14

1537 Words

Lumabas si Lola Guada sa may balkonahe ng bahay nang makarinig ng papalapit na tunog ng motor. Kumunot ang noo ng matanda, hawak pa ang tinik ng isdang nililinis. “Sino na namang nilalang ‘to ng alikabok sa daan?” usal niya, pero sa loob-loob ay kabado rin—baka kung sino na naman ang pasaway sa lugar nila. Pagkababa ng rider, agad nitong tinanggal ang helmet. “Lola Guada!” sigaw ng lalaki sabay ngiti. Napamaang si Lola Guada. Saglit siyang napatigil, kumurap pa nga ng dalawang beses bago lumapit. “Clyde?!” bulalas niya. “Clyde ko ‘to?! Diyos ko! Binata na’t bumalik pa!” Agad siyang lumapit at niyakap ang binatang parang anak na niya. “Namiss mo ko ‘no, Lola?” nakangising tanong ni Clyde habang iniaabot ang bitbit na paper bag. “May pasalubong ako. Lechon belly, at saka paborito mon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD