Uwian Na – Reina’s POV Pagkatapos ng isang buong araw ng trabaho, inaayos na ni Reina ang kanyang gamit sa desk nang biglang lumapit ang officemate niyang si Nica, may dala-dalang maliit na pouch at mukhang excited. "Reina, halika! Mag-mall muna tayo. Konting gala lang," aya ni Nica, sabay yakap sa kanyang braso. "Ha? Bakit naman? Pagod na ako, gusto ko na lang umuwi," sagot ni Reina habang isinusuot ang bag sa balikat. "Naman! Lagi ka na lang diretso uwi! Saka may chika ako! Malapit na raw birthday ni Sir Clyde, at guess what? Magpapaparty siya sa resort nila! Super bongga raw ‘yon, may private beach pa!" Napakunot-noo si Reina. "At anong kinalaman ko d'yan? Hindi naman ako mahilig sa mga party-party nila." "Uy, halata namang invited tayong lahat, noh? Kaya nga tayo pupunta ng mall!

