?” mahina pero madiin ang bo

