REINA POV Habang naghihiwa ako ng bawang sa kusina, narinig kong nagsalita si Mama habang sinisilip ang nilulutong gulay sa kawali. “Anak, samahan mo ako bukas sa health center, ha?” ani Mama. “Parang sumasakit ulit ‘tong tagiliran ko.” Agad akong tumango. “Oo naman, Ma. Ako na magpapalista sayo dun pag-umaga pa lang.” Napangiti siya. “Salamat, anak. Iba talaga pag may anak na babae.” Napatigil ako saglit sa ginagawa nang marinig ko ang sumunod niyang tanong. “Eh, kailan ka babalik ng Maynila?” Kinabahan ako. Napatingin ako kay Clyde, na nakaupo sa terasa, tahimik lang at abala sa pagse-cellphone. Hindi ko alam kung narinig niya ang tanong ni Mama, pero sa loob ko, parang sumikip bigla ang dibdib ko. “Hindi ko pa alam, Ma…” sagot ko habang pilit iniiwas ang tingin. “Baka… baka ila

