5

1366 Words
Reina’s POV Ano bang klaseng CEO ang ganito? Bastos, tamad, at walang ibang ginawa kundi mambastos. Habang nakaupo ako sa harapan ni Clyde, biglang bumukas ang pinto. Dalawang lalaki ang pumasok—mga kaibigan yata niya. Pareho silang may itsura, pero halata sa kilos na pare-pareho lang silang magkaka-vibes. "O, bossing, mukhang may bago kang pinaglalaruan?" tukso ng isa sa kanila habang nakangisi kay Clyde. "Tangina mo, Leo," sagot ni Clyde, tumatawa pa. "Pinapalabas mo namang manyak ako." "Eh, hindi ba?" sabat ng pangalawang lalaki. Umirap ako. Mga walang modo! Puro bastos yata ang nasa kwartong ito. "Hindi siya laruan," sagot ni Clyde. "Siya si Reina." Lahat sila, napatingin sa akin. Para bang ini-scan ako ng mga mata nila. "Parang hindi CEO kung umasta," bulong ko sa sarili ko. Napatingin si Clyde sa akin, kita ang nakakalokong ngiti sa mukha niya. "May sinasabi ka ba, Miss Reina?" Tumaas ang kilay ko. "Wala, iniisip ko lang kung paano ka napunta sa pwesto mo." Nagtawanan ang mga kaibigan niya. "Savage," sabi ni Leo, umuupo sa sofa na parang pagmamay-ari niya ang opisina. "Siyempre, may utak ako," sagot ni Clyde. "At hindi ako tulad ng ibang CEO na puro trabaho lang—boring ‘yon. Hindi ako pumasok sa negosyo para lang mamatay sa overtime." "Ah, kaya pala hindi ikaw ang nakaupo sa pwesto ni Armando." "Exactly," sagot niya agad. "Trabaho niya ‘yon. Ang trabaho ko, maningil lang at siguraduhing maayos ang negosyo." Napailing ako. Ang tamad talaga ng lalaking ‘to! At higit sa lahat, walanghiya! "Reina, since nandito ka na rin lang, kunin mo na rin kami ng beer sa ref," utos ni Clyde habang nakasandal sa sofa, para bang hari na nagpapautos lang ng alipin. Napataas ang kilay ko. "Excuse me? Hindi ako katulong mo." "Alam ko," sagot niya, nakangisi. "Pero gusto ko lang makita kung susunod ka." Umirap ako. "Sorry, pero aalis na ako." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Hindi ko na kayang tiisin ang presensya ng mga gago niyang kaibigan at lalo na si Clyde na parang wala talagang respeto sa akin. Pero bago pa ako makalayo, biglang hinawakan ni Clyde ang braso ko, sapat lang ang lakas para pigilan ako. "Relax, Reina," bulong niya, masyadong malapit ang mukha niya sa akin. "Hindi kita pipilitin kung talagang ayaw mo. Pero isipin mo rin, anong mas gusto mo? Magpakahirap sa opisina, buong araw nakatutok sa laptop at mga papel, o dito sa mansyon—relax lang, walang gaanong pagod?" Napatingin ako sa kanya, gulat sa sinabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Simple lang," sagot niya. "Kung gusto mo, pwede kang manatili dito sa akin. Ayoko naman ng stiff na secretary. Mas gusto ko yung nandito lang, madaling utusan." Nanlaki ang mata ko. "Ano ako? Alila mo?" Ngumiti lang siya, pero kita ko ang pilyong ningning sa mata niya. "Hindi naman. Masarap naman akong amo, di ba?" Mas lalo akong nainis. "Hayop ka talaga, Clyde!" Hinawi ko ang kamay niya at tuluyan nang naglakad papalabas. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto, muling nagsalita si Clyde—isang pangungusap na nagpahinto sa akin. "Sigurado ka bang gusto mong umalis, Reina? Kasi kapag lumabas ka ng kwartong ‘to, hindi mo na malalaman kung ano talaga ang plano ko para sa’yo." Natigilan ako. Ano'ng ibig niyang sabihin? Kailangan kong lunukin ang pride ko. Kahit sobrang bastos at manyak ng boss kong si Clyde, wala akong magagawa kundi magpakabait. Hindi ko afford mawalan ng trabaho—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa pamilya ko. Huminga ako nang malalim at bumaling kay Clyde, pilit na inaayos ang tono ng boses ko. "Pasensya na po, Sir Clyde," aniya ko, pinilit ang sarili kong ngumiti. "Ano po ulit ang kailangan niyong ipagawa sa akin?" Nagtaas siya ng kilay, halatang naguguluhan sa bigla kong pagbabago ng tono. "Wow. Kanina lang, mukhang gusto mo akong sabunutan. Anong nangyari?" Napakagat ako sa labi. "Wala po. Gusto ko lang pong gawin nang maayos ang trabaho ko." Ngumiti siya—pero hindi iyon simpleng ngiti. May kung anong pilyo sa mga mata niya. Alam kong gusto niya akong pagtripan. "Ganun ba?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang bumibigat ang hangin sa pagitan namin. "Edi kung ganyan, kunin mo na yung beer sa ref. Magsimula ka muna sa mga simpleng utos ko." Kagat ang dila ko para hindi sumagot nang pabalang, tumango ako at tumalikod. Kailangan kong tiisin ‘to. Walang personalan. Trabaho lang. Pero kahit pilitin kong huwag magpahalata, pakiramdam ko ay sinusundan ako ng tingin ni Clyde habang naglalakad ako papunta sa kusina. At sa loob-loob ko, alam kong hindi pa ito ang huling beses na ipaparamdam niya sa akin kung sino ang tunay na may kapangyarihan dito. Habang naglalakad ako pabalik dala ang malamig na beer, biglang may tumigil sa harapan ko—isang matandang lalaki. Mukhang may edad na siya, pero halata pa rin ang tikas at awtoridad sa kanyang tindig. Ang mga mata niya ay puno ng pagsusuri, at ang ekspresyon niya ay hindi ko mabasa. "Ang aga mo namang maghain ng beer," aniya, bahagyang nakakunot ang noo. "At sino ka naman?" Nagulat ako. Hindi ko inaasahang may makakasalubong ako rito na hindi ko kilala. Pero dahil nasa pamamahay ako ng boss ko, nagpakumbaba ako. "Magandang hapon po," mahinahon kong sagot. "Ako po si Reina, isang empleyado sa kumpanya ni Sir Clyde." Sandaling katahimikan. Muling sinipat ako ng matanda mula ulo hanggang paa, na para bang binabasa niya ako. "Trabahador?" Bahagyang nagtaas siya ng kilay. "Akala ko bagong laruan ni Clyde." Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?! Ano’ng ibig sabihin nun? Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa inis at pagkailang. Gusto kong sumagot nang pabalang, pero nagtimpi ako. Hindi ko alam kung sino siya, pero halata sa kanyang tindig at pananalita na may mataas siyang posisyon sa buhay ni Clyde. "Pasensya na po, pero nagtratrabaho lang po ako rito. Wala po akong ibang intensyon." Tumango lang siya, pero hindi pa rin nawala ang pagsusuri sa mga mata niya. "Sana nga," aniya bago lumakad palayo. Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay may mas malalim pang ibig sabihin ang sinabi niya. At sa loob-loob ko, parang hindi ito ang huling beses na magkikita kami. Pagpasok ko sa silid ni Clyde, malamig ang aircon, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init ng inis ko. Walanghiya talaga ang boss kong ito. Kahit anong iwas ko, parang lagi akong nahahatak pabalik sa kanya. “Oh, andyan ka pa pala.” Tumawa si Clyde nang makita akong hawak pa rin ang beer. Ang tamad! Ni hindi man lang iniabot! Nilapag ko ito sa mesa. "Eto na po, Sir. Babalik na po ako sa trabaho." Pilit kong pinakalma ang sarili. Pero hindi niya ako pinayagang umalis. "Dito ka lang," utos niya. "Ayoko kasing uminom nang mag-isa." Napakunot ang noo ko. Anong klaseng dahilan ‘yon? Eh, may mga barkada naman siya kanina! "Sir, marami po akong gagawin—" "Umupo ka lang," putol niya. "Gusto ko lang may nakikita habang umiinom." Nagpanting ang tenga ko. Para akong naging dekorasyon sa kwarto niya! Huminga ako nang malalim at tumayo lang sa gilid. Bahala siya sa buhay niya! Hindi ko naman siya pinansin, pero ramdam ko ang panaka-nakang sulyap niya sa akin. Parang may iniisip siyang kung ano. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti siyang nalalasing, pero imbes na maging matamlay, mas lalong lumabas ang pagiging manyak niya. Lumulutang ang yabang sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "Reina," tawag niya. Lumingon ako, pero hindi ko inasahan ang sumunod niyang sinabi. "Ano kaya kung ikaw ang maging pampatulog ko ngayong gabi?" Nalaglag ang panga ko. “Ano?!” Napangisi si Clyde, kita sa mga mata niya ang panunukso. "Mukha kasing masarap kang kayakap." "Sir, lasing ka na po." Halos manigas ang katawan ko sa pagkailang. "Hindi pa. Pero kung gusto mong lasingin ako nang husto, bakit hindi mo na lang ako samahan dito?" Naningkit ang mga mata ko. Kung hindi lang siya ang boss ko, baka nasampal ko na siya ulit. Pero ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang... hindi lang galit ang bumalot sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD