Reina POV Isa-isa kong pinupulot ang mga gamit ko sa gilid ng kalsada. May mga damit na nahulog at nadumihan na. Yung paborito kong blusa, nayapakan pa ng dumaan na bata. Ang notebook ko, basa ng hamog. Parang gumuho ang mundo ko habang pilit kong binubuo ang sarili kong buhay mula sa pagkakakalat nito sa kalsada. Pilit kong pinipigilang umiyak. Pero hindi pa pala tapos ang kahihiyan. Bumukas ang pinto. Narinig ko ang tunog ng tsinelas sa semento, at ang pamilyar na tinig ng tiyahin ko, kasunod si Lisa na may mapanuksong ngisi. “Ayan, buti dumating ka,” sarkastikong sabi ni Tiya Lorna. “Para mas madali mong pulutin ‘yang mga kalat mo.” Napatingin ako sa kanila—ako na nga itong halos lamunin na ng hiya, ako pa ang tinawag na magulo. “Wala naman kaming lugar sa bahay para sa mga mala

