POV ni Reina Sunod-sunod ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Hindi ko na mabilang kung ilang tawag at mensahe ang natanggap ko mula kay Tiya Luming. Una’y binalewala ko. Pero nung pangatlo at pang-apat na beses na—kinabahan na ako. May kutob akong hindi ito simpleng "asan ka na?" na tanong. Nang sagutin ko, wala pa man akong sinasabi ay agad na sumambulat ang tanong niya. "Magkasama ba kayo ni Clyde kagabi, Reina?" Nanlamig ang mga palad ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa batok. Parang biglang may nag-blur sa paligid at tanging boses lang ni Tiya Luming ang malinaw kong naririnig. Paanong nalaman niya? Sino ang nagsabi? At sa di ko maipaliwanag na paraan, isang pangalan lang ang agad kong naiisip. Greg. Nakita niya kami. Sigurado ako. Nang matapos ang laban, ra

