Reina POV Habang nag-aantay ako ng sasakyan, bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Wala man lang pasabi, para bang sinabayan pa ang bigat ng araw ko. Pauwi na sana ako kina Nicca. Ang balak ko, kahit sandali lang akong makituloy dun. Kahit sa sahig lang ako matulog, basta lang may bubong. Pero ito ako ngayon—nasa gilid ng daan, sa ilalim ng maliit na shed na halos wala ring silbi dahil sa lakas ng ulan. Basa pa rin ako. Giniginaw. At sobrang bigat ng dibdib ko. Napatingala ako sa langit. Talaga ba, Lord? Ganito na lang palagi? Ang lakas ng ulan, pero mas malakas yata 'yung bagyong nasa loob ko. Naisip ko na naman si Clyde. Malas ko talaga mula nang makilala ko siya. Hindi ko alam kung anong sumpa ang nadala niya sa buhay ko. Baka nga tama si Lisa—ako raw 'yung malandi, ako raw '

