Nang matapos silang kumain ay pinaluwagan ni Aiden ang tali na nakatali sa cottage saka ito nagsagwan papalayo sa dalampasigan papunta sa malalim. Kagaya nila ay may mga kubo din na nando’n sa pinaghintuan nila. Muling hinigpitan ni Aiden ang tali para hindi na ito mas lumayo. “Let’s swim,” aya nito sa kanya. Iwinagayway niya ang isa niyang kamay. “Ikaw na muna. Mamaya na ako.” Hinaplos niya ang kanyang tiyan. “Busog pa kasi ako.” “Sige. Kapag gusto mong maligo ay tawagin mo lang ako.” “Okay.” Ngumiti siya dito. Napalunok siya ng mariin nang hubarin nito ang suot nitong shirt sa harapan niya dahilan para lumantad sa kanya ang matitigas at yummy nitong mga abs. Lihim niyang binilang iyon. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. s**t! Kapag ganyan ba naman karaming pandesal ang makikita n

