Nang matapos silang kumaina ay lumabas na sina Apple at Aiden para mag-date. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad. Naglalakad lang sila sa dalampasigan. Papunta sila ngayon kung saan ang mga tindahan na nagbebenta ng kung ano-ano. Malapit lang ito sa resort kaya nilalakad lang nila. Balita niya ay madaming souvenirs na nagbebenta doon. Gusto niyang bilhan ng souvenir ang pamilya niya, lalo na ang anak niya. Dahil sa bakasyon ngayon ay maraming mga tao sa lugar. May mga ibang tao din na naka-check in sa iba’t-ibang hotel. Naramdaman niya ang paghigpit nang hawak ni Aiden sa kamay niya. Pakiramdam niya ay natatakot ito na mawala siya sa dami ng tao. Napailing na lang siya saka mahigpit din na hinawakan ang kamay ng binata. Ipaparamdam niya dito na kahit kailan ay hinding-hindi na

